L:: 5

9 5 0
                                    

Pagmulat ko ay nasa clinic na ako ng Williams University. Nakaupo ang mga kaibigan ko sa tabi ng hinihigaan ko. Si Zeus naman ay nakasilip sa pinto na parang may hinihintay.

Kung kanina ay kinakabahan ako ngayon naman ay mas lumala pa ito. Pano kapag malaman nila daddy to?

Napatayo sila Zel at Angge nang may biglang pumasok sa clinic na siyang ikinagulat ko. Sa gulat ay hinila ko ang kumot at tinakpan ang mukha ko.

"Aria!" Tawag ni ate sabay lapit sa akin. Hindi ko pa din inaalis ang takip sa mukha ko.

"Aria andito sila daddy." Nananakot na sabi ni kuya. Hindi pa nakuntento at hinila ang kumot.

Lumabas muna ang mga kaibigan ko dahil alam na nila ang susunod na mangyayare dito.

"Aria ang paalam mo kina mama kagabi ay hindi ka manonood." Nag aalalang sabi ni ate.

"Biglaan lang po ate, atsaka hindi ko naman alam na mangyayare to." Sagot ko.

"Sino kaya yung nakabato sayo? When I found out who it was malilintikan sakin yun." Parang galit na sabi ni kuya.

"Stop it Yulo, you're so OA. Parang hindi mo inaaway si Aria ha." Sabi no ate.

"Tama." Sagot ko sabay yakap sa braso ni ate habang nakaupo ako sa bed ng clinic.

"Well ako lang ang pwede gumawa non. Wag niyo nga iniiba usapan. Pare pareho tayong malilintikan lalo na may pula ka sa gilid ng noo mo." Sermon ni kuya.

"Ako ang ate dito Yulo ha. Here, you need that to cover that red on your head." Sabi ni ate sabay abot sa akin ng liquid foundation.

Pagtapos non ay nagkayayaan kaming mag meryenda sa cafe na malapit sa school. Sinama din nila ate ang mga kaibigan ko.

Habang naglalakad kami palabas ng university ay nakasalubong namin ang team nila Gael. Sila ate ay napatingin naman sakanila. Syempre ako ay patay malisya lang habang tumitingin sa ibang direksyon.

••━━━ ✧ • ✧ ━━━••

Pagpasok namin sa cafe ay umorder na sila ng mga pagkain nila. Kung ano nalang ang inorder nila ay inorder ko din. Habang naghihintay sa order namin ay may pumasok na apat na lalaki.

Parang ang lakas ng aircon sa banda ko. Bigla nalang nagliwanag ang pagmumukha niya. Stop it Aria. Stop it.

"Stop it!" Hindi ko alam na nasigaw ko na pala ang nasa isip ko.

Lahat ng tao sa cafe ay nakatingin na sa pwesto namin pati sila Primero at ang mga kaibigan niya. Si Primero ay nakangiti pa. Sila ate naman ay napatulala sa nagawa ko. Si kuya Yulo ay nagtakip ng mukha.

"Ginagawa mo be?" Natatawag tanong ni Angge.

Gusto kong magpalamon sa lupa. I want to disappear. I want to die! Yumuko ako agad at pumikit.

"Ma'am ito po ang orders niyo." Sabi ng dalawang nagserve ng pagkain na parang natatawa pa.

"Ang cute niyo po ma'am." Sabi pa ng isa. Nginitian ko lang siya at humigop sa inorder nila.

Napahaplos nalang ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Buti nalang ay matapos namin ubusin ang nga inorder nila ay nagkayayaan ng umuwi.

••━━━ ✧ • ✧ ━━━••

Pagdating sa bahay ay kulong agad ako sa kwarto. For sure my ate and kuya will tease me about what happened kanina. Buti na nga lang ay hindi uuwi sila mommy ngayon.

After dinner ay nag aya sila ate para manood ng movie sa sala at doon matulog. Ate wants to spend time with us. Magiging busy na daw kasi siya dahil babalik na siya ng France bukas.

Nag order din sila ng food. Sa sala ay napuno ng pagkain ang mini table. Kuya ordered two large pizzas, ate ordered two buckets of chicken and ate Devine prepared two 1.5 sprite. Wow perfect combination!

Habang focus sila sa panonood ay focus naman ako sa pagkain. Napanood ko na kasi ng ilang beses yun. Habang nanonood ay nag vibrate ang phone ko.

- 0902******12
Hi Ari, goodevening. How are you?
    ➥hi. I'm fine.

Hindi ko alam bakit ko nireplyan. Dahil ba kinakamusta niya ang lagay ko? O siya ang may pakana ng nangyari kanina!?

*bzzzzt*

- 0902******12
Good to know.

Hindi ko na nireplyan dahil nag message na din ang nga kaibigan ko.

← TRIO + 1                       📞   🎦

@alex_zeus:: Kamusta enrollment?

@gwyl_:: okay naman wala pang result.

@angel_neo:: syempre zel bukas pa lalabas no.

@ariacervantes:: kabado bente :(

@alex_zeus:: Nako angge XD. Yung sa amin din bukas na agad.

@gwyl_:: kamusta pala noo mo Aria?

@ariacervantes:: okay naman na.

@angel_neo:: sino kaya yun?

@alex_zeus:: Baka ako yun?

@angel_neo:: tulog na nga kayo!

Pagkatapos ko makipag chickahan sakanila ay nagfocus naman ako sa pagtingin sa announcement about sa graduation. Sadly, ang sabi sa page ng school namin ay kukuhanin lang daw namin ang certificate at hindi makaka akyat sa stage.

Pagkatapos kumain ay niligpit na nila ate ang pinagkainan at kami naman ni Jhio ay inayos ang higaan sa sala. Katabi ko si ate at Jhio sa kamang nilagay namin sa floor. Si kuya ay sa sofa daw siya. Natulog na din kami dahil maaga pa kami bukas.

••━━━ ✧ • ✧ ━━━••

Napabangon nalang kami sa alarm ng phone ni kuya. Hindi pa sana ako babangon pero naalala ko ihahatid namin si ate sa airport.

Pagkaligpit namin sa pinag-higaan namin ay  nagsi akyatan na kami para mag ayos ng gamit. Si Jhio ay hindi na mahiwalay kay ate.

Pagpasok ko ay naligo na agad ako. After taking a quick bath, I just blow dry my hair. Nagdala din ako ng hair clamp sa bad ko. Nagsuot ako ng white shirt crop top with my name (Aria) na pina costumize ko sa seller na pinag orderan ko.(search ng pants) and white sneakers.

Habang nasa byahe palang kami ay sinusulit na ni ate si Jhio. Nag pa drive thru na din si ate para makabili ng kape at breakfast. Ang sabi ko naman ay pancake at coffee lang ang akin.

"Sa may parking lot nalang kayo, baka pagpumasok pa kayo sa loob mag iiyak si Jhio doon." Sabi ni ate habang yakap si Jhio.

Pagdating namin sa parking lot ay umiiyak na si Jhio. Ayaw niyang bitawan si ate. Syempre ako di pwedeng umiyak dahil walang magpapatahan kay Jhio. Nanahimik si kuya kaya tinignan ko siya.

"Kuya bakit ka umiiyak?" Mahinang tanong ko.

"Gago di ako umiiyak no." Sabi niya sabay punas ng luha.

Natatawa nalang ako dahil sa pagmumukha niya.

"Aria kunin mo na si Jhio." Utos ni ate sa akin

Nilapitan ko si Jhio at hinihila siya para bitawan si ate. Nang mapabitaw ko siya ay naglakad na si ate papunta sa loob ng airport. Umiiyak siya habang kumakaway sa amin.

"Don't cry na bebe." Sabi ko kay Jhio at binuhat siya papunta sa van.

Habang papalayo na ang sinasakyan naming van sa airport ay pahina ng pahina ang iyak ni Jhio.

"Tata, why mommy need to leave me?" Tanong niya na dahilan nanaman ng paglakas ng iyak niya.

"Jhio mommy need to work for us." Mahinahon na sabi ni kuya.

"Why tito?" Tanong ulit ni Jhio.

"Kapag hindi na nagtrabaho si mommy mo wala ka ng pambili ng toys at foods." Sagot naman ulit ni kuya.

Habang nag uusap silang dalawa ay busy ako sa pagpupunas ng likod ni Jhio. Jhio need to adjust. Hindi siya sanay na malayo sa mommy niya.

══════ •『 ✧ 』• ══════
Hi! Thank you for reading. Please vote by clicking the star icon below! Sorry for the long waiting.

LACUNAWhere stories live. Discover now