85

92 5 28
                                    

Kahit mahigpit na bilin ni Sir Alon na huwag na huwag akong aalis sa ospital hangga't hindi siya dumarating, umalis pa rin ako dahil kailangan kong mapuntahan si Diwata. Malakas ang kutob kong nasa panganib siya.

Tumakbo ako palabas ng room ko at malapit na ako sa entrance nang harangin ako ng ilang nurse.

"Miss, bawal pa kayong lumabas. Binilin ka sa 'min ng kaibigan mo," sabi sa akin ng babaeng nurse pero umiling ako nang mabilis.

"I'll just call him. Emergency lang," sabi ko at pilit kong pinakakalma ang sarili ko kahit pa halos gusto ko na lang maglaho ngayon mismo at sumulpot sa harapan ni Diwata.

"No, Miss. Kami na lang ang tatawag," sabi sa 'kin ng lalaking nurse tapos hinarap niya ang kasama niya. "Pakibalik na siya sa room niya---"

Hindi niya natapos ang sinasabi niya dahil agad akong tumakbo palayo sa kanila kaso nakabangga naman ako sa isang tao. Sa lakas ng impact, muntik na akong matumba at medyo nahilo ako roon. Ang sakit din ng mukha ko. Buti na lang at nahawakan niya iyong mga braso ko kaya hindi ako bumagsak.

"Abo," sambit ko habang medyo nanlalaki ang mga mata tapos siya, medyo kunot ang noong nakatingin sa akin. Then tiningnan niya iyong mga nurse. "Bitawan mo 'ko---"

"I'm Abo Acosta and I'll bring her with me. You can call Alon about this," sabi ni Abo sabay hila sa akin. Dali-dali ring tinawagan nung isang nurse si Sir Alon. "Alon told me about your condition."

"Ayos na ako. May pasok ka, 'di ba?" sabi ko habang pilit tinatanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko kaso ang higpit ng grip niya.

"You, too."

"May sakit ako---"

"You just said you're fine."

Bakit ba ako nakikipagtalo sa isang 'to? Hindi naman siya nakikinig sa akin talaga.

"So where are we going?" tanong niya habang binubuksan iyong pinto ng kotse niya tapos tinulak ako papasok. Si Abo Acosta talaga ang pinaka-gentleman na nakilala ko.

"Ako lang," sabi ko nang makapasok siya. Pinihit niya iyong susi tapos hinarap sa akin ang rearview mirror at doon niya ako tiningan.

"I thought you're in a hurry---"

"Kina Diwata," sabi ko kasi oo nga pala, wala akong time makipagdebate rito. Mas mapapatagal lang ang pagpunta ko kay Diwata kung kokontra ako. "Naaalala mo 'yong sinundo natin siya nang mag-night swimming tayo?"

Tumango siya at pinatakbo na ang sasakyan. I'm not really sure if she's there but I just needed to try. Wala naman kasi akong contact sa ibang nakakakilala kay Diwata. Plus, ayos lang naman siguro na isama si Abo kasi nakita niya naman na ang mga kababalaghan sa amin ni Diwata.

"Bakit ka nasa hospital?" I asked while trying to call Diwata but to no avail.

"Checking on you," kalmadong sagot niya.

Napalingon ako sa kanya. "'Yong totoo?"

"Thats the truth." Sinulyapan niya ako gamit iyang mga patay niyang mata. Ewan ko ba kung bakit mukhang walang buhay iyong mga titig niya minsan. Dahil ba iyan sa soot niyang eyeglasses? "I'll compete with you in staring game some other time."

Napairap ako at umiwas ng tingin. Pinagpatuloy ko na lang ang pagtawag kay Diwata kahit wala pa ring signal ang phone niya. Sana prank lang 'to kaysa naman may nangyaring masama talaga sa kanya.

"I guess, the Ulan that I knew is finally back," ani Abo kaya nilingon ko na naman siya. Nakatingin lang siya sa kalsada at focus doon ang mga mata niya. "You were... acting different."

Curse Of The Rain (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant