HannahRedspring

19 1 0
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Golden Ticket of Love na si HannahRedspring   ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Golden Ticket of Love na si HannahRedspring   ! Basahin ang kanyang interview at mas kilalanin pa siya bilang isang manunulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ilang taon ka nang magsimulang magsulat? 

Nagsimula akong magsulat noong 2003. Thirteen years old ako no'n. Wala pang mainstream writing platform noon kaya notebook at ballpen lang ang gamit ko para magsulat ng kwento na lagi kong ipinapabasa sa mga kaibigan ko sa ibang section. 

2. Mayroon ka bang rules sa pagsusulat? 

Sa totoo lang, ayokong limitahan ang sarili ko na sumunod sa rules tulad ng ibang manunulat. Hindi ko naman sinasabi na huwag silang tularan, sa totoo lang mas maayos kapag may nasusunod kang schedule sa pagsusulat at pag-ooutline. Ilan lang naman iyon sa basic kong nakikita na ginagawa ng ibang manunulat. Dahil sa working na ako, wala akong definite schedule sa pagsusulat. Gumagawa ako ng outline bilang guide lang pero hindi rin naman iyon madalas na nasusunod. Ang sa akin lang siguro hangga't alam mo ang goal ng iyong akda, hindi ka maliligaw. Ang pagsusulat sa akin ay parang pag guhit ng isang obra; mahaba-habang oras ang ilalaan, pero kapag ito'y natapos na masaya ko siyang isasabit sa dingding at papabayaan kung paano bigyang kahulugan ito ng aking mambabasa.

3. Ano ang unang pumasok sa iyong isip nang mabasa mo ang tungkol sa patimpalak at ang tema nito? Ano ang nag-udyok at naging inspirasyon mo para maisulat ang Reignited? 

 Sobra akong naging interesado sa tema dahil isa akong working adult; hindi man ako ang boss tulad ng aking bida sa Reignited, pero naging inspirasyon ko ang isa sa tinitingala kong supervisor sa aking trabaho na tutok sa kanyang mga tao. Bihira ang ganoong tao na kahit pa may pusisyon siya sa isang kumpanya ay talaga namang inaalagaan niya ang kanyang nasasakupang tao. 

Minsan ay nakakalimutan na niya ang sarili niya sa pag-alalay sa amin, madalas siyang mag OT at nakikita ko naman sa araw-araw kung gaano siya napapagod na minsan ay hindi nakikita ng mga tao sa paligid niya. Hindi porket boss/supervisor ka, madali lang ang trabaho mo. Sa katunayan, mas mabibigat ang hinahawakan nilang responsibilidad para lang panatilihing matatag ang kanyang nasasakupan. Ginawa ko ito para sa mga taong katulad niya na sana ay mabigyan ng break kahit minsan lang dahil deserve nila iyon.

4. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na mabuhay sa isa sa mga kuwentong naisulat mo, alin ito at bakit? 

Pinakamalapit sa akin ang kwentong The Spectrum of LIFE dahil ito ang kauna unahang kwentong sinulat ko mula pa noong 13 pa ako. Masarap balikan ang pagkabata at dito sa kwentong ito makikita kung gaano nahirapan ang isang teenager mahanap kung saan siya nabibilang sa mundo. Ang kwentong ito ay hindi lang nakatutok sa isang tao kundi sa iba't-ibang klaseng kabataan na makakasalamuha mo pa rin hanggang sa panahon ngayon. Iba't-iba man ang kani-kanilang antas sa buhay, makikita ang isang punto sa kanilang buhay na sila'y hindi magkakaiba dahil may koneksyon na nagbubuklod sa kani-kanilang buhay. 

5. Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat? 

Ang goal ko sa pagsusulat ay ang mag-iwan ng legacy at inspiration sa susunod na henerasyon. 

6. Kung may nais kang marating na lugar, saan ito at bakit? 

Sa totoo lang, gustong-gusto kong makarating sa Japan dahil matagal na akong nabibighani sa kanilang kultura na mula pa noon hanggang ngayon ay kanilang pinaka iniingat-ingatan kahit pa nagdaan na ang ilang taon kung saan umunlad na rin ang kanilang imprastraktura at teknolohiya. Gusto kong maranasan kahit pa minsan ang mamuhay doon kung saan ang lahat ng tao ay disiplinado at maayos ang pamamalakad, siyempre huwag na natin kalimutan ang iba't-ibang lugar na pwede nating bisitahin habang tayo ay nando'n.

7. Sino ang iyong current celebrity crush?

 In terms of internalizing a character, siguro ang masasabi ko dito ay si Johnny Depp. 

8. Favorite food? 

 In terms of internalizing a character, siguro ang masasabi ko dito ay si Johnny Depp. 

9. Ano ang iyong greatest pet-peeve? 

One thing I find annoying about myself is when I reread my work, may habit ako na laitin yung sarili kong gawa. Lait muna, then revise, tapos edit... hinihiling ko sa sarili ko na hindi na i-repeat iyon. LOL. But I also find it a good thing kasi bago makita ng iba ang pagkakamali mo, maaayos mo na iyon agad bago pa nila mapuna. Ika ko nga sa sarili ko, 'You're an ongoing revision of yourself' hindi ka perpekto. Pero na sa iyo na lang kung mas pagbubutihan mo pa ang iyong sarili, hindi lang sa pagsusulat kundi pati na rin sa iyong buhay. :)

10. May mensahe ka ba para sa iyong mambabasa?

Huwag kang panghinaan ng loob. Magsulat ka lang ng magsulat hangga't may kwento kang gustong ipamahagi sa iyong kapwa. Gawin mo ito para sa sarili mo. God Bless You and may your stories inspire others.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now