Chapter 26 | Truth Revealed

21.3K 805 69
                                    

KENJIE POV

HINDI KO LUBOS akalain na ganito kahaba ang pila ng mga mag-a-apply ding intern kagaya ko. Paano  nalang kapag na-late ako? Baka naubusan na ako ng slot.

Nakahinga ako ng maluwag matapos kong ibigay ang application letter ko. Maayos din ang interview ko dahil naging maayos ang mga sagot ko.

Kasalukuyan akong nandito sa may corridor at hinihintay na lamang ang resulta ng application ko.

May mga napansin din ako na nagtatalon sa tuwa matapos makita ang resulta. Iyong iba naman ay nalulungkot at halos umiyak na ang ilan.

Kinakabahan ako ng todo. Hindi ko tiyak kung matatanggap ba ako.

"Mr. Kenjie Alegria."

Dali akong pumunta sa harapan para kunin 'yong brown envelope na naglalaman ng resulta sa pag-apply ko.

Matapos kong kunin iyon ay nagtaka ako nang mapansing malawak ang pagkaka-ngiti ng babaeng staff sakin.

What's wrong? Hindi kona lang pinansin.

Nasa hallway palang ako ay sabik na akong makita ang laman ng brown envelope. Napatigil ako at nagpasyang tignan iyon.

Heto na. Bubuksan kona. Sobrang kabado ako.

Napahinto ako sa paglalakad at napapikit para pakalmahin ang sarili. Napalunok ako ng ilang beses bago dinukot ang laman ng envelope.

'QUALIFIED'

Nagalak ako sa nakita. Napangiti ako ng wala sa oras. Hindi ko lubos akalain na matatanggap ako sa isang attempt lang. At dito pa sa Z-Treasures na tiyak ko namang tanyag at tinitingala sa kagandahan.

"Kenjie."

Mabilis na nawala ang matamis kong ngiti sa nagsalita. Nag-angat ang tingin ko sa taong nasa harapan ko at nanlaki ang mata ko ng makita ko siya.

"C—Chance." Sambit ko rito.

What is he doing here?

"What are you doing here?" Tanong niya sakin na ako dapat ang nagtanong nun.

"Nag-apply ako ng internship ko rito," sagot ko.

Maayos naman ang pagka-tanong niya kaya nararapat din na sagutin ko siya ng maayos.

Hindi naman ako 'yong tipong tao na porket may hinakakit sa ibang tao ay babastusin kona lalo na kung maganda ang approach niya.

Except kay big balls.

Umawang ang labi ni Chance sa sagot ko. "W—What?"

"Nag-apply ako ng internship ko rito." Madiin kong sabi.

"W—Why here?"

Kumunot ang noo ko. "At bakit hindi?" Hindi ko maiwasang tarayan siya.

Pati ba naman sa pag-apply ko ng OJT ko ay papakealaman nila! For pete's sake, sana ay tantanan nalang nila ako! Nakakainis!

"Aren't you familiar with Z-Treasures?" Tanong niya, may diin sa letrang 'Z'.

Napaisip naman ako. Hindi nga talaga ako pamilyar sa Hotel na ito dahil wala akong kilala na namamahala rito.

Hindi kona rin nagawang saliksikin ang tungkol dito dahil sa dami ng iniisip ko. Sana manlang ay tinanong ko si Denzell, panigurado alam niya ang tungkol dito.

'Di bale, saka na ako magta-tanong kapag nagkita na kami. Ang mahalaga naman ay nakapasa ako.

"Kailangan paba talaga na alamin ko lahat ang tungkol sa hotel na'to?" Balik-tanong ko kay Chance.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon