Chapter 41

25.7K 997 496
                                    

KENJIE POV

NAKATULOG si Zyliel kaya nagpasya akong bumaba. Hindi ko sadya na marinig ang pinag-uusapan ni Mrs. Scott at ni Zedric habang pababa ako ng hagdan.

"Ano?! Nababaliw kana bang bata ka?!" ani Mrs. Scott. "Bakit mopa kailangang i-entertain ang maharot na babaeng 'yon, Zedric?! Bakit mo pinili na i-date pa ang babaeng 'yon?!"

Tono palang ni Mrs. Scott ay parang nanggigigil na siyang batukan sa ulo ang anak.

"Mom, do I have any choice? Ayoko mang gawin pero kung iyon ang tanging paraan para lubayan niya na ako, then I will do her offer."

"How about your son and Kenjie? How can you explain to your son that you dated a girl instead his father?"

Sa gulat ko sa sinabi ni Mrs. Scott at dahil narin sa katangahan kong hindi nililingon ang harapan ay nadulas ako sa sumunod kong apak.

Mabilis naman akong nakakapit sa sandalan ng hagdan. Nakagawa ng ingay ang aking ginawa kaya ramdam kong napalingon sa gawi ko si Mrs. Scott at Zedric.

Umangat ang tingin ko sa kinaroroonan nila at hindi nga ako nagka-kamali. Nag-init ang pisngi ko sa kahihiyan nang makitang pareho silang nakatitig sa akin.

"Kenjie, " tawag sakin ni Mrs. Scott. "Are you okay?"

Kumalma ako bago nagawang tumango, "Okay lang po ako."

Ngumiti siya sakin. Pero mababakas sa mukha niya na may gusto pang sabihin.

Nakakainis lang dahil ramdam ko 'yong mga titig sakin ni Zedric.

"Sa kitchen lang po ako," paalam ko ng tuluyan akong makababa. Ayokong makisawsaw sa usapan nilang dalawa.

"You heard us, right?" Tanong ni Mrs. Scott kaya natigilan agad ako.

Dahan dahan akong humarap sa kanila. Dahan dahan din akong tumango.

"So, what can you say about it, Kenjie?" Diretsahang tanong ni Mrs. Scott sa akin.

"About what po, Tita Nyca?" Balik-tanong ko kahit na may ideya ako sa nais niyang sabihin.

"Are you allowing Zedric to date someone, Kenjie?"

"Mom, it's not a date, okay. It's just an offer," inis na turan ni Zedric sa ina.

"Tumigil ka, Zedric! Offer man iyon o hindi, as long na pumayag ka sa gusto nang babaeng i-date siya, date na ang tawag do'n," pairap na paliwanag ni Mrs. Scott sa anak.

"It's not like that, Mom! You always misunderstood me! I have no choice, right? I have no choice!" Paliwanag naman ni Zedric na parang naiinis na sa ina dahil hindi magawang unawain ang ibig niyang sabihin.

"No, son. You're wrong. You chose to be a playboy so that's a choice, Zedric. That's your choice! Kung mas pinili mo sana maging goodboy noon, eh di sana walang babaeng sumubok makapasok ng village para mag-rally dito sa bahay!"

"What the fuck, Mom!" Napatayo si Zedric at natatarantang ginulo ang buhok.

Lumingon siya sakin at saktong nagtama ang mata namin. Tila lalo siyang nainis at naasar dahil sa pamramrangka ng kaniyang ina sa kaniya.

Para maiwasan ang pagkapahiya ay sinubukan niyang magpaliwanag, "M-My point here is-"

Agad naman siyang pinigilan ng kaniyang ina sa susunod mang sasabihin niya.

Hiding The Playboy's Baby |TAEKOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon