BAGONG PANIMULA

87.2K 1.4K 85
                                    


Tahimik ang buong playground. Mag-isang nakaupo si Missy sa apat na nakahilerang mga swing. Matamlay na nakayuko habang sumisipa-sipa sa buhangin. Wala kamalay-malay na dahan-dahan at walang ingay na naglalakad papalapit  sa kanyang likuran si Sandra. Inilapag ng dalaga ang bitbit na regalo at tinakpan ng kamay ang mga mata ng bata.

"Bakit malungkot ang cute na bata?!"

"Miss Sandra!" masayang bulalas ng bata nang makilala ang boses ng kanyang pinakahihintay na bisita.

Tinanggal ni Sandra ang pagkakatakip ng kanyang kamay sa mga mata ni Missy at agad na napatayo ang bata sa swing. Nakangiting niyakap siya nito.

"Miss Sandra, akala ko nakalimutan mo na ako!"

"Pwede ko ba namang makalimutan ang cute na si Missy. Ah teka may ibibigay ako para sayo." kinuha niya ang regalo at iniabot ito sa bata. "Tsaran! Happy birthday!"

"Maraming salamat po!" dali-daling kinuha ni Missy ang regalo at kinapa-kapa ito. "Miss Sandra bakit ngayon lang po ulit kayo napasyal dito? Palagi ko na lang po kayong hinihintay. Matagal ko na po kasing namimiss ang mga stories nyo."

Naupo sa katabing swing si Sandra.

"Pasensiya ka na Missy madami kasing inasikaso si Tita Sandra. Pero siyempre kahit maraming marami akong ginagawa ay hindi ko pa rin makakalimutan ang birthday mo..Kaya bilang kabayaran ko sa mga hindi pagdalaw sayo, sasamahan kita hanggang sa huling minuto ng birthday mo."

"Talaga! Ibig mong sabihin hanggang gabi, hanggang sa makatulog ako?"

Nakangiting tumango si Sandra. "At bago ka matulog ay kukuwentuhan pa kita ng mga bagong stories!"

"Alam ko naman pong hindi nyo ako nakalimutan kasi palagi pa rin kayong nagpapadala ng mga gifts sa akin kahit hindi kayo nakakapunta. Totoo po pala ang sabi sa akin ni Tito Jerome na dadalawin nyo na lang ako isang araw!"

Nabawasan ang mga ngiti ni Sandra nang marinig ang pangalan ng basketbolista.

"Dadalhin ko po muna sa kuwarto ang regalo nyo. Excited na po kasi akong buksan ito! Promise po babalikan ko kayo agad!"

"Sige Missy...hihintayin kita dito.Huwag kang tatakbo ha baka madapa ka"

"Opo."

Matiyagang naglakad palayo ng playground ang bata subalit nang medyo nakakalayo na ito kay Sandra ay bigla itong kumaripas ng takbo. Natawa ang dalaga sa nakita.

Itinulak ni Sandra ng mga paa ang swing at parang batang sumakay dito. Nakangiting ipinikit niya ang mga mata habang ninanamnam ang pagduyan sa sarili at ang malamig na simoy ng hanging tumatama sa kanyang pisngi.

Sa di kalayuan, may mga matang nanonood sa babae. Tahimik siyang tinatanaw ni Jerome.

Magtatatlong buwan na ang nakakalipas buhat ng gabing binitawan ni Jerome ang kamay ng dalaga at ipinaraya niya ito kay Clark. Simula nang gabing yun, hindi niya na nakausap at nakita pa ang kapitbahay. Ginawa niya ang lahat ng paraan upang tuluyan itong maiwasan. Pansamantala siyang tumira sa isang hotel malapit sa tinitirhan ni Jessica. Ibinalik niya ang buong atensiyon sa girlfriend at basketball. Pinunan niya lahat ng mga naging pagkukulang niya sa kasintahan habang unti-unti namang naghihilom ang sakit na dulot ng pagpaparaya niya kay Sandra. Sa ngayon ay bumalik na sa normal ang relasyon nila ni Jessica.

Seryoso niyang ponapanood ang nakasakay sa swing na dalaga. Matagal niya itong hindi nakita. Matagal nya itong iniwasan at hindi niya akalaing dito ito sa kanyang foundation muling makikita. Wala siyang anumang naging balita tungkol sa babae. Maging ang girlfriend ay hindi kailanman muling nagbanggit ng anumang bagay tungkol sa kanyang kaibigan. Masaya kaya ito sa piling ni Clark? Sa kanyang nakikita ay mukhang payapa naman ang hitsura nito. Tila wala ng bakas ng anumang kalungkutan.

Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon