Chapter 42

51.3K 1.5K 1.3K
                                    

KENJIE POV

IT'S BEEN two weeks. Dalawang linggo na kaming nakatira ni Zyliel dito sa bahay nila Zedric. Buong puso nilang tinanggap ang anak ko, na labis ko namang ipinagpasalamat at ikinatuwa.

Noon, hindi maibsan ang takot ko na baka hindi siya tanggapin ni Zedric lalo na sa kaniyang pamilya. Pero heto, nakikita ko na masayang masaya ang anak ko at ang pamilya Scott.

Andami naring nangyari. Isa na ro'n 'yong paglipat namin ng apelyido ni Zyliel dahil ngayong araw ay papasok na siya sa bago niyang eskuwelahan with his new surname, Scott to be exact.

Samantalang ako naman ay babalik na sa pagiging intern ko. Ilang linggo akong hindi nakapasok. Kailangan kong bumawi sa mga araw na nawala ako dahil magiging unfair 'yon sa iba. Kung nararapat lang na pumasok ako sa mga araw na hindi nakatakda sa pag-intern ko ay willing ako, makabawi at makapasa manlang ako. I have to finish this year with flying grades, kung papalarin.

Kaso, kailangan korin ng sideline. Kailangan kong maghanap ng trabaho para makapag-ipon ng pera.

Dahil may utang pa ako na dapat kong bayaran.

"Kenjie," anang pamilyar na boses ng makapasok ako ng Hotel.

Tumalikod ako para tignan siya, "A—Archer."

"You're back," nakangiti niyang saad.

Nahihiya naman akong tumango. Hindi ko makapa kung anong dapat sabihin.

Alam na kasi ni Archer ang itinatago ko noon dahil nandun siya nung araw na inamin ko kay Zedric ang lahat.

"Mabuti naman at bumalik kana. Pati sa iskul ay maraming naghahanap sayo. Lalo na si Johannes at Sophia," wika ni Archer.

Hindi kona kailangang magtaka. Ang dapat kolang sigurong ipaghanda ay kung paano ko sasabihin ang lahat 'pag nagkita na kami.

"Sa tingin ko alam na nila ang totoo," ani Archer na ikinagulat ko.

Tinignan ko siya at nagtama ang aming mga mata.

"Even our schoolmates. I may not sure of what really happened but I heard them talking about your baby. I guess, they have hints that you and Zedric is his parent."

Bigla akong kinabahan. Balak kopa namang pumunta sa iskul namin mamaya dahil may mahalaga akong gagawin. Tila gusto kong umatras dahil sa nalaman ko.

How could that happened?

Naalala ko 'yong sandaling nakita ko si Zedric na kasama si Zyliel sa loob ng cafeteria. Iyon 'yong araw na hinahanap namin ang anak ko kasama ang Yaya Daniela niya.

Maging ang mga babaeng estudyante na pinag-uusapan sila ay aking naalala. Malabo rin na ganun ang iisipin nung ibang estudyante na naroroon sa loob ng cafeteriang iyon.

Hindi rin malabo na kumalat iyon sa social media. Dahil anti-social ako kung kaya't wala akong alam kung anong nangyayari.

Anong gagawin ko? Hindi ako handa kung sakaling may magtanong sakin.

Inaalala ko ang kapanan ni Zyliel. Ang sasabihin ng mga tao sa akin. Kung bakit may ganitong uri na katulad kong may kakayahang magbuntis.

Paano ko iyon ipapaliwanag para maiwasan ang panghuhusga ng mga tao sa akin?

At ayokong madamay ang anak ko.

Sasakupin na naman nito ang sistema ko ng labis na pag-iisip. And I couldn't resist to overthink.

"Hey, why do you look so scared and nervous?" Takang tanong ni Archer.

Huminga ako ng malalim para kumalma, "Wala." 'Yon na lamang ang nasagot ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 31, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon