Lureylie_new

133 8 0
                                    


New day, new interview with the one and only Lureylie_new!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

New day, new interview with the one and only Lureylie_new!

1. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng iyong winning entry para sa Ang Lagim ng Unang Pagsinta? 

 - I'm a huge fan of horror and love stories kaya ito marahil ang nag-push sa akin na gumawa ng entry. At dahil na rin siguro sa active pa ang isip ko sa writing prompts, kaya sinubukan kong muli ang challenge. Buti na lang, nanalo ulit. :)

2. Ano ang iyong naging reaction nang malaman mo na nanalo ang iyong akda? 

- To be honest, nasa pagluluksa ako dahil namatay ang aso namin due to distemper. Sobrang nagulat ako. Hindi ko na kasi ito hinintay pa. Kaya nang binalitan ako ng kaibigan ko na nanalo ako, I looked at it right away, and yes it did make my day so fine. :)

3. Mayroon ka bang Wattpad Story na gusto mong ibahagi sa amin? Tell us about it.

 - Yes! The title is Catnap. Kwento ito tungkol kay Carlos na ayaw umalis sa comfort zone niya, satisfied na siya hanggang sa nakilala niya si Luna, maitim na pusa at dinala siya sa masaya, magulo, maingay at mapanganib na mundo ng kalye. Sa mga hilig sa pusa dyan, paniguradong ma-eenjoy ninyo ang kwento ni Carlos at the same time ma-rerealize ninyong bawat hayop ay may karapatang mabuhay at magkaroon ng taong mag-aaruga sa kanila. Mahalin natin sila kasi wala nang magmamahal sa kanila kung hindi tayo lang. 

4. Mayroon ka bang maibibigay na tips o kaya naman advice sa mga batang writers? 

-PUT YOUR HEART IN IT. Kapag nagsusulat tayo, lagyan natin ng puso ang ating mga likha. Foundation kasi 'yan. Kapag walang puso, madalas hindi natatapos, madalas nagiging sabaw. We need to add "love" on what we are writing to unleash the beauty in those words. Pansin mo kapag masaya ka, may gana ka at handa kang mag-isip marami kang naisusulat? Cuz you love what you are doing. Gusto mo ang ginagawa mo. BREATH A WHILE. Kapag wala ka nang maisip, wag kang tumigil sa pagsulat. Instead, magpahinga ka. Humanap ka ng inspiration. Quitting will never win, hinga ka lang, matulog, kumain at maglakad-lakad. Pag-uwi mo, for sure may lalabas nang better idea dyan sa isip mo :) 

5. Take us to the first time na sinubukan mong magsulat. 


 -It was when I was in highschool. Addict na addict ako sa Meteor Garden kaya sa bawat episode na pabitin, nagsusulat ako ng possible scene na mangyayari. Hindi ko alam na Fan fiction na pala iyon. Gamit ang ballpen at yellow paper, masipag kong isinusulat iyon at ikinompile ko sa isang folder. Napansin iyon ng kaklase ko kaya binasa niya. At dahil fanatic na siya dati sa mga poems ko at short stories, ipina-photocopy niya iyon at binasa-basa sa bahay. Simula noon, naisipan ko nang gumawa ng long short stories hanggang sa nakuha ako sa school as a feature writer. :)

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now