dullgrae

20 1 0
                                    

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Lovingly Yours, Cupid na si dullgrae! Ating kilalanin at alamin ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito.

Nagagalak ang RomancePH na ibahagi sa inyo ang aming interview kasama ang isa sa mga winners ng Lovingly Yours, Cupid na si dullgrae! Ating kilalanin at alamin ang kanyang proseso sa pagsusulat sa interview na ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

1. Ano ang unang tumakbo sa isipan mo nang mabasa mo ang tungkol sa patimpalak at ang tema nito? Ano ang inspirasyon mo sa pagsulat ng Memories You Bring: Test for Love?

Sa totoo lang po, gusto ko pong magkaroon ng experience sa pagsali sa mga ganitong patimpalak sa Wattpad. Iyon lang ang una kong naisip nang malaman at mabasa ko ang tungkol sa patimpalak na ito. Sumunod ay naisip ko ding i-challenge ang sarili kong gumawa ng kuwentong naaayon sa temang ibinigay.

Sa pagsulat ko ng Memories You Bring: Test for Love, hinayaan ko lang ang sarili kong mabuo ang dalawang kuwento nang hindi ko masyadong iniisip kung paano ko nga ba sila bibigyan ng magkaibang ending (isang masaya at isang malungkot) kaya hindi ako sigurado kung ano nga ba talaga ang naging inspirasyon ko sa paggawa nito. Naging challenging kasi ito sa akin bilang isang baguhan na manunulat at ito ang magandang nangyari sa pagsali ko dito. Siguro, naging inspirasyon ko po 'yung idea about "letting go" at "acceptance" na highlight ng dalawang stories. Kasi para sa akin, ganoon kapag nagmahal or nagmamahal. Kailangan mong bumitaw kung iyon ang dapat. Kailangan nating tanggapin ang katotohanan at piliing huwag maging makasarili upang wala nang masaktan pang iba. Tulad ng sa kuwento, nasa desisyon natin ang susunod na hakbang sa ating buhay. At doon natin malalaman kung naging tama o mali ba tayo sa pinili natin.


2. Ilang taon ka nang magsimula kang magsulat? Kailan ka nagsimulang magsulat dito sa Wattpad?

Nagsimula akong magsulat ng mga kuwento mula grade 8, noong nahilig din akong magbasa. Siguro ang nagtulak sa'king gumawa ng kuwento ay ang mga kilalang manunulat dito mismo sa Wattpad. Naastigan lang ako sa taba ng utak nila dahil nakakagawa sila ng magagandang stories. Nagsimula akong magsulat dito sa Wattpad, siguro grade 9 na din. Doon lang ako nagkaroon ng courage magdraft at magpublish ng story.


3. Ano ang iyong greatest fear bilang writer?

Ang pinaka-kinatatakutan ko bilang isang manunulat ay ang 'what ifs'. What if hindi nila magustuhan? Sa ilang years ko nang nagsusulat dito sa Wattpad, pakiramdam ko, nagsisimula pa rin ako. So what if wala akong mapala? But then I still wanna keep trying and exploring. I still wanna believe there will be a chance. Just keep practicing, writing, and exploring so I could grow.


4. Coffee or tea?

Coffee! At 3pm, I need that. Sa hapon kasi nagsisimula ang araw ko hahaha. Para sa'kin po kasi, mas ginaganahan ako or nagiging productive ako sa hapon hanggang gabi.


5. Ano ang iyong greatest pet-peeve?

Ang pinakaayaw ko po ay 'yong usok ng sigarilyo at spoilers.


6. Ano ang paborito mong pagkain?

Marami, basta luto ni Mama. Pero special talaga sa'kin ang adobong paa ng manok, chicken curry, at pritong itlog.


7. Ano pa ang iyong goal sa pagsusulat?

Goal ko po sa taong ito ang makatapos pa ng ilang novela. Books na nasa 40k-100k or above ang word count.


8. Mayroon ka bang rules sa pagsusulat?

Wala po akong masyadong rules sa pagsusulat. Wala akong specific schedule para sa mga libro ko. Nag-uupdate lang ako tuwing masasapian ng kasipagan at if puno ng ideya ang utak ko. Nag-try po akong gumawa ng sched or deadlines pero hindi effective para sa akin. Kasi ayoko din 'yung nirurush ko 'yung content ng chapters ko. Kung sa usapang system ng pagsusulat, nadiscover ko po 'yung paggagawa muna ng brief summary, then complete plot structure para guide ko, especially kapag may writer's block.


9. Ano ang iyong maipapayo sa ibang manunulat?

Sa tingin ko, hindi pa ako ganoon kabihasa sa pagsusulat pero base sa nararanasan ko bilang isang nageexplore pa rin na manunulat, ang maipapayo ko sa ibang manunulat ay huwag matakot na tumanggap ng challenges sa pagsusulat. I'm still doing it, challenging myself and yet para sa maikling panahon na pageexplore ko, nakakakita na agad ako ng improvements. And one of my achievements was this. To receive a recognition. At nagpapasalamat ako dahil ito ay nagsisilbing motibasyon ko sa pagsulat. Nakita ko na kaya ko pang mag-improve. Just keep writing like we always say. Challenge yourself and keep exploring. We will grow together.


10. May mensahe ka ba para sa iyong mga mambabasa?

Sa mga mambabasa ko, maraming salamat po! Most of you are silent readers but expressing how much you liked my stories would mean so much to me. Open din po ako for constructive criticisms. I appreciate any valuable comments about my works as a rookie. Maraming salamat po sa pagbabasa at pagtangkilik sa aking mga kuwento. I hope na magkaroon po ako ng chance na makapag-interact sa inyo. Maraming salamat po sa inyo!

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now