ar_verayo

49 1 0
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Pag-iiibigan sa Dekada 80 na si ar_verayo! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa winners ng Pag-iiibigan sa Dekada 80 na si ar_verayo! Mas kilalanin pa siya at malaman ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang iyong inspirasyon para sa iyong winning entry na "Sa Pagitan?"

"Pinaka nagtulak sa'kin sa pagsusulat nito ay ang kanta ng Ben&Ben na Ilang Tulog Na Lang. Sobrang dama ko kasi yung longing sa rito lalong lalo na sa line na, "Bukas, ang sulat ko'y iaabot, laman nito'y 'wag ilagay sa limot.Kalawakan ko ang 'yong kamay."With that in mind, nabuo ang kwento nina Jimwell at Toni."


2. Nais mo pa ba na ulit sumali sa mga susunod na contests?

"Yes na yes!! Gusto ko yung namomorblema ako paano ko iikutin yung prompt sa paraan na matatawag ko pa rin na "akin." Dagdag pa na nagiging practicing ground ko ito para makapag-explore. :">"


3. Ano ang iyong maipapayo para sa mga baguhang manunulat?

"Ang masasabi ko lang talaga ay... katulad niyo rin ako. AHAHAHA. Hindi kasi matatapos ang pagkatuto at pagdating sa pagsusulat mahirap talagang makuntento. Kaya ang choice nalang talaga na'tin ay sumulat lang ng sumulat with an open mind, with a little sprinkle rin ng kasipagan at lakas ng loob. Kavouge, 'stomoyon?"


4. Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat?

"Hmmm... everytime I start something pinaka goal ko talaga ay ma-mind fuck yung nagbabasa. Kumbaga, hindi lang basta ikwinento kundi pati yung readers dama nila na kasama sila mismong takbo ng kwento. Pero kung about sa mga planong isulat, someday I really wanna finish a novel talaga-- yung nakakabaliw XD."


5. Ano ang depinisyon mo ng Pag-ibig?

"Paiba-iba talaga definition ko depende sa mood hahaha. Pero ngayon, love is a breather, na sa ikinagulo ng buong mundo merong espasyong para sa'yo. Kung saan you can rest and be comfortable. Love also needs to be certain. Sigurado, hindi in a way na sigurado kang maibabalik yung nararamdaman mo, kundi sigurado ka sa tinitibok ng puso mo. Once na alam mo sa sarili mo na mahal mo ang isang tao, hindi ka na matatakot. There and then you can call a person "home."


6. Mayroon ka bang rules sa pagsusulat?

"As a pantser, wala po. Bukod sa basic grammar wala na talaga. Kaya rin nakakabaliw minsan pero okay lang, buhay pa naman ako hahaha!"


7. Mayroon bang kilalang tao na naging insipirasyon para sa isa sa iyong mga karakter? Sino ito at bakit?

"Actually... hindi siya kilala, as in sikat, pero I based Jimwell's character sa kakilala ko. Wala talaga kaming interaction nung sinusulat ko 'to, kumbaga sinulat ko si Jimwell based sa vibe na ine-exude niya, ganon. Kaya naman itong si Jimwell ay generally a guy na pwede mong makilala anywhere. Lalaking pinipilit magpakatatag dahil "lalaki" siya."


8. Ano ang iyong greatest fear bilang writer?

"Isa sa mga struggle ko sa pagsusulat ay hirap akong magpahayag. Like alam ko kung anong gusto kong mangyari pero it's really hard for me to paint a picture with words. Siguro dahil na rin sa limited vocabulary ko, masyado nang nasanay sa pag gamit ng "ano" ganon. Pero its normal naman e, siguro ang kinakatakot ko lang talaga ay ma-stuck at hindi magkaroon ng progress at all."


9. Ano ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin?

"I mostly write short stories and one of them is "Ligaw." Tungkol ito sa batang naghahanap ng tunay na kahulugan ng pag-ibig. Kung interested kayong magbasa, click here: https://www.wattpad.com/865410529-ligaw"


10. May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?

"Maraming salamat at napadpad ka sa mga isinulat ko! May snacks ako rito kaya kung gusto mo, pwede ka mag-stay at magbasa pa charot. Pero walang halong biro, thank you for your time and attention! :)"

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now