Chapter 21 | Mr. Big Balls

20.5K 835 210
                                    


THE BIG BALLS POV

"ANO NAMANG pumasok sa kukote mo at umuwi ka ng ganito kaaga? Kasisimula palang ng klase niyo, a-absent kana naman?" Sermon ni Ate Zini sakin.

Manang mana talaga siya kay Mommy. Armalite ang bibig.

"Shut up, Ate Zini. I'm tired," bored kong tugon sa kaniya.

Umuwi talaga ako. Badtrip ako, e. Badtrip ako ngayong araw.

I don't f*cking know why! Basta badtrip ako! 'Yon na 'yon!

Nakaka-bwisit! Hindi parin maalis sa isipan ko 'yong nangyari kanina. 'Yong unexpected na pagkikita namin ni Kenjie. 'Yong nangyari sa cafeteria.

Tapos makikita kopang magkasama sila ni Archer. Ano 'yon? Bagong huhuthutan niya ng pera.

At sino naman 'yong lalaking maka-todo ngiti sa kaniya kanina do'n sa cafeteria. Kung makangiti akala mo kung sinong pogi.

Mas pogi naman ako sa kaniya.

"Bakit? Kami ba ay hindi?" Nakapamewang niyang sabi. "Hirap na hirap akong intindihin ka, sina Mommy at Daddy pa kaya. Pasalamat ka nga't mababait ang magulang natin para hayaan kang gawin ang mga luho mo!"

"That's it. They allow me and let me free to do whatever things I like, just accept it and do the same thing. Psh!" Inis akong nag-iwas ng tingin sa kaniya at tinahak ang hagdan paakyat.

"Ah, so hahayaan kitang magpaka-chickboy, ganun ba?" Sigaw ni Ate Zini sakin at lumapit sa tabing hagdan. "Paano kung may mapuruhan ka? Paano nalang kung isa o dalawa o walo sa mga libo-libo mong babae ang magpapakita sayo at magtapat na nabuntis mo sila? Eh, 'di malaking problema!" Nababanas niyang hiyaw sakin.

Ako ba ay hindi nababanas sa kakasermon niya?

"That's not gonna happen. Sinabi ko ng wala pa akong balak maging tatay sa edad kong 'to. Alam kong mag-ingat kaya 'wag mo akong turuan na para bang naka-disgrasya ako." Pagtatapos ko saka ako nagpatuloy sa pag-akyat.

I came here to rest. Kung alam kong ganito ang aabutin ko ay 'dina sana ako umuwi rito.

Kung wala si Mommy, si Ate ang kapalit. Salitan sila ng routine kapag isa sa kanila ay wala rito sa bahay.

Close kaming magkapatid. Inaaway niya lang ako kapag pinaiiral niya ang pagiging ate niya. And I f*cking hated that.

"Make it sure, Brother. Just make it sure." Habol ni Ate Zini ng tuluyan akong makaakyat.

Dali ko siyang nilingon at kinunutan ng noo nang makita ang naglalarong ngisi sa kaniyang labi.

Inilingan kona lang siya at daling tinahak ang kuwarto ko. Nang makapasok ay naligo agad ako. Pagkatapos ay nahiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame.

Aware naman ako sa ginagawa ko. Nag-iingat naman talaga ako. Paulit ulit na sila sa sinasabi nila sakin. Parang sirang plaka na nakakarindi sa tenga.

Paano ko mabubuntis ang mga iyon, e, gumagamit ako ng protection. I never fail to use protection.

I know what I am doing.

Except for him.

Psh! Kahit na. Hindi naman mabubuntis 'yon kasi bakla. Walang matres.

Kahit hindi man ako gumamit ng protection sa kaniya, aware akong hindi ko siya mabubuntis kasi nga, he's gay.

Kahit first time kopa siya.

Naisip kona naman siya.

D*mn it!

Umuwi ako para mag-relax pero sinong makaka-relax sa ganito karaming gumugulo sa sistema ko.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon