L:: 11

5 0 0
                                    

"N-no! Bawal ka magka boyfriend." bawi agad ni Primero. Napangiti lang sila Chiandria, Maximo at Angge. Akala ko naman ihhh parang hindi nag grade two?

Inaya ako ni Chiandria magkayak kaya inaya ko din si Angge. Marami na kaming napuntahan, ang hidden beach at secret lagoon. Ang dami na din naming pictures na kuha ni Chiandria sa camera niyang Canon EOS 90D.

Bumalik na kami sa cottage para malipat niya ang mga pictures sa laptop niya at makakuha pa ng maraming litrato.

"Nice meeting you ate Aria and ate Angge. Later po ulit." Sabi ni Dria. Umalis na siya at bumalik na sa cottage nila.

"Aria, nandito kasi si M. Lopez e." nahihiyang sabi sa akin ni Angge.

"Oh ngayon?" tanong ko sakanya.

"Pwede ba ako makipag meet? hehe." paalam niya.

"Bahalaka kung saan ka masaya." sabi ko sakanya at kinuha ang towel ko na nakasampay sa maliit na terrace ng cottage namin. Yumakap lang siya at masayang umalis na.

Nag isip ako ng mga pwedeng gawin. Kinuha ko ang biniling malaking towel ni Angge at inilatag ko sa buhangin. Humiga ako at di namalayang nakatulog na pala.

Napagising nalang ako dahil sa lansang naamoy ko at maingay na batang tawa ng tawa.

"Tata! Wake uuppp!! Hahahaha." Jhio.

"What?" malambing na tanong ko sakanya dahil ayaw niyang nasisigawan.

"Mary bihisan mo muna ang pamangkin mo para di lamigin." utos ni mommy. "Susunod pa lang kasi si Barbara kaya ikaw muna."

Tumayo na ako at napansin may white polo longs sleeve na nakatakip sa katawan ko. tinaas ko ang sunglasses ko at nakita si Primero na natutulog din sa buhangin sa harap ng cottage nila. Napangiti ako dahil napansin kong wala yung suot niyang puting polo. Parang tanga.

Kinuha ko na si Jhio at dinala sa cottage nila. Binihisan ko lang siya at pagkatapos ay lalabas na sana kami pero bumulong siya.

"Tita I hate Primero, he's always looking at you." bulong niya at lumabas na. Parang tanga din si Jhio e.

Paglabas ko ay nakaready na ang boodle fight. Ang bango ng mga pagkain. May buttered shrimp, labster, crab with sweetcorn, fried different kinds of fish with fried talong and boiled okra.

Pumasok ako sa cottage namin at hindi ko nakita si Angge. Anong oras na wala pa din yun? Paglabas ko ay nakasalubong ko si Primero. Tinignan niya ang buong katawan ko at napangisi. Ay suot ko pala yung polo hehe.

"Nakita mo ba si Maximo?" tanong niya.

"Hindi e, si Angge din nawawala." sabi ko.

"I knew it! Andiyan lang sila hayaan mo na. Tara na kain na tayo." hinawakan niya pa ang braso ko at sinama sa hapag kainan.

Nakatayo lang kaming lahat habang kumakain. Nagkukwentuhan, tawanan, nagsusubuan pa ang mga parents namin.

"Yuck corny ha!" natatawang sabi ni Dria. Natawa nalang din kami.

Napatigil ako sa pagtawa dahil may tumapat na kamay sa harap ko, may lamang kanina at ulam. Napalingon ako kay Primero at puno ang bunganga niya. Pansin ko ding nakangiti siya kaya kinain ko ang sinusubo niya.

Naghiyawan at nang asar naman ang mga parents namin. Si Chandria ay pumapalakpak pa na parang proud sa kuya niya.

"Nice one kuya! Good taste this time!" tumatawang sabi niya.

Habang nagliligpit ang mga boys sa pinagkainan namin ay inaya ako ni Chandria sa tabi ng dagat. Mag picturan daw kami. Pagdating namin doon ay inabot niya sa akin ang camera niya. Buti nalang magaling akong magpicture.

"Ate can you? please?" sabi niya sa akin.

"Yes naman no." nakangiting sabi ko. "Yaaan next pose!" sabi ko sakanya. Nakadami na kaming pictures noya kaya ako naman daw.

Habang pinipicturan niya ako ay napatingin ako kay Primero na nakatingin sa amin. Nakangiti ba siya?

"Ate gusto mo ba isama si kuya?" tanong niya. "Kuya come here!" sigaw nito at pinaypay pa ang kamay.

Naglakad naman agad tong si Primero. Hindi man lang tumanggi.

"Doon ka tabi kayo ni ate Aria." utos ni Dria sa kanya na ginawa naman niya. "Another pose please?" uto niya sa amin na ginagawa naman namin. Sa last picture ay bigla akong napatingin kay Primero. H-he's looking at me?

"Nice shot! Pre Nup yarn?" uyaw nanaman ni Dria.

Sumama si Primero na hanapin namin si Angge at Maximo. Si Chandria ay aayusin daw muna ang mga pictures para mapicturan ang mga parents namin. Habang naglalakad kami ay may mga lalaking bumabati sa akin.

"Are you uncomfortable with them ba?" nag aalalang tanong niya. Nginitian ko lang siya. Nagulat pa ako dahil inakbayan niya ako.

Habang naglalakad kami ay may nadaanan kaming babae na bigla nalang hinila si Primero pero di niya inalis ang hawak sa balikat ko.

"Hey you b*tch! You told me honey na business trip lang to! Why are you flirting with my boyfriend?!" malakas na sabi ni Gill. Inalis ni Primero ang hawak ni Gill sakanya at pinalikod ako. Nahhihiya na ako sa dami ng taong nakakakita at nakakarinig sakanya.

"Hey Gill, stop." mahinahon niyang sabi.

"Stop!? Are you baliw na ba ha!?" sigaw nanaman ng babae.

"I said stop." mahinang sabi ni Primero pero nang gigigil na ito.

"I'm sorry, I didn't mean na maakbayan ng boyfriend--" putol na sabi ko.

"I'm not his boyfriend." mahinahong explain sa akin ni Primero. Hindi ako tanga be. Baliw lang.

"Mauna na ako hahanapin ko pa ang kaibigan ko." paalam ko at naglakad na paalis.

Kakalakad ko ay nakalimutan kong may hinahanap pala ako. Padilim na pero na isipan ko pa ding umupo sa may mini bar dahil sa sakit ng paa ko.

"Yes ma'am?" tanong ng bartender.

"Best seller please." mahinang sabi ko.

Inabutan niya ako ng Tequila na may asin sa bunganga ng baso at lemon slice. Ininom ko yon. Ang guhit ng alak sa leeg ko ay binalik ang mga sakit simula kay Gael.

I thought Gael filled the missing part in my life. Not until he cheated on me. Grabe. And now I'm here again finding the missing part of me.

Nakadami na ako pero ayoko pa din bumalik doon. Umalis na ako sa mini bar dahil dumadami na ang tao. Naglakad lakad pa ako at nakita ko na si Angge at Maximo sa may tabing dagat. Gagi naghahalikan ba sila o lasing ako?

Lalapitan ko na sila pero may humila sa akin. He gave me a hug and hinahaplos pa niya ang buhok ko. Akala ni Primero di ko alam amoy niya? Gagawin pa akong kabit!?

"H-hoy! Primero Alcaraz hindi moko magiging kabit at hindi ako papayag! Gago ka!" sigaw ko sa pagmumukha niya at hinampas ang dibdib niya. "B-bitawan moko! Sasaktan mo lang din ako!" A tear fell on my chick.

"Hey stop crying, okay?" malambing na pagcomfort niya.

"A-akala mo ba hindi ako nasasaktan sa ginagawa mo ha?" sabi ko na humihikbi pa. "Ang lambing lambing mo sa akin pero kapag minsan ang lamig lamig mo!"

Hiniwalay niya ako sakanya at hinawakan ang pisngi ko para punasan ang luha ko.

"Hey stop crying, I will kiss you kung di ka titigil." pagbabanta niya.

"Hindi ko mapipigilan lumabas ang lu--" hindi na natuloy ang sasabihin ko.

Nagdampi ang mga labi namin. Ang lambot ng mga labi niya. Ang tamis. Ang daming paru-paro sa tiyan ko. He gave me butterflies in my stomach. And I love it. The missing part in my life, he's now filling it.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

LACUNAWhere stories live. Discover now