PAHIRAM NG SANDALI

95.4K 1.7K 222
                                    

                                                                    
Malapit nang tumulo ang mga luha ni Jessica. Buong araw niyang sinusubukang tawagan si Jerome ngunit nananatiling sarado ang telepono nito. Wala na siyang mapaglagyan ng kaba. Para siyang matutumba sa tuwing naiisip na baka kasama nito si Sandra.

Wala siyang makausap. Patay ang telepono ng kasintahan. Sarado ang telepono ng kaibigan. Paulit-ulit niya ring sinubukang tawagan si Clark ngunit palaging busy ang numero nito. Hindi siya makalabas ng opisina. Silang dalawa na lang ni Mylene ang natitira doon. Wala siyang pwedeng madaanan. Lahat ng maari niyang labasan ay may nakabantay na mga mamahayag. Hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam ang sasabihin.

"Ma'am anong gagawin natin? Dito na ho ba tayo matutulog? Kailangan makapag-isip tayo ng paraan dahil hindi rin aalis ang mga yan hangga't hindi kayo nakikitang lumabas."

Wala siyang maisip. Hindi niya alam maging kung ano ang uunahin sa mga nararamdaman. Ang magalit dahil sa pagsisinungaling ng kasintahan tungkol kay Sandra. Ang masaktan dahil baka magkasama ang dalawa. Ang kabahan dahil nawawala si Jerome. Ang maiyak dahil pinabayaan siya nito. Ang mahiya dahil sa eskandalo. Hindi niya alam. Malapit na siyang maghisterya sa nangyayari.

Biglang tumunog ang kanyang telepono. Si Clark! Tumatawag si Clark. Taranta niya itong sinagot.

"Clark kasama mo ba si Sandra?"

"Hindi Jessica."

"Nakausap mo na ba siya."

"Hindi pa...."

"Alam mo ba kung nasaan siya? Kung sino ang kasama niya?"

Hindi kaagad sumagot ang kausap.

"Hindi...Jessica."

"ANONG KLASE KANG BOYFRIEND?!!! BAKIT WALA KANG ALAM! BAKIT HINAHAYAAN MONG MANGYARI ITO KAY SANDRA?! BAKIT HINAHAYAAN MONG MAAGAW SIYA NG IBA! WALA KANG KUWENTANG BOYFRIEND! PINAGSISIHAN KO KUNG BAKIT IPINAGKATIWALA KO PA SAYO ANG KAIBIGAN KO!!!!"

"Ma'am huminahon kayo. Baka naman nag-iisip lang si Sir Jerome ng tamang solusyon sa problema kaya nagpatay muna ito ng telepono," awat ni Mylene.

Tumulo na ang mga luha ni Jessica. Nanginginig ang buo niyang katawan. Hindi niya na mapigilan ang damdamin. Hindi niya alam kung kanino siya hihingi ng tulong.

Biglang nagbago ang tono niya. "Clark wag mo munang ibaba please..."

"Andito pa ako..."

"Tulungan mo ako. Hanapin natin sila. Gawin mo lahat ng paraan. Gamitin mo lahat ng koneksiyon mo. Parang awa mo na ibalik mo sa akin si Jerome. Tulungan mo ako Clark!"

" Nasaan ka ngayon?"

"Na-nasa opisina ako. Hindi ako makalabas dito."

"Susunduin kita dyan."

"Si-sige.."

"Jessica, ibigay mo sa akin ang plate number ng sasakyan ni Jerome."

"O-okay."

"Bye."

Samantala, kalmadong tinapos ni Clark ang pakikipag-usap. Ngunit ilang saglit lang ay bigla niyang sinuntok ang dingding. Dumugo ang kanyang kamay.

Nagkamali siya....Nagkamali siya ng akala kay Jerome Hernandez. Hindi niya inasahang malalim ang nararamdaman nito para kay Sandra. Ni minsan ay hindi sumagi sa kanyang isipan na itataya ng sikat na basketbolista ang pangalan alang-alang sa dalaga.

Hindi siya papayag. Babawiin niya si Sandra. Hahanapin niya ang kasintahan maging sa kadulu-duluhan ng mundo! Walang sinumang pwedeng umagaw dito!

Tumunog ang telepono niya. Ipinadala ni Jessica ang plate number ng kotse ni Jerome. Kaagad naman niya itong ipinadala sa isang tao. .Hello Mr. Andrew. Yan ang plate number ng isang itim na infiniti sports car. Wag kayong titigil hangga't hindi nyo nalalaman ang lokasyon ng sasakyan. Kung kinakailangang isa-isahin nyo ang CCTV sa buong america ay gawin nyo, makita nyo lang ang kotseng yan!"

Fast BreakTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon