HILAW NA PAGLIMOT

79.7K 1.4K 49
                                    

                                                                
Pumasok si Vicky galing sa paglilinis sa labas ng shop bitbit ang makapal na bungkos ng mga bulaklak habang si Sandra ay abala sa pagtimpla ng mga order. Napapabuntong-hiningang inilapag sa counter ng serbidora ang bulaklak.

"Bakit parang napapadalas na bulaklak na lang ata ang dumadating ngayon. Mukhang bihira nang dumating ang nagpapadala?"

"Maraming trabaho si Clark, Miss Vicky." tipid na sagot ni Sandra. Kinuha niya ang mga bulaklak at nakangiting inamoy-amoy ito. Pumasok siya sa kusina at inilagay ito sa pitsel na may tubig.

"Malapit na tayong magmukhang flower shop sa kapapadala ng bulaklak ng boyfriend mo," dagdag na komento ng kasamahan.

"Hayaan nyo na. Dito na nga lang bumabawi yung tao. Buti nga naisisingit nya pa ito sa oras nya."

"Aba at ipinagpapasalamat mo pa yan. Yan na nga ba ang sinasabi ko sayo sa hindi mo pagpili ng simpleng lalaki! Tingnan mo ang nangyayari nagmumukha ka lang may secret admirer sa lahat ng mga bulaklak na ito!" Biglang nagliwanag ang mukha ni Vicky nang may magandang ideyang naisip. "Teka ba't ba hindi mo subukang magtrabaho sa kumpanya ni Clark para kahit papaano ay madalas na kayong magkakasama. Ang yaman-yaman ng boyfriend mo tapos nagtitiyaga ka pa ring magtrabaho dito. Tingnan mo nga ang mga bulaklak na iyan baka ang halaga ng isang bungkos niyan ay isang buwang sweldo mo na."

"Hindi ako nagtitiyaga dito. Mahal ko at masaya ako sa trabaho ko. Hindi porke't may relasyon na kami ni Clark ay magbabago na ang lahat sa buhay ko. Personal na buhay ko lang ang nagbago yun lang. At alam ni Clark yan, iginagalang niya ang mga bagay kung saan ako masaya. Ayaw na ayaw niyang isipin ko na may magbabago dahil lamang sa pera."

Tumahimik si Vicky. Naantig ito sa narinig.

"Alam mo mabait na tao naman talaga yan si Clark. Wala naman akong dudang mahal ka talaga niyan kaya lang kung ako ang nasa sitwasyon, mahihirapan ako. Napaka-demanding ko pa namang girlfriend. Naninibago lang siguro ako kasi ngayon lang ako nakasaksi ng relasyon ng isang mahirap na babae at mayamang lalaki. Ay mali, hindi lang pala basta mayaman kundi ubod at saksakan ng yamang lalaki."

Tatawa-tawa na lamang si  Sandra. Nasasanay na siya sa madalas na pagbubunganga ng kausap kapag napapansin nitong napapadalang ang pagdalaw sa kanya ni Clark ngunit kapag dumadating naman ang boyfriend ay ito pa mismo ang unang-unang natataranta sa pag-aasikaso.

"Sandra huwag kang magagalit ha, may tanong lang ako.... Nakalimutan mo na ba nang tuluyan si Jerome Hernandez?" walang prenong tanong ni Vicky.

Muntik nang mabitawan ni Sandra ang hawak na tasa. "B-Bakit naman bigla-bigla nyong itinatanong ang taong yun?"

"Eh di ba siya naman talaga ang gusto mo bago mo naging boyfriend si Clark."

"Kayo lang naman ang nagsasabi niyan. Hindi naman nanggaling sa bibig ko yan."

"Ay naku! Kahit hindi ka magsalita ay halatang-halata ko sa mga kilos mo. Katulad ng reaksiyon mo ngayon. Kung hindi mo lang boyfriend si Clark, maniniwala pa rin akong may gusto ka pa rin sa lalaking iyon!"

Hindi na nakipagtalo si Sandra ayaw niya ng humaba pa ang pinag-uusapan nila.

"Nasaaan na kaya yun? Bakit mukhang hindi na nagpupunta dito? Akala ko pa naman ay tuluyan na akong masasanay sa mukha nya. Siguro may ibang coffee shop ng pinupuntahan. "

"Siguro nga," matipid na sagot ni Sandra sabay pasok ng kusina upang maiwasan ang mga susunod pang sasabihin ng kasamahan.

                                                                              -----

Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon