Chapter 23 | Chance

19.3K 868 33
                                    



KENJIE POV

SA SUMUNOD na araw, wala naman naging problema. Pinaasikaso lang samin 'yong application papers na ipapasa namin bago mag-apply ng internship.

Next week na kasi gaganapin ang pag-apply namin. Hindi rin problema sa amin dahil may naka-atas na sampung hotels na puwede naming pag-applyan.

May nirekomenda rin 'yong Prof ko na Hotels. Malaki at sikat na hotels daw iyon at masasabing papasa ako.

Z-Treasures Hotel ang pagkaka tanda ko sa sinabi ng Prof namin.

"Kenjie," kinalabit ako ni Archer.

"What?" Anas ko ng balingan ko siya ng tingin.

"Uhm.. Saan mo balak mag-apply?" Tanong niya na para pang nahihiya.

Nagkibit balikat ako, "Hindi kopa alam."

Kahit paman na sa Z-Tresures ako mag-apply, hindi ko sasabihin iyon kay Archer.

Ewan ko. Feel ko kasing hindi ako makakapag trabaho ng maayos kapag nand'yan siya. Dito palang sa loob ng room, walang oras na hindi niya ako kinukulit.

Madalas ko siyang prangkahin pero hindi siya sumusuko.

"May kakilala ako, puwede tayong mag-apply do'n. Gusto mo?" Ngiting aniya.

"'Wag na. Salamat nalang." Usal ko at ibinaling ang tingin sa harapan.

Nang biglang tumunog ang cellphone ko. Dali kong tinignan kung sinong tumawag. Si Daniela, Yaya ni Zyliel.

Nag-excuse naman ako sa Prof namin bago ako lumabas.

"Napatawag ka, Daniela?" Tanong ko nang sagutin ko ang tawag.

"Kuya Kenjie si Kendric po."

"Bakit anong nangyari kay Zyliel?" Kabadong tanong ko.

"Umiiyak po kasi siya. Ayaw po tumahan, e."

"Dada. Dada ko. Dada Mosh ko." Naririnig kong ani Zyliel habang umiiyak.

"Bigay mo sa kaniya ang phone, Daniela. Kakausapin ko siya."

"Sige po. Baby Kendric, kakausapin ka raw ni Dada. Eto oh."

"Dada..." Umiiyak parin na sambit ni Zyliel.

Kinurot naman ang puso ko ng marinig ang iyak niya.

"Why, Baby? Bakit ka umiiyak?"

"May nang-away po kasi sakin, Dada. Huhu. Ambad niya sakin, Dada. Super bad siya sakin."

"Hush, Baby. 'Wag kana umiyak, ha."

Sakto namang palabas na ang mga klasmeyt ko at vacant na namin.

"Papunta na si Dada r'yan, Baby. Wait for me, okay."

"Nasa harap po kami ng iskul niyo, Dada. Gushto napo kitang makita." Saad niyang medyo tumahan na.

Nanlaki ang mata ko, "Anong harap, Baby?"

"Harap po ng iskul niyo, Dada. Sa loob po."

Harap ng iskul namin? Paano? Doon ko naalala na itinuro ko pala kay Zyliel ang iskul namin na katabi lang ng iskul nila.

"Pakausap ako kay Yaya Daniela, Baby."

"Kuya Kenjie."

"Nasaang banda kayo, Daniela?"

"Dito po kami sa harap, Kuya Kenjie. Dito kami sa may malaking puno nakaupo. Malapit sa may fountain."

'Yong fountain na nasa harapan ay nasa gitnang parte ng campus namin. Kung saan malapit lang din sa department namin.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon