L:: 2

19 8 1
                                    

Habang natutulog pa ako ay bigla nalang may humilang maliit na kamay sa daliri ko. Napahawak ako sa dibdib ko pagmulat ko ng mga mata ko. Bigla kong naalala na andito na pala sila ate.

"Goodmorning tata ganda." Malambing na bati niya sa akin sabay smile with his cutie dimples.

"Goodmorning bebe." bumangon ako at binuhat siya para bumaba na sa kitchen.

"Tata ganda, do you have boyfriend po?" Tanong ni Jhio pagkalapag ko sakanya sa upuan niya sa dining.

"Jhio, tata ganda is not maganda she's ugly so that's why tata don't have boyfriend." singit naman ni kuya Yulo na kabababa lang.

"Ang epal mo talaga kuya no!" Aga aga mambwisit ha.

"Oh tama na yan ang aga aga e nag aaway kayo, ayan kain na kayo." Pag awat ni ate.

"Asan sina mommy te?" Tanong ni kuya Yulo at tumabi sa tabi ko para agawin ang hotdog sa plato ko.

"Umalis na dahil may aayusin daw sila sa business trip." Sagot ni ate sabay tingin sa akin.

Hinayaan ko si kuya na kunin ang hotdog sa plato ko dahil baka masira lang ang araw ko. At tuluyan na ngang nasira ang araw ko dahil naalala ko nanaman ang business trip na to.

"Ahm ate, about business trip ano ba gagawin ko bakit kailangan kasama ako?" Tanong ko.

"Wala lang para lang makilala ka ng mga nakaka business partner nila mama ganon." Sagot ni ate.

"Maliiii! Kasi Aria ganito yan. Kung may anak na lalaki ang business partner nila daddy ipapakasal ka doon. Diba ate ganon ginawa sayo?" Sabat ni kuya.

"Hindi totoo yun Aria. Na love at first sight lang talaga ako kay Kevin." Sagot ni ate na parang kinikilig pa.

"Yuck!" Sabay na sabi namin ni kuya at natawa.

"Maka yuck kayo, ikaw nga Yulo pick me mga naging ex mo e." sabi ni ate na sabay naming tinawanan.

"Makatawa ka jan Aria parang di manloloko ex mo ha!" Ngayon ay sila naman ni ate ang tumatawa habang ako ay naiinis na.

Matapos ko makipag kwentuhan at kumain ay naligo na ako at nag paalam kay ate na aalis na. Hinintay ko nalang na malabas ni manong Junior ang kotse.

*ting*
← TRIO + 1                         📞   🎦

@alex_zeus:: gomorningggg, late nanaman kayo palagi nalang ako nauuna sa school sating tatlo.

@gwyl_:: pabibo ka kasi

@ariacervantes:: jalibeee bida ang saya hahaxd.

@alex_zeus:: ahhh talaga? itago ko mga upuan niyo e.

@gwyl_:: guess ko tulog pa si Angge HAHAHA.

Binalik ko na sa bag ko ang cellphone ko dahil nakalabas na si manong Junior. Habang nasa byahe ay napapaisip ako tungkol sa mga what if's ko sa business trip. What if totoo sinabi ni kuya Yulo? What if sakin ipapahawak nila daddy yung company. Hindi pwede gusto ko pa maging nurse noooo!

"Nako Mary, iniisip mo ba ang lalaki sa nakaraan mo? hahahaha. Andito na ho tayo." Tawag sa akin ni manong Jr.

"Ay wala po akong pake sakanya manong, aba manong bumibilis ka magmaneho ha." pakikipag biruan ko bago bumaba ng sasakyan.

Pagpasok ko sa gate ay nakasabay ko si Angge. Ang laki laki nanaman ng ngiti ni gaga. Hindi kami nag imikan hanggang makapasok sa classroom dahil tinatamad pako mag salita at nag ooverthink pa ako.

LACUNAWhere stories live. Discover now