L:: 10

6 1 0
                                    

Pagsakay sa eroplano ay si Angge na ang katabi ko. Kain tulog lang ang nagawa namin dahil sa tama ng ginawa namin kagabi.

Pagdating sa airport ay may sumundo sa amin na puting van. Akala ko naman ay kumaw. Eme. Napalingon ako kay Primero na nakangiti sa cellphone niya. Baka nag aupdate kay Gill.

"Aria sakay na aba." aya ni Angge na nakaupo na sa van.

"P-pano sila?" tanong ko.

"May nirent daw sila ni Maximo na kotse, si Primero daw magdadrive." sabi ni Angge. "Ano nga ba ang pake mo jan diba?" Nang aasar nanaman.

Sumakay na ako sa kotse at padabog na sinara ang pintuan. Nakikipag laro lang ako kay Jhio at may napansin sa likod. Katabi ni tita Bea. Ang ganda niya kamukhang kamukha niya si tita Bea. Siya ata yung babaeng crush ng Williams University Basketball Player.

"Huy amakana kay Primero wag na yang kapatid niya." Asar nanaman ni Angge.

"Ikaw nga crush mo si Maximo e." sabi ko sabay ngisi sakanya.

"H-hoy! Shhh ka nga." kinakabahan na sabi niya. "Sino nagsabi sayo?"

"Mama mo." sabi ko sabay belat sakanya.

Nakikipaglaro lang ako kay Jhio at nakikipag asaran kay Angge hanggang makarating kami sa Beach Resort sa Palawan kung saan kami mag sstay.

Nagrent daw sila ng four cottages na magkakatabi lang. May two beds, cr, maliit na kitchen at maliit na sala ang cottege. Para lang siyang condo. Isa para kina mommy, daddy, and Jhio. Isa naman para kina tito, tita and sa sister ni Primero. Isa samin ni Angge at isa para kina Primero at Maximo.

Inaya ako ni Jhio na maglaro sa buhangin kaya inalis ko muna ang sapatos ko at sumama sakanya. Habang naglalaro siya sa buhangin ay kinuhaan ko siya ng picture habang tumatawa siya at sinend kay ate. Buti nalang at connected kami sa WiFi. Sakto ay tumawag si ate.

"Hi ateee!" Bati ko sakanya.

[Hiii kumusta ang baby Jhio ko?]

"Ayos lang siya ate he's playing."

[Wag mo na iparinig sakanya ang boses ko baka umiyak.] naiiyak na sabi niya.

"Ikaw nga ang umiiyak e." Natatawang sabi ko sakanya.

[Sige na marami pa akong gagawin.] Paalam niya.

"Bye ate, ingat ka jan.We love you!" paalam ko din at pinatay na.

"Mary halina kayo mag late lunch!" Tawag ni daddy.

Inaya ko na si Jhio at nagpakarga ito kaya naman kinarga ko na. Paglapag ko kay Jhio sa upuan niya ay napalingon ako kay Primero na nakangiti nanaman sa cellphone niya.

"Tita Stella what if may kachat siya no?" parinig ni Angge.

"Sino Neoma?" tanong ni mama sabay lingon kay Primero. "Ahhh gutom lang yan Mary este Neoma." nang aasar na sabi ni mommy kaya napanguso ako.

Katapos kumain ay nagpalit na ako ng rose pink kong pajamas at lumabas sa cottage para magpalamig. Umupo ako sa tumbang coconut tree malapit sa dagat.

This is what I want! I love this!

*criiiiing
➟ 0902******12 calling...
Hindi ko nasagot ang call dahil pinatay din agad.

- 0902******12
how are you?

Hindi ko na din pinansin dahil pumasok na ako sa cottage para magpahinga feeling ko madami kaming gagawin bukas kaya nagpahinga na din ako.

Dahil sa pagtulog ko ng maaga ay nagising din ako mga bandang 6 AM. Pagbangon ko ay masarap pa ang tulog ni Angge nakita ko pang may kacall pa din siya sa lap top niya.

"M. Lopez?" basa ko sa screen ng lap top niya. "Loka ba sila nag call pa kung tulog naman sila. Inayos ko ang buhok at mukha ko bago ako lumabas.

"Good morning." bati sakin ni Primero na may pa morning voice. Tinanguan ko lang siya at umupo ako sa hagdan ng cottage.

"Coffee?" alok niya. Nginitian ko lang siya. Ewan bakit. Pake ko diba? "Pagkatapos mong mag unan sa balikat ko snoban na?" tanong niya habang papalapit sa pwesto ko.

"H-ha? Ahmm thank you." sabi ko.

"Aria." sabi niya. "I hate you so much." bulong niya.

"W-why?" tanong ko.

"I hate you for being like that. Parang nung minsan, wala pala " sabi niya at bumalik na sa cottage nila.

"Baliw ba siya?" tanong ko sa sarili ko.

"Ikaw ang baliw!" Sigaw ni Angge sabay sapok sa akin. "Sino kausap mo jan?" tanong niya.

"Baka ikaw ang baliw, may kacall kahit tulog!?" sigaw ko din sakanya.

"Aga naman ng bungangaan mo." Inis na sabi ni Maximo. "Ayos ka lang ba Aria?" nag aalalang tanong niya.

"O-oo bakit? Ito kasi e--." paglingon ko sa likod ko ay wala na si Angge. Inabutan ako ni Maximo ng kape.

"Inumin mo yan baka kulang ka sa kape. Hayjusq!" hiyaw niya sabay stretch ng mga kamay at naglakad na palayo papuntang tabing dagat. Humigop ako sa kape. Sarap.

"Kitams, katapos ako kausapin umaalis sila? Para tuloy akong baliw." Naglakad din ako papunta kay Maximo.

"Sarap ng kape ha, timpla mo?" tanong ko sakanya habang nakatingin siya sa malayo at nakapamulsa pa.

"Hindi ah." natatawang sabi niya. "Timpla ni Uno."

"Uno? Sino yun?" tanong ko.

"Baliw ka nga." bulong niya na natatawa pa. Pogi din to ha. "Tinimpla ni Uno yan hindi para sakin, pinapabigay niya sayo yan." natatawang sabi niya kaya natawa din ako kasi sino ba naman si Uno diba?

"Maximo!" parang naiinis na tawag ni Primero sakanya.

"Ayan na si Uno." sabi ni Maximo at umalis na.

T-timpla niya to? Para sa akin???

Nakakunot ang noo niya sa gawi ko. Tinaas ko ang kape at lumabi ng thank you. Nag iba agad ang awra ng mukha niya at naglakad palayo. Niloloko ba ako ni Maximo? Baliw ata yun e.

Bumalik na ako sa cottage. Naka ayos na si Angge. Suot na niya ang black two piece niya at pinatungan niya ng short at balabal na tinaling patriangle sa dibdib. Nag ayos na din ako at sinuot ko ang navy blue two piece kong bikini at sinuot ang white na summer wide leg pants.

Lumabas na si Angge para magtake ng pictures kaya lumabas na din ako. Inaya ko na siya sa restaurant na kakainan namin malapit sa resosrt.

"Pogi ni Maximo no?" sabi niya sa akin. Nasa harapan kasi namin sila. Tutal ay close naman kami ni Maximo ay nakaisip ako ng kalokohan.

"Maximo pogi ka raw sabi ni Angge." sigaw ko at hinawakan ang braso ni Angge para di tumakas. Lumingon siya at napangiti. Pagtingin ko kay Angge imbis na magmukhang kamatis ay nagmukha siyang patay sa putal.

Pagdating sa restaurant ay tawa lang ako ng tawa. Hindi pa din ata bumabalik ang dugo ni Angge kaya inorderan ko ng Watermelon juice.

Sa sobrang bilis ng karma ay nagkulang ng dalawang upuan para sa amin ni Primero kaya nasa hiwalay na upuan kami. Tawang tawa naman ngayon si Angge at panay ang parinig.

"Don't mind her eat your food." pag agaw ni Primero sa atensyon ko. "Go. Eat. Gusto mo ba subuan kita?" para namang nag aalala.

"H-huy I can do it, no need." sabi ko sabay subo sa pagkain.

After having a breakfast my parents with jhio and tita, tito told us na sasakya daw sila sa private yatch para makapag bonding at makapag meeting. Kami naman daw ay mag explore at mag enjoy.

"Kuya Uno, I want to try the kayak here." sabi ng kapatid ni Primero.

"Chiandria, do what you want malaki ka na." sabi ni Primero na busy sa cellphone niya.

"I want to have a boyfriend." nang aasar na sabi ni Chiandria. Sinamaan lang siya ng tingin ni Peimero. "Or should I take ate Aria para mag kayak kami?" sabay tingin ni Chiandria sa akin.

"No." matigas na sabi ni Primero.

══════ •『 ✧ 』• ══════
Hi! Thank you for reading. Please vote by clicking the star icon below!

LACUNAOnde histórias criam vida. Descubra agora