L:: 9

2 1 0
                                    

"Ako na maghahatid sakanya bro, may meeting kami." malamig na sabi niya kay Gael at sinama niya ako papunta sa kotse niya. Inalalayan pa akong sumakay. Tama si Angge, he's the greenest red flag.

Walang nagsasalita sa loob ng sasakyan. Pareho kaming hininga at sasakyan lang ang naririnig.

"Alam mo na ba?" tanong niya.

"Ang alin?" tanong ko din.

"Kapag daw umuulan kung sino daw ang kasama mo siya ang makakatuluyan mo." mahina at nahihiyang sabi niya.

"Hahahaha." napatawa ako ng malakas. "Sino nagsabi sayo niyan?" tanong ko.

"Si Ares." natatawang nahihiyang sabi niya.

"Hahahaha gago, anag alam ko kasi is first snow sa korea yun e." natatawa pa ding sabi ko.

"I love your smile." sabi niya at napangisi.

Napatingin lang ako sakanya. Ang gwapo ng side view. Yung mga panga niya AaaaaaAaahhh!

"Hey stop staring at me we're here." natatawang sabi niya.

Bumaba siya at inalalayan ulit ako pababa para payungan papunta sa loob. Ang bango naman niya. Pagpasok namin ay andon na sila mommy at daddy.

Natawa napang ako sa sarili ko dahil hindi ako na inform sa meeting pero sumama ako kay Primero. Kung kidnapper to wala na ako ngayon hahaha.

"Good afternoon po." bati ko sakanila. Umupo kami ni Primero sa bakanteng sofa. Habang nililibot ko ang mata ko sa bahay nila ay may nakita akong babae sa taas ng hagdan.

"I'm sorry at biglaan ang meeting natin. Me, Yuri and our wives decided to do the trip tomorrow." nahihiyang sabi ni tito Ivan.

"Bukas na!?" sabay na tanong namin ni Primero.

"Aha, sorry at di namin nasabi agad dahil busy. And I think both of you should tell your friends about this. Mary tell Neoma that she needs to stay in our house para makapagready agad." Sabi ni daddy.

"Yes that's right. You too Primero tell Maximo." utos ni tita Bea kay Primero.

"Sige po alis na po ako." paalam ni Primero. "Sasabay ka ba?"

"Ako?" tanong ko? Tumango lang siya "Ah o e sige." Nagpaalam na din ako sakanila at sumunod kay Primero. Buti nalang ay wala ng ulan.

Pagsakay ko sa likod ay tumingin siya sa rear view mirror.

"Bakit jan?" naiinis na tanong niya. Bumaba agad ako sa kotse at sumakay sa passenger seat. Habang nasa daan ay wala nanamang nagsasalita.

"Alam mo ba bahay nila Angge?" tanong ko

"Hindi." sagot niya.

May pinuntahan kaming bahay at may lalaking naghihintay sa tapat. Ito siguro ang kaibigan niya. Binaba ni Primero ang bintana niya at sinabihang sa likod daw ang lalaki.

"Chix." bulong ni Maximo pagkasakay niya.

"Shut up bro." suway ni Primero.

Tinuro ko ang daan ng bahay nila Angge sakto namang nag aantay din ito sa labas. Sinabihan ko naman siya na sa likod na.

"Fafa." bulong ni Angge.

"Manahimik ka." suway ko.

Hinatid na kami ni Primero sa bahay. Pagbaba ko ay tinawag niya ako.

"Aria, ahmm 5 days daw tayo sa Palawan. See you tomorrow." sabi niya at umalis na.

"Loko ba yun?" bulong ko.

"Ikaw ang loko." sabi ni Angge.

Pumasok na kami sa kwarto ko at nag order kami ng Beef Taco sa La Bon Appetit dahil yun nanaman ang gusto ni Angge. Nag order din daw siya ng isang bote ng wine.

Pagkarating ng delivery buti nalang ay walang tao sa baba. Pinauna ko na si Angge sa taas dahil pupuntahan ko pa si Jhio sa kwarto niya na dating kwarto ni ate.

Isasama kasi siya nila daddy dahil walang magbabantay sakanya. Buti nalang at andito si ate Barbara ang kinuhang taga alaga kay Jhio kapatid siya ni ate Divine. Sinabihan ako ni Ate Barbara na naka ayos na ang gamit niya.

Iniwan ko na sila at umakyat sa taas. Pagpasok ko sa kwarto ay nakita ko na si Angge na naghahanap ng movie. Naka latag na rin ang maliit na table sa sahig ng kwarto ko.

"Aria, shot mo." Nakainom na pala ng dalawang baso tong babaeng to. Kinuha ko ang baso at ininom ito.

Patapos na ang movie paubos na din ang wine na iniinom namin. Inubos ko na ang natirang beef taco at tinapon sa labas. Tinago ko din ang bote sa may lagayan ng bote sa garden namin.

Nakikita ko na sa malayo ang kotse nila daddy kaya dali dali akong umakyat kahit nahihilo na ako. Pagpasok ko sa kwarto ko ay bumagsak na ang katawan ko sa kama ko.

Napagising ako dahil nakarinig ako ng uwak sa banyo ko. Nakabaka ka naman Angge. Tumingin ako sa orasan at saktong mag aalas kwatro na. 4 AM ang usapan namin buti nalang at 3.27 AM na naging uwak ang kaibigan ko.

Pagkatapos niya ay inaya ko na siya pababa para bigyan siya ng inumin para mabawasan ang hang over niya. Pagkagising namin ay nandoon na si ate Divine.

"Aga niyo naman Aria." sabi ni ate.

"Shhhh wag ka maingay, may hang over juice pa ba tayo ate?" tanong ko.

"Hala kalahati nalang iyon, baka pang isang tao napang." Sabi ni ate. Tinignan ko si Angge na may malakas na tama sa wine kaya siya nalang ang pina inom ko.

Iniwan ko muna siya sa baba at naligo na ako sa taas. Sinabihan ko siyang umakyat nalang. Baby blue bodysuit ang top ko, sa baba naman ay high waist mom jeans na may dalawang malaking butas sa tuhod with white cross strap platform sandals.

Pagkatapos ko ay umakyat na din si Angge at naligo. Ang suot niya ay same lang sa top ko color army green, black na white cross strap platform sandals at shorts. Parqng hindi malamig ah?

"Okay na ba?" tanong ko kay Angge.

"Super okay, inalagaan moko e." sabi niya sabay yakap sakin. Haynako.

"Amakana accla." natatawang sabi ko sakanya aylt humiwalay. "Tara na baka iwan tayo." Kinuha ko na din ang black na sweater.

Pagbaba namin ay nasa labas na sila mama at hinihintay ang minis bus. Nauna kasing sinundo sila tito Ivan. Sa sobrang sakit ng ulo ko dare daretso lang ako sa loob at umupo sa bakanteng upuan. Kakaupo ko pa lang ay nakatulog na ako. Buti nalang may malambot na sandalan.

"A-aria? Naiihi na ako." minulat ko ang mata ko sa narinig ko. Nananaginip ba ako?

"Nananaginip ba ako?" tanong ko.

"Aria hindi, naiihi na talaga ako." Tinulak niya ang ulo ko ng very slight at tumakbo pababa sa bus.

Lahat pala sila na sakay ng bus ay nag iingay dahil nasa airport na pala kami.

"Yieee ikaw ha tumabi ka pa kay Primero!." Asar ni Angge. "Tara na be airport na oh!"

Ha? Si Primero katabi ko!?

LACUNAWhere stories live. Discover now