45

92 2 0
                                    

Alam kong hindi dapat ako kabahan dahil alam kong kasama ko pa si Bughaw pero hindi ko maiwasang kabahan dahil sa mga nangyayari at nakikita ko. Nakita ko na naman iyong lalaking binulag ko at buhay na buhay pa siya ngayon. Tumanda siya habang ako, bata pa rin pero hindi niya pa rin nakakalimutan ang boses ko.

Teka! Paano niya naman iisiping ako ang bumulag sa kanya samantalang 1965 pa iyon? Dapat, inisip niya ring baka tumanda na ako at nagbago na ang boses.

"Saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa lalaking hawak pa rin ako at kinakaladkad niya lang ako palabas ng bahay. Hindi ko alam kung bakit parang walang ibang tao rito maliban sa mga nagkalat na guard. Maraming nakaputi at naka-sunglasses pa at may soot silang parang earphones?

"Itatakas kita sa oras na bitawan ka niya," ani Bughaw pero hindi pa rin nun napakalma ang loob ko. Kailangang mabitawan agad ako ng lalaking ito kasi humihina na ang ulan. Nandito na kami sa labas at papunta na kami sa itim na van na naka-park sa labas mismo ng bahay.

"Bitawan mo 'ko!" malakas na sabi ko sa lalaki sabay agaw ng braso ko. Medyo masakit pero nagawa kong makatakas sa kanya. 

Agad kaming tumakbo ni Bughaw palapit sa isa't-isa pero nanlaki ang mga mata ko nang may humatak sa bewang ko at hindi namin nagawang magkahawak-kamay. Kasabay ng paghatak sa akin ay ang paglaho ni Bughaw. 

"Bughaw!" sigaw ko at hindi ko na iyon nasundan pa dahil may nagtakip na ng bibig at ilong ko. Hindi pa isang minuto ay nakatulog agad ako.

Nagising akong nasa gitna ng isang silid na walang laman maliban sa amoy pintura ito. Ang sakit sa ilong. Medyo nahihilo pa ako nang igala ko ang paningin ko at saka ko lang naramdaman na nakagapos pala ako. Nakaupo ako sa silya, nakagapos ang mga paa, tuhod, bewang, mga kamay ko sa likuran at hanggang sa balikat ko ay may gapos.

"Shit," naisambit ko dahil walang busal ang bibig ko.

Medyo madilim ang paligid. Tanging liwanag galing sa mataas at maliit na bintana lang ang nagbibigay liwanag sa akin. Shit talaga kasi hindi na umuulan. Kailangan kong makalabas dito kung ayaw kong mamatay!

Nanlaki ang mga mata ko nang may nagbukas ng pintong nasa harapan ko at tumambad sa akin ang naka-wheel chair na matanda. Napaka-hands on niya naman sa tradisyon ng pamilya nila. Nakakainis!

"Anong pangalan mo?" unang tanong niya.

"Bakit ko naman sasabihin? Anong gagawin mo sa akin?" Hindi dapat ako matakot sa isang bulag na baldado na at hindi man lang makatayo. Hindi niya na ako masasaktan ngayon nang mag-isa.

Ngumisi siya at nagpatuloy sa paglapit sa akin. May isang lalaki sa labas na nagsara ng pinto. Mukhang nagkakamali ako. Mukhang maraming taong nakabantay sa labas ng silid na 'to.

"Nakakatawa," mahinang sambit niya nang tumigil siya sa harapan ko. Muntik na siyang bumangga sa mga tuhod ko. "Alam kong matagal ng panahon pero naaalala ko pa rin ang boses ng lapastangang babaeng bumulag sa akin at bumaliw sa dalawa ko pang kasama."

"Bumaliw?" kunot-noong tanong ko.

Tumawa siya nang malakas na lalo kong kinainis kasi anong nakakatawa? Baka siya ang nabaliw! "Kaboses mo ang babaeng bumulag sa akin. Sabi ng dalawa kong kasamahan, naging tubig iyong babae sa mismong harapan nila. Simula nun, para na silang baliw kung magsalita." 

Saglit kaming natahimik habang ako, malakas na naman ang kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Oo nga pala, nakita nila kung paano ako naging tubig at kailangan kong mag-ingat kung ayokong may ibang makaalam ng sekreto ko. Muntik na akong maging tubig na naman kanina kung natuloy ang pagtakas namin ni Bughaw. Paano kung may CCTV sa bahay na iyon? Hindi ko na alam kung ano ang dapat kong ipagpasalamat; ang hindi nila malaman ang sekreto ko o ang makatakas pero may iba pa silang malalaman tungkol sa akin?

Curse Of The Rain (COMPLETED)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin