71

97 3 3
                                    

Hinayaan ko lang siyang halikan ako kahit parang sasabog na ang dibdib ko rito. Hindi ko na rin alam kung alin ang mas malakas; heartbeat ko o heartbeat niya? Habol hininga ako nang bumaba sa panga ko ang mga labi niya. Hindi pa rin ako makakilos. Nakatulala lang ako sa kesame habang dinadama ang mga labi niyang nakadikit sa balat ko. Ramdam ko rin ang paghinga niya sa akin na parang inaamoy niya ako.

Hindi rin nagtagal ay tumigil siya tapos humiga na lang sa tabi ko. Hinihingal din siya at hindi niya pa rin binibitawan ang kaliwang kamay ko na nasa ulunan namin.

"Bakit ba natin 'to ginagawa?" mahinang wika ko habang pilit kinakalma ang sarili kasi ayokong mahalata niyang kinakabahan ako sa kanya.

Nilingon niya ako pero hindi ako humarap sa kanya. "I'm... confused, too. Let's just sleep," bulong niya tapos hinila niya ako palapit sa kanya at niyakap ang bewang ko. Siniksik niya rin ang mukha niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko roon ang mainit niyang hininga. Dumidikit pa ang mga labi niya sa leeg ko. "Wake me up if there's something wrong," he whispered against my skin and so I nodded.

Mukhang natakot din siya sa nangyari kanina sa bus at gusto niya lang masigurong hindi na iyon mauulit kaya panay distraction ang binibigay niya sa akin. Kaya pala kanina pa siya sunod nang sunod sa akin. Na kahit nagpunta lang ako sa CR, sumunod pa siya.

"Crush mo rin ako?" tanong ko.

I heard him groaned as he thightened the hug. Confused din ako... bakit niya ako niyayakap? Takot ba siyang baka sakalin ko siya bigla kapag may sumanib sa akin? Psh!

MAAGA akong gumising pero hindi kaagad ako makaalis dahil nakayakap pa rin siya sa akin. I knew it! Ayaw niya lang talagang maunahan ko siya sa albularyo. Napasimangot ako dahil dun. Akala ko kasi... Ugh! Kailangan kong makaalis dito.

Minsan, iniisip kong walking red flag din ang isang 'to, e pero naiisip ko rin na baka galit lang siya sa akin kahit wala naman akong ginawa sa kanya na alam niya.

Tiningnan ko ang mahimbing na natutulog na Abo. Nakaharap pa rin siya sa akin at hindi ko alam kung paano makakatakas nang hindi siya nagigising. Sayang, g'wapo sana kaso pangit ang ugali. Huwag na lang. True to what Asul said, malalim nga ang mga mata ni Abo at medyo mahaba rin ang pilik-mata. Matangos din ang nose bridge. May kakapalan ang kilay. Singkapal ng mukha.

Para siyang mabuting tao kapag tulog. Pero hindi siya mukhang anghel. Kahit tulog siya, ramdam mong mapanakit siya.

Hinawakan ko 'yong kamay niya at maingat ko itong inalis sa pagkakayakap sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang makatakas ako. Pinulot ko iyong tote bag ko tapos tumakbo na ako palabas. Sa labas na rin ako naghanap ng CR para makapaghilamos at makapag-ayos ng sarili.

Mabilis din akong lumabas ng resort. Mas tahimik ngayong umaga dahil mukhang puyat ang mga tao pero may mangilan-ngilan pa rin naman sa paligid.

"Tricycle po," tawag ko pagkalabas ko ng gate. Lakad-takbo pa ako kasi baka maabutan ako ni Abo.

"Oy Ma'am, nasaan boyfriend mo?" tanong ni Manong Driver na nasakayan namin ni Abo kahapon.

"Hindi ko po 'yon boyfriend. Sa mental hospital po tayo," sabi ko pagkasakay ko at nagmadali naman siyang patakbuhin ang tricycle. Hindi masyadong matao sa lugar na ito dahil mukhang liblib na talaga. Puro damuhan pa sa gilid ng kalsada.

"Hindi po ba kayo natatakot sa hospital na 'yon?" tanong niya at halos sumigaw na siya para marinig ko kasi ang lakas ng tunog ng tricycle niya.

"Bakit po?"

"Kasi kahapon lang ng tanghali, nagkagulo raw kaya pinauwi iyong mga bumibisita. Hindi ko alam kung anong nangyari pero buong hapon walang pinapasok na bisita. Ewan ko lang ngayon."

Curse Of The Rain (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon