Chapter 17 | Muling Pagkikita

23.2K 824 101
                                    

KENJIE POV

SAKTONG natapos kong mabihisan si Zyliel ang siya namang pagdating ni Denzell. May extra key card siya dahil condo naman niya rito.

"Ninang Pretty," ngiting sigaw ni Zyliel bago nakipag-beso sa Ninang niyang si Denzell.

"What can you say about my uniform po? Am I look cute?" Saad nito at nagpa-cute pa talaga sa harapan nang Ninang niya.

Napangiti ng matamis si Denzell sabay haplos sa ulo ni Zyliel, "Ikaw na ang pinaka-cute na batang nakita ko. Kamukha moba naman—"

"Denzell," pinandilatan ko siya ng tingin.

Baka kasi madulas, e.

Nginisihan niya lang ako, "Kamukha mo ang Dada mo talaga, Baby Mosh." Mapanuksong anas niya.

"Of course, Ninang Pretty. I'm Dada's baby and his only Mosh." Inosenteng sabi ni Zyliel at ngumiti ng malawak. "Right, Dada?"

Automatic na nanlaki ang mata ko. Iba kasi ang epekto sakin nung endearment na 'yon.

Ganunpaman, hinayaan kona lang ang sariling balewalahin ang bagay na iyon.

Ngumiti ako saka tumango, "Yes, Baby. Ikaw lang ang Mosh ni Dada." Binuhat ko siya, "Excited kana bang pumasok sa bagong iskul mo?" Tanong ko.

"Opo. Pero nami-miss kona po si Khairo, Dada. Kamusta na kaya siya?" Tanong nito na ang tukoy ay 'yong madalas niyang kasama do'n sa iskul nila.

"I think he's okay. Paniguradong nami-miss karin no'n."

Ngumuso siya, "Magkikita pa kaya kami, Dada?"

"Siguro," hinaplos ko siya sa mukha. "Bata kapa, Zyliel pero maiintidihan morin balang araw kung bakit may umaalis at may dumarating. Don't worry, Baby, you will meet new friends naman on your new school."

"Excited napo ako," ngiting aniya.

"So, lets go," ani Denzell.

Kasama namin 'yong bagong Yaya ni Zyliel, si Daniela. Danilo ang pangalan niya pero dahil katulad namin siya, tawagin nalang daw namin siya sa pangalang Daniela.

Paglabas namin sa condo, mababakas sa hitsura ni Zyliel ang excitement sa reaksyon niya.

Kaya nang makarating kami sa bago niyang iskul na katabi lang naman ng University na pinasukan ko, agad ko siyang sinamahan sa kaniyang room kasama ang Yaya nitong si Daniela.

Yumuko ako para haplusin ang mukha ng anak ko, "Zyliel, Baby. Promise to Dada that you will behave, okay? Yaya Daniela will take care of you. Papasok din si Dada sa iskul, e."

"'Yong iskul moba, Dada, katulad din dito sa iskul namin?" Inosente niyang tanong.

Napangiti ako sa kainosentehan ng anak ko. "Hindi. Mas malaki kasi iskul namin. Ayun oh?" Sabay turo ko sa naglalakihang gusali na malapit lang sa kanilang iskul.

"H'waw! Antaas nang iskul niyo, Dada! Usto kopong makita!" Nanlalaki at napapahangang sambit niya.

"Hayaan mo, ipapasyal kita sa susunod."

"Yehey!"

"Kaya behave kalang, ha? 'Wag na 'wag kang lalabas ng iskul. Kung sakaling may kailangan ka, and'yan naman si Yaya. Magtanong kalang sa kaniya, okay?"

"Okay po, Dada."

Hinagkan ko siya sa noo. Hinagkan naman niya ako sa lips.

Tumayo ako saka nilingon si Daniela, "Daniela, just stay here, 'wag kayong lalabas ni Zyliel. Tawagan molang ako kapag may problema. 'Wag din kayong kumakausap lalo na kung lalaki at nasa edad kopa. Maliwanag ba 'yon, Daniela?"

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon