L:: 6

7 5 0
                                    

Pagkatapos naming magtimpla at maghanda ng meryenda ni ate Dev ay hinatid na namin sa sala.

"Ito na po ang meryenda." Masayang sabi ni ate Dev sakanila.

Paglapag ko sa mga meryenda ay tumayo ako beside mom.

"After we eat meryenda here, Yuji, pare we need to go na din. Aayusin ko na yung mga kailangan natin para sa trip." Tito Ivan said and he bite his cookies.

"Sure. Just enjoy your food para hindi kayo gutumin kapag nag aayos na kayo ng mga requirements." Sabi ni dad.

"Ahmm. Excuse me dad, and tito Yuji. Can I bring my friends po?" Tanong ni Primero. Parang hindi niya pinoproblema ex niya ha.

"Of course, but one only Primero ha." Sabi ni tita Bea. "You can bring yours too, Aria."

Tinanguan ko lang si tita Bea at nginitian. Sakto, someone's calling me. I tell them that I need to answer the call. Buti nalang at busy sila kaya pinayagan nalang ako.

➟ Zeus 🔥 calling...

[Hoy babae kanina ka pa namin tinatawagan ha!] Nagulat nalang ako dahil si Angge na pala to.

"Oh bakit nanaman?" Tanong ko.

[Aba lalabas result ngayon ikaw hindi ka ba lalabas jan ha?] Nagagalit na tanong ni Angge.

"Nasa bahay ako ano ka ba Angge." Sagot ko.

[Kami din nasa bahay niyo! Labas!] Sabi niya at pinatay ang tawag.

I went out to the door and saw them standing outside the gate. I opened the gate for them and told them not to make too much noise dahil may bisita kami. Kumakaway kaway pa si Angge sa labas na kala mo naman ay nasa crowd kami para hindi ko siya makita.

"Doon nalang tayo sa backyard may mga upuan naman doon." Sabi ko sakanila.

"Aria..." Mahinang tawag ni Angge sa akin.

"Kanina ang lakas ng energy mo bat ngayon parang lowbat ka na." Pang aasar ni Zeus.

"Ikaw kaya mag sisigaw doon Zeus no!" Malakas na sagot ni Angge.

"Shut up nga kayong dalawa. Kakasabi lang may bisita dito diba?" Sabi ni Zel at dumaretso na sa backyard.

"Sungit." Sabay kaming tatlo.

Pagpasok namin ni Angge sa loob ay tinawag ako ni mama. Sinabihan ko na din si Angge na kumuha nalang ng cookies sa kusina at juice.

"Uuwi na sila tita Bea mo." Sabi ni mommy.

"Nako Aria may mga kaibigan ka pala, siguro napaka palakaibigan mo." Sabi ni tita Bea.

"Nako Bea ayaw niya dati sa mga bata ewan ko pano nakulit ni Neoma si Mary e." Sabi ni daddy.

"Oh pano ba yan pareng Yuji, mauna na kami." Paalam ni tito Ivan.

Pagkaalis nila ay aalis na din daw si daddy dahil may meeting siya ngayon. Si mommy naman ay naiwan para alagaan muna si Jhio.

Pinuntahan ko na sa backyard sina Zel. Saktong sakto ay nag aayos na sila ng mga gadgets nila.

"One minute left nalang ilalabas na yung results!" Masayang sabi ni Zel.

"Samin lumabas na oh." Sabi ni Zeus sabay pakita sa screen ng ipad niya.

"Ano section mo? BSN Z1?" Pang aasar ni Angge.

"What the... BSA B2 ako." Nadidismayang sabi ni Zel. "Charot lang BSA A1." Bawi niya at natawa.

Binato ko siya ng lapis dahil sa ginawa niya. Sa aming apat siya ang pinaka matalino kaya malabong nasa section 2 siya. Kanina pa ako nag sscroll sa page ng VU pero wala akong makitang BSN.

LACUNAWhere stories live. Discover now