L:: 8

3 1 0
                                    

Habang masarap na tulog ng mga kasama ko ay nakaupo pa din ako sa veranda ni Zel.

"So... sila uli?" parang tangang tanong ko sa sarili ko.

*beep*

-0902******12
good evening :)

-0902******12
are u ok?
     ➥ sino ka ba?
kailangan ba yun?
     ➥of course!
si Uno to.
     ➥ wala akong time para makipaglokohan
I'm not cheater miss. Wala akong balak lokohin ka.

Nakakainis naman tong isang to. Tao ba to? Bumalik na ako sa loob at humiga sa higaan ko. Maaga kami bukas kaya pinilit ko nalang matulog.

Pagkagising ko ay tulog pa silang tatlo. Tignan mo tong mga to nauna natulog pero ako pa nauna nagising. Bumaba ako sa sala nila para gumamit ng telephone at magpa deliver nalang ng foods.

Habang naghihintay ay may tumawag sa cellphone ko pero namatay din agad. Yung number na text ng text ay ang tumawag. Sakto naman pag gising nila ay dumating na ang delivery.

"Oh gising na pala ang mga senyora't senyor." Bungad ko sakanila. "Nag order ako ng pancakes tsaka coffee."

"Wow nanay mode." sabi ni Zeus.

Nagtawanan lang kami at nag umpisa na kumain. Pagkatapos ay pumunta na kami agad sa bilihan ng school supplies.

"Ano ba mga need sa BSN, stethoscope tsaka injection lang alam ko." nalolokang tanong ni Zeus.

"Ay be BSA ako calculator lang alam ko." sabi naman ni Zel.

Nagtatalo lang silang tatlo sa pagbili ng gamit. Ako ay ang mga needs muna dahil wala akong budget, mamimili pa ako ng mga isusuot ko para sa business trip.

"Hoy samahan niyo ako mamaya mamili ng isusuot ha." aya ko sakanila habang naglalakad papunta sa fastfood.

"May lunch date kami ni mama e, birthday niya wala na siyang ka date hahahaha." sabi ni Zeus. "Kaya mauuna na din ako."

"Susunduin ko sila mommy sa airport e. Pauwi na kasi sila ngayon." sabi naman ni Zel.

"Ako nalang natira di naman pwedeng iwan kita. G ako. Ingat kayoo!" Sabi ni Angge.

"Sige ingat kayo ha! Pasabi kay tita Happy Birthday!" sabi ko.

Katapos non ay kami nalang pala ni Angge ang kakain sa fastfood.

"Saan na nga ba tayo kumain kagabi? Alam ko may branch sila dito e." sabi ni Angge.

"La Bon Appetit." sabi ko sakanya.

Pumunta na kami doon at umorder. Beef Taco and Orange Juice ang inorder ko. Habang naghihintay sa order namin ay chumika ang beshy ko.

"Si Maximo ba talaga yung ka business partner niyo?" Tanong ni Angge.

"Hindi nga diba ilang beses na inexplain sayo ni Zeus." sagot ko.

"Eh kung ganon, sino?" tanong niya

Dumating na aming orders at si Alejandro ang naghatid non. Tinignan ko pa siya dahil tinitignan niya ako.

"Excuse me? Aria right?" Tanong niya.

"Oo siya si Aria, ako naman si Angela." sabat ni Angge at inaabot pa ang kamay. Kinamayan naman siya ng lalaki.

"Nice meeting you, Angge. Sayo din Aria." sabi nito sabay kindat at umalis. Tinignan mo nga naman magkaibigan nga sila pagkatapos kang kilalanin kikindat tapos aalis pangit ka bonding.

"Siya ba?" tanong nanaman ni Angge.

"Kumain ka na nga." Sabi ko sakanya sabay subo sa taco ko.

"Eh sino nga?" Tanong nanaman niya lahit puno ang bunganga niya.

"Si Primero Alcaraz." pagsabi ko ay binuga niya ang nasa bibig niya. "Hoy Angge napakabastos ha!" sabi ko sakanya sabay kaltok.

"Hooy he's the greenest red flag sakanilang magkakaibigan no! Gusto ko nga makita e baka pogi." sabi niya.

"Oh eh ano naman gagawin ko? Pake alam ko don?" asar na sabi ko sakanya at binigyan ako ng nanunuksong tingin. Sa pangalawang subo ko ay may pumasok.

"Speaking of the devil." bulong ko.

"Ha?" sabi ni Angge at lumingon sa pwesto ni Primero na nakatingin na ngayon dito. "Siya ba yan?" parang fan girl na naiiyak si Angge.

"Hey stop that." Bulong ko sqkanya at umiwas ng tingin kay Primero. "Maganda ba ako? May dumi ba ang mukha ko?" tanong ko kay Angge.

"Ay ewan sayo akala ko ba wala kang pake?" sabi ni Angge na ngayon ay naiirita na.

"Tara na." aya ko sakanya.

"Teka di pa ako--" di na siya natapos dahil kinuha ko na ang mga pinamili ko at tumayo na. Sumunod lang siya at tinatawag ang pangalan ko.

"Hey." tawag sa akin ni Primero. Hindi ko siya nililingon.

"Aria! Hey daw!" sigaw ni Angge dahilan para mapalingon ako. Ang babaita ay nakatayo pa sa tabi ni Primero. Papalapit na ngayon si Primero sa pwesto ko at hinila ako palabas ng fastfood.

"Aray pwede ba!?" Sigaw ko sakanya.

"I'm sorry, I didn't mean to hurt you." mahinahong malambing na sabi niya at binitawan ako. "You know what? I hate you. Sh*t I hate you because you're avoiding me Aria." Pabulong na sabi niya.

"H-ha?" naguguluhang tanong ko.

"Honeeey! Bakit mo naman ako iniw--, hey who are you!?" si Gill. Tinulak pa ang balikat ko at yumakap nanaman sa kamay ni Primero.

"Aria, Hoy babaita how dare you at unang una sa lahat wala kang karapatan para pagsabihan yang kaibigan ko! pangalawa boyfriend mo ang nanghila sa kaibigan ko!" sigaw ni Angge kay Gill na naka agaw sa atensyon ng ibang tao.

"Kaladkarin pala yang kaibigan mo e!" sigaw din ni Gill.

"Gill shut up! Stop making scandal mahiya ka naman." mahinang suway ni Primero kay Gill. Natulala lang si Gill sa ginawa ni Primero. Ako at si Angge ay nagulat pero inaya ko na siyang umalis doon.

Nasa Fashion Luxe kami at namimili ng mga isusuot.

"Hoy Angge 3 days lang yun, bakit parang isang buwan ka sa Palawan?" suway ko sakanya dahil napuno na ang cart niya.

"Binenta ko kasi yung mga luma kong damit, medjo malaki yung kita kasi branded kaya ayun may money tapos sumahod si daddy dinagdagan yung card ko." sabi niya sabay hair flip.

"Yabang ha!" sabi ko sakanya at namili na agad ng damit at bikinis. Wala naman akong magagawa kapag may black card na.

Paglabas namin sa mall ay umuulan na. Si Angge ay nasa labas na ang daddy niya.

"Mary, nak di ka ba sasabay?" tanong ni tito Crisanto papa ni Angge.

"Hindi na po tito may pupuntahan pa po ako." pagsisinungaling ko.

"Sige mag iingat ka." sabi ni tito at kumaway na si Angge."

"Ingat din po kayo." sabi ko sabay kaway sakanila.

Magbobook sana ako ng sasakyan pero may bumusina sa harapan ko.

"Aria! uuwi ka na ba?" Tanong ni Gael. Ang gwapo pa din niya. Mas lalo siyang gumwapo.

"Oo" sabi ko sakanya.

"Tara na. Hatid na kita." aya niya. Ano ba yan tatakbuhin ko ang ulan papunta sa kotse niya? Naglalakad takbo ako papunta sa kotse niya pero may humawak sa kamay ko at hinila ako. Wala na bang ulan?

"P-Primero?" sabi ko sabay angat ng tingin dahil matangkad ito. May hawak siyang payong at inakbayan ako para magkasya kami sa payong.

LACUNAWhere stories live. Discover now