77

93 4 13
                                    

Maliban sa akin, wala ng ibang tao rito. Puro damuhan ang nakikita ko at medyo basa ang lupa, tanda na katatapos lang ng ulan. Naramdaman ko pa kanina na may kaunting patak ng ulan pero agad din itong tumigil. Baka iyon ang dahilan kaya naglaho agad si Bughaw.

Bago siya bumalik, dapat, makahanap na ako ng ibang impormasyon dito. Hindi ko lang alam kung nasaan ako kaya sinuong ko itong damuhan. Hindi ko alam kung saan ako didiretso kasi wala akong makitang daan. Basta may kutob akong Spanish era ito. Ganito naman talaga, e. Madamong paligid, preskong hangin, tahimik, wala masyadong usok tapos hindi masakit sa balat ang init. Unti-unti na kasing lumalabas ang haring araw.

Ilang minuto na yata akong naglalakad hanggang sa makalabas na ako sa parang walang katapusang damuhan na 'yon. Ngayon naman ay maliit na pathway ang nasa harapan ko na tao lang yata ang makakadaan. Tuyo ang lupa rito at maalikabok. Tumingin ako sa kanan at kaliwa pero parehong hindi ko makita ang dulo. Walang tao.

Dahil basa pa ang buhok at damit ko, tinanggal ko ang dala nitong tubig hanggang sa matuyo ako. Inipon ko ang tubig at pilit pinalutang sa ere hanggang sa sobrang taas na nito. Pagka'y binaba ko na ulit at saka ko tiningnan ang nakita nito sa paligid.

Sa kaliwa, puro sakahan at sa kanan ay may maliliit na kubo pero walang tao. Nagsimula akong maglakad papunta sa kanan at iniwan ko na rin ang tubig doon sa lupa. Medyo malayo pa ang nilakad ko hanggang sa marating ko itong mga kubo na walang pader. Walang tao. Umay! Nasa ghost town ba ako? Baka may mga cannibal dito, ha!

"Tao po!" tawag ko habang iginagala ang tingin. Kailangan kong makapagtanong kung saan dito iyong main city nila. Kung saan mas maraming tao. 'Tsaka baka may kilala silang mga Acosta. "May tao po ba?" tanong ko pero hangin ang sumagot sa akin. Parang inihipan ako nito para tumigil na ako kakasigaw.

Malakas akong bumuntong-hininga at iginala pa rin ang tingin hanggang sa makita ko ang isang saya tapos may malaking tela na balabal yata. Malinis naman kaya sinoot ko. Well, hindi naman na masama na i-partner ang red t-shirt sa mahabang palda. Kinuha ko ang balabal at pinatong sa ulo ko. Okay na 'to. P'wedeng pangharang sa mukha in case na nandito na naman ako kina Pluvia.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. May nadaanan akong maliit na palayan tapos sunod nun ay malaking daluyan ng tubig. May tulad rito na gawa sa katawan ng niyog. Nakakatakot tumulay kaya tumakbo na lang ako at lumundag papunta sa kabila. Muntik na akong mahulog pero nagawa kong kumapit sa maliit na kawayan.

Naglakad na naman ako hanggang sa may makita na akong mga taong naka-baro't saya. I knew it. Malakas ang kutob kong nandito ako kina Pluvia. Busy silang magdikdik ng palay gamit 'yong malaking kahoy.

"Magandang umaga," bati ko sa babae na may panyong nakatali sa buhok at parang ginawa niya itong headband para hindi malaglag sa mukha ang buhok niya.

"Magandang umaga," walang kabuhay-buhay niyang sagot na parang nagalit pa yata siya sa akin. Mukha rin siyang pagod.

Humigpit ang hawak ko sa balabal para hindi ito matanggal sa pagkakatakip sa mukha ko. "Magtatanong lang ako kung may kilala kayong mga Acosta rito?"

Medyo napakunot-noo siya. "Sandali lamang." Iniwan niya ang ginagawa at naglakad papasok sa bahay nila. Ilang sandali lang ay lumabas siyang kasama ang isang lalaki na Tatay niya yata. Magkamukha kasi. "Nagtatanong po siya tungkol sa mga Acosta."

"Malayo pa iyon, Binibini ngunit kung maglalakad ka na ngayon, makakaabot ka mamayang hapon dahil kakaunti lamang ang mga daan dito," sabi sa akin ng lalaki. "Kung nagmamadali ka, may alam akong madaling daan."

Kita ko na humigpit ang hawak ng babae sa sarili niyang mga kamay. Ramdan ko ang mabilis niyang heartbeat dahil sa kaba. "Itay, delekado roon. Baka mapano ka pa."

Curse Of The Rain (COMPLETED)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora