52

89 3 1
                                    

"Paano niyo po pala nalaman na nandito ako?" tanong ko kay Sir Alon nang makapag-order na rin siya ng makakain niya at sabay na kaming nag-dinner. As usual, nasa akin pa rin ang tingin ng mga tao dahil sa pajama kong ito tapos naka-corporate attire pa ang kaharap ko.

"Galing ako sa apartment niyo. Luningning told me you went here with a guy. Who's that, anyway?" kunot-noong tanong niya.

Umiling ako, "kaibigan po siya ni Luningning. Siya 'yong muntik ng makasagasa sa akin kanina."

Umawang ang bibig niya sa gulat at agad na nag-alala. "So how are you?"

"Nakaiwas naman po ako... nag-dive lang talaga sa tubig," mahinang sagot ko habang nakayuko. Nahihiya ako, e.

"Really?" natatawang tanong niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang nagpipigil na lang siya ng tawa dahil namumula na ang mukha niya. "Sorry. Narinig ko kasi sa labas na may nag-dive daw."

Malakas akong bumuntong-hininga at saka tinapos na ang kinakain ko. Ganito ba talaga kapag kaibigan? Kapag napahiya ka, sila pa ang unang tatawa sa 'yo? Parang si Ligaya, pinagtawanan ako noong nakita niyang hinihila ko ang pinto na dapat ay itulak ko.

NAPAG-USAPAN namin ni Sir Alon ang ilang detalye sa kung ano ang gagawin namin once na makarating kami sa bahay nina Abo. Hindi niya alam kung bakit doon mismo ang event pero kailangan naming maghanda dahil siguradong maraming bantay roon.

May announcement daw kasi iyong matandang bulag at darating din si Dakila at hindi niya ako p'wedeng makita kaya hindi na lang ako magtatanggal ng maskara. Kasi kung si Hirang hindi ako maalala dahil bata pa siya noon, si Dakila naman ay malaki na. malinaw na sa alaala niya ang nangyari kanina--este noong 1995.

"Saan ka ngayong pasko?" tanong ni Ligaya nang makasalubong ko siya sa hallway dito sa opisina. Malapit na rin namang mag-siuwian kaya lalong nagiging busy ang mga tao rito. Pansin ko rin na palaging may dalang planner, small notebook, ballpen at tablet si Ligaya. Mukhang ang daming ganap ni Sir Alon. Kaya bihira ko na rin siyang makausap--depende kung siya ang lalapit sa akin.

"Sa bahay. May family reunion," sagot ko. Taun-taon kasi ang family reunion namin na hindi ko naman na-eenjoy dahil hindi ako masyadong malapit sa mga pinsan ko. tahimik lang ako sa isang tabi. Kung may kakausap man sa akin, e 'di kakausapin ko.

"Talaga? Wala kayong plano ni Sir Alon? Ikaw, baka may surprise ka ba sa kanya," sabay buklat ng planner niya at mukhang handa na siyang mag-sulat. "Para maayos ko na ang schedule niya para sa 'yo." Kinindatan niya pa ako kaya bahagya akong napailing habang siya'y nginingisihan na naman ako. "Pinaayos na nga ni Sir iyong sched niya for December 30 kasi may pupuntahan siyang party. Sinong date niya? Ikaw?"

Hindi pala sinabi ni Sir Alon? Mabuti na iyon para walang nakakaalam na ako ang makakapasok sa bahay ng Acosta.

"Sabihan mo ako kapag decided ka na, ha. If you need help, you can call me. P'wede ka namang pumunta sa apartment ko. Gagawin nating romantic ang pasko niyo," bulong niya sa huling pangungusap bago naglakad palayo sa akin pero iyong tingin niya, nasa akin pa rin. Hindi niya tuloy napansin na makakasalubong niya si Sir Gianan na busy sa cellphone nito. Nagkabanggaan sila kaya dali-daling nag-sorry si Ligaya at saka siya na ang pumulot sa cellphone ni Sir Gianan.

Hay naku!

Napakamot na lang ako sa noo at tumalikod na sa kanila. Hindi pa ako nakaka-ilang hakbang nang tawagin ako ni Sir Gianan kaya napapikit ako nang mariin. Gusto kong umuwi nang maaga ngayon dahil December 7 na ngayon.

May kailangan akong gawin!

"We have to talk about Alon, Ulan," sabi niya sa akin. Gusto ko sanang tumanggi pero hindi naman siya papayag. Alam niya kasing apartment at trabaho lang ang routine ko. Wala akong masyadong ginagawa na alam nila.

Curse Of The Rain (COMPLETED)Where stories live. Discover now