InfiniteFlameyy

101 4 0
                                    


Let us all watch the room light up with InfiniteFlameyy's fire!

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Let us all watch the room light up with InfiniteFlameyy's fire!

1. Ano ang naging inspirasyon mo sa pagsulat ng iyong winning entry para sa Ang Lagim ng Unang Pagsinta? 

-Ang naging inspirasyon ko ng aking pagsusulat ay ang mga kwento narin na aking nababasa na tampok mismo ang katunayan tungkol sa ating buhay na minsa'y nagtatapos na isang malungkot na kwento. Ang isang inspirasyon rin ng paggawa ng kwento ay ang mga aspiring writers mismo na inilaan ang kanilang dugo't pawis sa bawat kabanatang kanilang isinulat o maikling kwento.

 2. Ano ang iyong naging reaction nang malaman mo na nanalo ang iyong akda? 

-Una, wala akong kaide-ideya kung kailan i-aanunsyo ang mga nanalo dahil minsan lamang ako online. Nang umuwi ako galing sa paaralan, agad kong binuksan ang wattpad app at syempre ako'y nagulat kasi hindi ko inaasahan na mananalo ako. Masaya ako sa aking natanggap na biyaya kasi sa totoo lang, wala talaga ako tiwala sa pasyon ko sa pagsusulat ng kwento dahil sa mga opinyon ng mga taong nakapaligid sa akin na hindi makakatulong ang pagsusulat ng kwento sa aking buhay.

 3. Mayroon ka bang Wattpad Story na gusto mong ibahagi sa amin? Tell us about it! 

-Ang wattpad story na gusto kong ibahagi sa inyo ay ang "Cold Wind" dahil ito ang unang kwentong supernatural na may slight horror genre. Iyon ang first genre na ginamit ko para naman may ma-experience ako sa mga bagay-bagay.

 4. Mayroon ka bang maibibigay na tips o kaya naman advice sa mga batang writers? 

-Ang tips ko lamang sa mga batang writers kagaya ko kasi 14 pa ako ay huwag kang magpapadala sa opinyon ng iba. Huwag mo rin hihilain ang iyong sarili pababa at manalig lamang na kaya mo ring magsulat ng kwento. Naniniwala ako sa isang kasabihan na "Chase your happiness, because your happiness will never chase on you." Maraming hadlang sa buhay at lahat natin naranasan iyon na minsan mahahadlangan nila ang ating kasiyahan. Kung saan ka masaya, doon ka pumunta dahil hindi ka magsisisi sa huli. Tsaka magsulat ka rin ng buong puso at damhin ang bawat isinusulat mo.

 5. Ano ang iying definition ng Wattpad success?

-My definition of wattpad success is "A Faith in your passion and hardwork to earn, an accomplishment will come because you really deserve it and don't lose hope because before success, there's a process called learnings.

Writer's CatalogWhere stories live. Discover now