KUNIN MO MAN ANG LAHAT

88.2K 1.5K 73
                                    



"Papasukin nyo ako kailangan kong makausap si Jessica!" pagpupumilit ni Sandra. Ayaw siyang papasukin ng mga empleyado ni Jessica sa opisina.

"Hindi ka pwedeng basta-basta na lang pumasok Miss! Hindi tumatanggap ng kung sinu-sino lang na bisita si Miss Jessica! Kailangan may appointment ka kung gusto mo syang makausap!" wika ng napipikong si Mylene sa kakulitan ng di mamukhaang babae.

"Sinabi nang papasukin nyo ako! Jessica kausapin mo ako!" sigaw ni Sandra habang pilit hinahawi ang mga kamay ng mga taong pumipigil sa kanya.

"Papasukin nyo sya!"

Napatingin lahat ng mga nagkakagulong tao sa nakatayong si Jessica. Nakadungaw ito mula sa loft. Seryoso ang mukha at nakahalukipkip.

Tiningnan ni Sandra nang matapang si Jessica dahil hinayaan pa nitong magkagulo bago sya papasukin. Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang mesa ng kaibigan.

"Nagdalawang-isip ka bang papasukin ako dahil sa takot na baka sumbatan kita?" ngisi niya sabay upo sa harap ng mesa ni Jessica.

"Kung hindi yan ang dahilan. Bakit naririto ka?" matigas ang mukhang saad ni Jessica.

"Dahil ilang araw mo na akong iniiwasan! Hindi mo sinasagot lahat ng text at tawag ko! Wala kang dapat ipagalala, Jessica. Sa ilang ulit na bang ginawa mo iyon sa akin, may pagkakataon ba na nagdamdam ako sayo?"

Muling tumahimik si Jessica at iniwas ang mga mata sa kausap. "Huwag tayong magtalo dito, Sandra."

Tumayo si Sandra at tumalikod sa kaibigan. Tumingin siya sa mga nakasabit na mga dekorasyon sa dingding at muling humugot ng isang malalim na buntong hininga.

"Hindi ako pumunta dito para makipagtalo. At hindi rin lang dahil sa pag-iwas mo, meron akong gustong malaman mula sayo Jessica-"

"Sandra, pwede bang sa ibang araw na lang tayo mag-usap, darating si Jerome. Ayokong maabutan nya tayo sa ganitong sitwasyon."

Hindi pinakinggan ni Sandra ang hiling ng kaibigan. "Gusto kong malaman Jessica kung ano ngayon ang mas mahalaga para sayo....ang magandang pangalan mo o si Jerome?"

Natigilan si Jessica. Unti-unting nawalan ng kulay ang mukha nito. "Anong ibig mong sabihin? B-Bakit kailangan mong itanong yan?

" Ang tagumpay mo o si Jerome? Jessica isasakripisyo mo ba ang kung anong meron ka sa ngayon kapalit ng masayang pagsasama niyo ng  lalaking mahal mo? Gusto kong malaman ang sagot mo."

Lalong namutla si Jessica. "Sandra hindi kita maintindihan. Pinapapili mo ba ako?"

Humarap si Sandra sa kaibigan at lumapit upang titigan ito ng diretso sa mga mata. "Oo pinapapili kita," tiim-bagang salita niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ni Jessica. "Bakit ginagawa mo sa akin ito ngayon?"

"Gusto kong marinig ang sagot mo, Jessica."

"Bakit kailangan kong mamili? Wala akong pipiliin! Ayokong may mawala kahit isa sa mga sinabi mo Sandra! Wag mong gawin sa akin ito!"

"Kailangan kong marinig ang sagot mo."

"Nangako ka sa akin Sandra. Sabi mo wala kang babawiin! SABI MO WALA KANG KUKUNIN! NANGAKO KA!"

Malakas na pinalo ni Sandra ang mesa upang matauhan ang nagsisimulang maghisteryang kausap."MAMILI KA JESSICA! DAHIL KAHIT ANO MAN ANG GAWIN KO NGAYON AY MAY ISANG MAARING MAWALA SAYO! "

Nagulat ang lahat ng mga empleyado sa sigawan ng dalawang babae. Nagtataka ang mga ito kung bakit ganun na lamang kung makipag-usap ang di kilalang bisita sa kanilang amo. Lalapit sana si Mylene ngunit sinenyasan ito ni Jessica na huwag ituloy ang pag-akyat sa kanyang opisina.

Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon