32

112 2 0
                                    

"Pluvia!" tawag sa akin nung babae nang bigla ko siyang tinalikuran at lakad-takbo kong tinahak pabalik ang kalsada. Masyado akong natataranta sa mga iniisip ko dahil hindi p'wedeng may mapahamak sa aming dalawa. Malapit na ako sa mga kasagutang hinahanap ko. Hindi p'wedeng mamatay ako at mabuhay na naman nang walang alam tungkol sa sarili ko.

This cycle must to stop!

Kakalakad ko pabalik ay nakita ko pa ang karwahe ni Bughaw at nandun din si 'Tang pero hindi ko rin siya pinansin nang tawagin niya ako. Hindi ko roon nakita si Bughaw at wala na rin akong pakialam sa kanya. Hindi kami maaaring magkaabutan ni Pluvia.

Ilang minuto na akong naglalakad at mas lalo lang sumasakit ang katawan ko. Iika-ika pa naman akong maglakad ngayon dahil sa pambubugbog sa akin ng mag-inang iyon. Ang haba yata ng kalsadang nilalakaran ko. Hindi rin maiwasang batiin ako ng ibang nakakasalubong ko dahil napagkakamalan nilang ako si Pluvia.

Hinihingal akong tumigil sa kalsadang maalikabok. Kulay brown ito at kapag humahangin, lumilipad ang mga alikabok. Lalo ring umiinit iyon sa paningin ko. Nilingap ko ang paningin ko dahil hindi p'wedeng maglakad ako nang maglakad dito sa parang walang katapusang kalsada. Baka hindi ko namamalayan, makakasalubong ko na pala si Pluvia.

Napagpasyahan kong lumiko ng daan. Bumaba ako sa isang sakahan at maingat na naglakad sa makitid na daan nito. Imposibleng dito pa kami magkasalubong ni Pluvia lalo pa't galing daw siya sa bayan. Ramdam ko na ang init mg araw dahil sa pagod kaya pinagpapawisan na ako. Habang naglalakad, tinanggal ko na ang camisa ko at natira na lang ang sando ko na panloob ko kapag naka-office attire ako. Hinubad ko na rin ang saya ko kaya natira na lang ang skirt ko na abot tuhod. Soot ko rin ang flat shoes ko at ang sakit na ng mga paa ko. Walang nakakita sa akin na naghuhubad kaya ayos lang. Tsaka hindi naman na nila ako makikita--baka pala pagkamalan nilang si Pluvia ako.

Napaupo ako sa damuhan nang sa wakas, naabot ko rin ang dulo ng palayan. Sa tapat ko ay may mga puno ng niyog na mabababa at hitik iyon sa bunga. Walang katao-tao kaya medyo natatakot ako sa mga hayop na p'wedeng magpakita at manakit sa akin.

Napatingin ako sa talaarawang dala ko. "Sorry, Pluvia... pero kailangan kong basahin 'to. Marami lang akong dapat na malaman tungkol sa inyo ni Bughaw," wika ko sa notebook bago maingat na tumayo at binuklat ang notebook. Minabuti kong magbasa habang iika-ikang naglakad sa gilid ng kagubatan dahil kailangan ko agad 'tong matapos. Hindi ko kasi 'to madadala sa panahon ko at mahihirapan din akong makabalik dito.

Sa kalalakad ko, napatigil ako nang makarinig ako ng agos ng tubig pero bago ko pa iyon makita ay narinig ko na ang boses ni Bughaw mula sa likuran ko.

"Ganoon na lamang ang iyong pagiging interesado sa kanya na pati ang kanyang talaarawan ay iyong binabasa habang naglalakad?" puna niya sa mas malamig na boses. Kinabahan ako pero nilabanan ko. Walang dapat katakutan sa kanya. Hindi niya ako kilala.

Hinarap ko siya at nakitang nakatayo siya, tatlong metro lang ang layo sa akin. Hindi ko siya naramdaman kanina. Ganun siguro ako ka-focus sa pagbabasa. Hindi ko alam kung bakit pero natutuwa ako sa k'wento nila ni Pluvia rito sa notebook. Nakakaaliw--ngayon lang ako naaliw nang ganito sa pagbabasa.

"Sinusundan mo ako?" kunot-noong tanong ko.

Mabagal siyang tumango at naglakad papalapit sa akin. "Kanina pa ngunit tila hindi mo ako napapansin dahil nakapako sa ibang bagay ang iyong pansin," aniya sabay hablot sana sa notebook na hawak ko pero iniiwas ko iyon palayo sa kanya. Umatras ako habang nakatago sa likuran ang notebook ko.

"Kailangan ko muna ito," sabi ko na kinakunot din ng noo niya. "Hayaan mo muna ako. May kailangan lang akong malaman." Matatapos ko naman na. Kaunti na lang.

Curse Of The Rain (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin