L:: 4

23 7 0
                                    

"Ariaaaaa!" Tawag sa akin ni kuya.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil tinatamad pa ako bumangon.

"Ariaaa, ano papalate ka?" Sabi niya sabay tapik sa paa ko. Nakapasok na pala ang unggoy kong kapatid.

"Anong oras na ba?" Tanong ko.

Tinapat niya pa sa akin ang lockscreen ng phone niya. Ang nasa lockscreen niya ay ang schedule niya sa school. Napatayo agad ako ng makita kong 9:12 am na pala.

Pinalabas ko na si kuya at naligo na ako dahil 10:00 am ang usapan namin. Sa sobrang pagmamadali ay muntikan ko pang nakalimutan ang skincare ko.

My top is white oversized shirt with a print na 'Be the Best'. I tucked it in with my boyfriend jeans. Kinuha ko din ang bigay na white sneakers ni ate noong umuwi siya dito. And I carry my plain black tote bag. Sinuklayan ko nalang ang buhok kong hanggang bewang dahil wala ng oras para ayusin to.

Pagbaba ko ay nagulat ako dahil andito ang mga kaibigan ko sa sala. Nagtitigan muna kami ng very light bago na realize na kailangan naming umalis.

"Gagi be tagal mo ha!" Sabi ni Angge na may kagat kagat pang pancake galing kusina.

"Ito pala yung card mo atsaka mga requirements, kinuha na namin yung sayo kahapon kay Ma'am." Sabi naman ni Zel.

"Hoy Zeus baka matunaw si Aria ha!" Sabi ni Angge sabay tulak kay Jago.

"Yuck! Tara na nga!" Sabi nito sabay kuha ng bag at labas ng bahay.

Nagpaalam na ako kina ate at kuya. Sinundan na din namin si Zeus dahil bawal siya mabadtrip. Baka paglakarin kami. Sabi kasi niya ay hahatid daw kami ng driver nila papunta, pauwi naman ay sadakay nalang kaming jeep.

Habang papunta kami sa pupuntahan namin ay may nag message nanaman sa akin.

-0902******12
punta ka ba? imy.

Napakunot ako ng noo dahil hindi ko naman alam sino tong kumag na to. Habang nag iisip ako ng irereply ay bigla nalang may umagaw sa cellphone ko.

"Hala sino to Ariang?" Tanong ni Zeus.

"Duhh hindi ko nga kilala e kagabi pa yan." Iritang sagot ko.

Binalik niya na sa akin ang cellphone ko pagkarating namin sa University. Sabi ni Zeus ay sasamahan niya daw muna kami dahil mamaya pa daw ang sched ng enrollment niya.

Pero sa kasamaang palad hindi nakasama si Zeus dahil hinarang siya ng mga kakilala niya na nag aaral sa Williams University. Sabi niya ay mga ka strand daw niya ang mga yun.

Nauna akong pumila sa mga kaibigan ko. Kaya ako ang nasa unahan nila, sa likod ko ay si Zel at sa likod ni Zel ay si Angge.

Pagkatapos ko ay lumabas na ako sa office at pumunta sa waiting area. Habang naghihintay ay naka received ako ulit ng message.

-0902******12
nakita kita kanina sabi ko na manonood ka e.

Hinayaan ko nalang ang message at binalik ang phone ko sa bag. Napansin kong naalis nanaman sa pagkakasintas ang sapatos ko. Habang inaayos ko ito ay may biglang tumabi sa akin.

"Gill dito ata yung waiting area para makapag enroll." Sabi ng babae sa tabi ko.

Dedma lang dapat ako dito pero kinausap niya ako.

"Hii tee, I'm Yelena you can call me Yel." Sabi nito sa akin sabay abot ng kamay niya. Tinaggap ko ito at nagpakilala.

"Pwede ba mag ask?" Tanong sa akin nung Gill.

"Yes po." Sagot ko.

"Dito ba ang waiting area for enrollment?" Tanong niya ulit.

"Nope po, doon po sa mga nakaline ang enrollment." Sagot ko.

Nag thank you lang sila at umalis na. Sakto naman ay tapos na daw si Zel at Neo.

"Kanina ka pa namin hinahanap, sino yun?" Tanong ni Angge.

"Wala mga nagtanong lang." Sagot ko.

Nag aya na sila na puntahan na daw namin si Zeus. Sinundan ko lang sila dahil hindi ko pa masyadong memorize ang pasikot sikot.

Pumasok na din muna kami sa coffee shop para bumili ng iinumin. Ang inorder ko lang ay Iced Coffee. Palabas na sana kami ng cafe pero may biglang bumunggo kay Zel.

"Aray, hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?" Masungit na tanong ni Zel buti nalang at hindi natapon ang inumin niya.

"Sorry miss hindi ko sinasadya." Kinakabahang sagot ng lalaki.

"Alejandro! Dalian moooo!" Sabi ng kasama niya sa may entrance.

Hinayaan nalang namin sila at pumunta na sa Williams University. Hindi ko alam bakit ako kinakabahan. Dahil ba andito ex ko? O dahil baka makita ako ng kuya ko. Hay bahala na.

Pagkarating namin doon ay agad din naming nakita si Zeus kasama yung mga lalaki kanina. Lumapit kami nila Zel sakanya.

"Uyy pare may mga shoti ka pala baka naman." Sabi ng kasama niyang naka blue na t-shirt.

"Ayan si Liezel." Turo niya kay Zel. "Ito naman si Neoma." Tinuro niya din si Angge. "Ito naman si Aria." Sabay tingin sa akin.

"Baka naman pare reto mo kami kay Aria." Sabi ng isa niyang kasama na naka pulang t-shirt. Haler andito kaya ako no.

Nagulat naman ako dahil biglang umakbay sa akin si Zeus. Tinignan niya pa ako.

"Over my dead body, hindi ko irereto sainyo tong mga kaibigan ko lalo na si Aria." Sagot naman ni Zeus sakanila.

"Bakit gusto mo siya?" Tanong nila.

Medjo nagulat naman ako dahil pinisil ni Zeus ang balikat ko.

"Hindi no! Magagalit ang daddy niya sa amin kapag nalaman niyang nirereto namin to. Diba Angge? Zel?" Naghanap pa ng kakampi. Sinang ayunan naman siya nila Zel.

Nagpaalam na kami sa mga kasama niya dahil manonood na daw kami ng Basketball. Hindi ko alam bakit gusto nilang manood. Bigla ko lang napansin na hindi pa din inaalis ni Zeus ang kamay niya sa balikat ko. Hinayaan ko nalang din dahil wala naman dapat maling isipin diba?

"Alam niyo kanina pa kayo pinagtitinginan dalawa." Sabi ni Angge sa amin habang nakapila papasok sa entrance ng court.

"Bakit?" Sabay naming tanong ni Zeus.

"Kanina ka pa kaya naka akbay kay Aria." Sabi ni Zel sabay ngisi.

Binitawan naman agad ni Jago ang akbay sabay tulak sa akin. Sa di sinasadya at may natamaan akong player sa likod. Nalaman kong player siya dahil naka uniform siya ng basketball.

"Sorry." Sabay naming sabi.

Nagulat pako dahil parang kilala ko to. Diba si ano yun. Ha? Ano na nga ba pangalan non. Hinayaan ko nalang at pumasok na kami sa loob. Sa tabi ko ay si Zeus at si Angge sa tabi ni Angge ay si Zel.

"Uy gagi si Gael yun oh!" Sabi ni Zeus sa akin sabay tusok sa bewang ko.

"Sige asarin moko jan mag wawalk out ako." Sagot ko.

Tinaas naman niya ang dalawang kamay niya na parang sumusuko. Inirapan ko lang siya.

Sa kalagitnaan ng laro ay nauhaw daw si Zeus kaya hiningi niya ang Iced Coffee ko. Binigay ko naman to dahil tunaw na ang yello. Iced pa din ba to?

Habang nanonood ako at nakikinig sa mga hiyawan ng mga estudyante ay biglang lumipad ang bola papunta sa pwesto ko at sumapol sa ulo ko.

"Sino yun!?" Gulat na parang galit kong sabi. Hindi ko na nalaman ang susunod na nangyare dahil dumugo na ang ilong ko at nakatulog.

Bakit ganon? Ang daming ganap for today's chapter?

LACUNAWhere stories live. Discover now