"Mr. Tan andito na ako sa harapan ng sinasabi mong bar. Anong room nga?" Excited makipag-meeting si Jerome sa presidente ng kumpanyang nais maging major sponsor ng kanyang foundation. Abot-kamay niya na ang isa pang pangarap. Plano niyang pagbutihang maiigi ang paglalahad niya ng plano ng foundation upang matiyak na makukumbinsi ang ka-meeting.Pumasok siya sa isang music lounge at hinanap ang tinutukoy na VIP room ni Mr. Tan. Naabutan niya doon ang agent na seryosong nakahalukipkip at nakatingin sa dingding ng silid na isang one-way mirror. Tila may malalim na iniisip.
"Mabuti naman at dumating ka na. Kanina pa ako nag-alala na baka mauna pa sayo ang sponsor," wika nito nang di tumitingin sa kanya.
Masiglang naupo siya sa tabi ng agent. "Syempre hindi ako malilate, napakaimportante sa akin ng meeting na to! Ah Oo nga pala Mr. Tan totoo bang na move ang schedule ng shooting ng bago kong Nike Commercial? Pag nagkataon after two months ko na yun magagawa. Di ba busy kami sa buong dalawang buwan na to? Mr. Tan-"
Tumigil siya sa pagsasalita nang mapansing hindi nakikinig ang kausap. Nanatili itong nakatitig sa dingding. Medyo umusog siya papalapit dito at tiningnan din ang dingding. Nalaman niyang nakatingin lang pala ito sa isang table sa labas. Nakaupo dito ang isang babaeng nakasuot ng itim na hapit at maiksing damit. May hawak itong wineglass habang masayang nakikipagkuwentuhan sa dalawang lalaking kasama rin sa mesa.
"Ang ganda ganda nya. Pagpasok niya pa lang ay para na akong nakakita ng isang diwata," namamanghang wika ni Mr. Tan na kulang na lang ay tumulo ang laway sa pagkakatitig sa babae.
"Mr. Tan, ang tanda nyo na tapos mga ganyang edad pa ng babae ang tinitingnan nyo. Parang anak nyo na yan!" may halong pandidiring bigkas niya.
Napatingin ulit siya sa babae. Maganda nga. Tiningnan nya ulit ng isang beses nang may napansin. Kahawig ito ni Sandra. Tumingin ulit sya. Mukhang malaki ang pagkakahawig sa kanyang kapitbahay. Hindi siya mapakali kung kaya't lumapit pa sya sa dingding at tinitigang mabuti ang babae. Kumunot ang kanyang noo. Si Sandra? Si Sandra nga!
Nanlaki ang kanyang mga mga mata. Anong ginagawa ng kapitbahay nya doon at bakit ganoon ang hitsura nito? Lalabas na sana siya para lapitan ang babae ngunit siya namang dating ng kanyang ka-meeting.
"Pasensya na medyo na-late ako. I am Clark Montecastro ng Bluestar Books & Co.," wika ni Clark nang inaabot ang kamay sa mga ka-meeting.
Pormal ding nagpakilala sina Jerome at Mr. Tan. "Hindi ko akalaing napakabata pa pala ng presidente ng Bluestar," komento ni Jerome.
Ngumiti si Clark. "Natutuwa rin ako Mr. Hernandez na makaharap kayo ng personal."
Inilabas ni Mr. Tan ang mga inihandang plano para sa itatayong foundation bago simulan ang seryosong pag-uusap.
Pinipilit ituon ni Jerome ang buong atensiyon sa meeting subalit may bahagi sa kalooban niya na hindi mapakali. Naiinis siya sa pagkakataong kung kelan siya nasa importanteng meeting ay saka naman nasa kakaibang sitwasyon ang kaibigan ng kasintahan. Panakaw niya pa rin itong sinusulyapan. Mas lalo siyang nabahala nang makitang napaparami na ito ng inom. Nakikipagharutan na rin ito sa mga kasamang lalaki. Higit na pinangangamba niya ay baka mahospital na naman ito nang dahil sa alak.
Pinagpag niya sa isipan ang pag-aalala. Mas higit na importante ang foundation niya. Ibinalik niya ang atensiyon sa pagpapaliwanag kay Mr. Montecastro. Subalit nang muli siyang mapalingon sa direksiyon ng kapitbahay, kita niyang lasing na ito. Inaakbayan na ito ng isa sa mga kasamang lalaki. Hindi na siya nakatiis sa nakita.
"Pasensiya ka na Mr. Montecastro may pupuntahan lang ako saglit," paalam niya.
Dali-dali siyang tumayo at naglakad papunta sa mesa ni Sandra. Tiningnan niya nang masama ang dalawang lalaking kasama nito hanggang sa natakot at kusang nilisan ng mga ito ang mesa. Pagkuway hinila niya ang babae papalabas ng music lounge.
BINABASA MO ANG
Fast Break
RomanceJerome Hernandez is currently the hottest NBA player. He became an overnight sensation because of his hypnotizing basketball skill, handsome look, intelligence and classy attitude. He's the perfect description of the word 'charisma'. Despite of his...