62

85 4 1
                                    

"Seryoso? May jowa ka na at lahat, umeepal pa rin ang Abo na 'yon?" inis na bulalas ni Ligaya at kanina pa siya nagrereklamo kasi hindi raw natuloy 'yong kiss. Basta ako, nagpapasalamat ako na hindi natuloy.

Kaya pala lumapit dito si Abo ay dahil kailangan niyang makausap si Sir Alon. So wala sa table na 'to ang dalawa. Baka i-recruit niya pa si Sir Alon sa frat. Huwag naman sana.

"May past kayo nung Abo?" tanong ni Talagtag na inilingan ko. "Bakit parang ganun ang gustong sabihin ni Ligaya?"

"Baka meron--ayaw lang sabihin," nakataas-kilay na wika ni Luningning sabay inom ng beer niya.

"Meron o wala, hindi mo ba naisip na baka iba ang isipin ni Alon?" tanong ni Talagtag. Oo nga pala, medyo friends din sila ni Sir Alon at mukhang partners din sa business iyong mga pamilya nila. Pero wala pa ring alam si Talagtag sa secret ni Sir Alon kaya baka nagiging protective friends lang siya.

"Wala naman siyang iisipin," mahinang wika ko kasi ayokong makipag-usap sa kanya. Yes, approachable siya pero sa iba lang. Una pa lang, alam kong hindi na komportable 'tong si Talagtag sa akin. Hindi kami close maliban kay Hibo na kahit hindi palasalita, hindi ko naman ramdam na kinaiilangan niya ako. Si Talagtag, ramdam ko 'yong boundary. Nararamdaman niya kayang may mali sa amin ni Sir Alon?

Hindi na ako komportable sa pinag-uusapan namin kaya tumayo na ako at iniwan na muna sila. Parang mas gusto ko 'yong tahimik na lugar. Kailangan ko is Bughaw pero kung kailan naman siya kailangan, saka naman siya wala.

"B'wisit na buhay 'to," mahinang sambit ko nang makalabas ako ng bar. Wala akong makitang bituin at moon pero mukhang hindi uulan. Palibhasa summer kaya bihira siyang magpakita sa akin. Kung magpapakita man, sobrang bilis lang.

Medyo may mga tao pa naman dito sa labas na mga lasing na. Naglakad ako patawid ng kalsada para pumasok sa isang convenient store pero hindi pa man ako nakakapasok nang makita ko sa labas si Abo na naninigarilyo na naman mag-isa. Nakapamulsa ang isa niyang kamay habang ang isa ang may hawak na sigarilyo.

Hindi ko alam kung bakit nilapitan ko pa rin siya. "Para sa isang registered nurse, hindi mo yata alam na nakakasama 'yan," turo ko sa sigarilyo niya kaya napatingin siya roon habang nilalabas ang usok galing sa ilong niya. Mukha siyang tambutso.

"And you cared?" nakataas-kilay niyang tanong sabay tingin sa akin.

Umiling ako habang walang emosyong nakatingin sa mga mata niya. Mukhang ramdam ko na rin kung ano ang nasa loob niya. Pareho lang kaming pagod sa lahat. Parehong naghahanap ng lugar na mapupuntahan para makatakas sa magulong mundo.

"Nakaka-relax ba 'yan?" I asked.

"You should try," sabay abot niya sa akin ng sigarilyo. Napasimangot ako pero kinuha ko pa rin iyon. Tiningnan ko muna kasi hindi ko talaga alam kung pano 'to. Iihipan ko ba? Kaso baka lumiyab. Pinanood niya lang ako kung paano ko hithitin 'yong sigarilyo pero napaubo ako nang malunok ko ang usok. Nakaka-dry ng lalamunan. Ang sama ng lasa.

"Tsk!" Inagaw niya sa akin ang sigarilyo at tinuruan ako kung paano ba iyon ginagawa. Napaubo na naman ako nang sa mukha ko siya naglalabas ng usok.

"Tang ina mo talaga," umuubong wika ko pero napatawa lang siya. Gago talaga 'to! Pasuin ko 'to, e!

"Now speak. What's the problem?" Pinagpatuloy niya ang paninigarilyo niya habang sa malayo nakatingin at ang isang kamay ay nasa bulsa na naman.

"Kayo," sagot ko dahilan para mapalingon siya sa akin. "Hindi mo talaga kilala ang hacker?" Umiling siya sabay buga ng usok. "Bakit?"

"They only had one job; to secure the Acosta's residence. They don't need to show up."

"Tinatago niyo ang mga bangkay?" diretsong tanong ko kasi useless naman na kung itatago ko pa gayong alam naman na nila na may hinahanap ako.

Curse Of The Rain (COMPLETED)Where stories live. Discover now