L:: 1

26 7 11
                                    

"Pede na daw umuwi sabi ni ma'am Liza!"

Biglang sigaw ng isa sa mga pabibo kong kaklase pagpasok niya sa section namin. Hindi talaga nawawala ang mga to.

Naglabasan na lahat ang mga kaklase ko at pumunta sa sari-sariling mundo. May ibang pumupunta sa ibang section para magpacute sa mga estudyante. May iba naman na daretso basketball court para manuood at maglaro. Ang iba ay pilit na nakikiusap sa guard makalabas lang. That's the life in highschool lalo na junior pa lang kami. Habang ako kasama ko ang mga kaibigan ko at naglalakad sa corridor.

"Shuta bes ang pabibo talaga ni Jayson no?" sabi ni Zel.

That's Liezel Gwyl Reinhart she's one of my friend since 1st year ata ng high school. Napaka daldal at napakadaming napapansin sa paligid, tulad nalang ni Jayson. Her heart is like mamon sobrang lambot. Sa aming apat na magkakaibigan siya ang pinaka matalino at pinaka masungit. You can call her Lyz or Zel

"Nako Zel baka naman may crush ka kay Jayson araw araw nalang napapansin mo pagiging pabibo non e. Pero alam mo Zel he's boyfriend material daw sabi sa kabilang section omg. Haaay." sagot ni Angge.

Ayan naman si Angela Neoma Donovan the kabog, siya naman ay kaibigan ko na since grade 1. Lagi kaming magkasama, lagi siyang nakabuntot sa akin. Sa sobrang rupok ay nauubusan na kami ng ma aadvice sa babaeng to. Slow yan minsan pero tuwing chismis ang usapan g na g. Si Angge din ang kasama ko sa lahat. She's so called my 4lifers. You can call her Neoma/Neo/Angge.

"Teka tekaaa, hindi niyo ba napapansin na nagseselos na si Aria? Tignan niyo oh sobrang tahimik niyan kayo talaga oh. Aria kuchi kuchi wag ka na magselos sayo na si Jayson." pang aasar sakin ni Zeus habang pinipisil ang pisngi ko.

Alexus Amancio, siya ang nag iisang lalaki na kaibigan namin. Naging kaibigan namin siya noong 2nd year high school kami, transferee lang siya. Simula noong maging kaibigan namin siya ay lagi nalang niya akong pinagtitripan. Nope mali yang iniisip mo. Wala siyang gusto sakin masyado ka namang cliché. Alex or Zeus na lang yan be.

Tinabig ko ang kamay niya at inirapan siya.

"Epal ka Zeus, I'm just thinking about college. Malapit na ang graduation natin and hindi ko alam kung papayagan ako nila mommy at daddy sumama sainyo." sabi ko at bumuntong hininga.

"Ako bahala jan Aria itabi mo ako na." sabi ni Angge sabay hair flip.

"Ano ka ba Aria wala pa namang result about  graduation wag mo munang isipin yun enjoy ka lang, go with the flow and whatever happens, happens."

Matapos namin maglakad lakad sa loob ng campus ay nag open na ang gate. Agad kong nakita si manong Junior, ang driver ko.

Pagpasok ko sa loob ng kotse ay ipinikit ko ang mga mata ko hanggang sa maakarating na kami sa bahay. Manong Junior is my driver since nasa elementary pa lang ako. He's so kind  siguro ganon talaga dahil may mga anak din siya.

When I enter the house ang tahimik. Wala si mommy at daddy dahil yun sa mga business trip nila. Si ate Svetlana naman ay nasa France kasama ang asawa't anak niya, ate is a lawyer in her husband's company sa France. While kuya Yulo nasa university siya malamang nag aaral. But I'm not sure kung nag aaral ba siya or he's playing girls.

"Good afternoon Aria, sabi pala ng mommy at daddy mo uuwi daw sila ngayon." pagsalubong sakin ni ate Devine ang kasambahay namin na kaedad lang ni ate.

"Goods yun ate Dev, nagpapaluto ba sila sayo? I'll help." masiglang sagot ko.

"Bibili nalang daw sila sa labas para fresh ang lahat sa bahay. O siya pumasok ka na at magpalit ng damit mo baka paparating na ang kuya mo " Sabi ni ate Dev at nagpaalam na maglilinis sa sala.

LACUNAWhere stories live. Discover now