Miss_lesaghurl

4 0 0
                                    

Nagagalak ang RomancePH (2023 version) na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Remembering November Love na si Miss_lesaghurl! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.


1. Ano ang naging proseso mo upang makabuo ng maikling kwento sa prompt or tema na iyong napili?

Sinimulan ko ang lahat sa pag-unawa nang mabuti sa tema na ibinigay. Tsaka ko isinulat ang pagkakasunod-sunod ng mga maaaring eksena sa nasabing istorya. 


2. Ano ang paborito mong genre na isulat? 

Romance, Drama at Fantasy 

3. Ano ang iyong greatest fear bilang writer?

Isa sa mga pinakapinakinatatakutan kong mangyari sa akin bilang isang manunulat ay ang mahusgahan ako at ang aking mga akda. 

Bagama't batid ko na hindi ito maiiwasan, patuloy kong ginagawa ang lahat ng aking makakaya sa pagsusulat. 

 4. Ilang beses ka magsulat sa isang buwan? 

Nakadepende ito sa libreng panahon na mayroon ako dahil sa kasalukuyan ay isa akong mag-aaral kung kaya't mas maraming gawain akong ginagawang prayoridad.

 Gayunpaman, sinisikap kong makapagsulat ng kahit kaunti, sa loob ng isang linggo. 

5. Kung may sikat na writer kang gustong makita sa personal, sino ito at bakit? 

 Nais kong makita sa personal sina Binibining Mia (UndeniablyGorgeous) at si Demi Abilon (AnakNiRizal). Dahil sa loob ng ilang taon kong pagsusulat ay sila ang mga natatanging manunulat na nagbigay sa akin ng inspirasyon. 

6. Ano ang pinaka-challenging sa'yo bilang isang writer? 

Isa sa mga bagay na nahihirapan akong gawin ay ang pagp-promote ng aking mga gawa. Aminin ko man o hindi, madalas ay ikinahihiya kong sabihin o ibahagi sa iba ang aking kakayahan sa pagsusulat. 

7. Paano mo bini-build ang mga character ng bawat kwentong isinusulat mo? 

 Karamihan sa mga karakter na aking nabuo ay may tao at inspirasyon akong pinaghuhugutan. Madalas din na ibinabase ko ang kanilang mga katangian sa kung paano ako mag-isip at mag-resolba ng mga bagay-bagay. 

8. Sino ang iyong first celebrity crush? 

Paulo Avelino! 

9. Coffee or tea?

 Coffee! 

 10. Ano pa ang iyong akda na nais mong ibahagi sa amin?

 Sa ngayon, mayroon akong kasalukuyang isinusulat na nobela na may pamagat na "Tale of Enchanted Hearts" na tungkol sa pag-iibigan ng isang mortal at imortal na mula sa magkaibang mundo. 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 11 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now