Chapter 3

51 4 0
                                    

Mabilis na lumabas si Alondra sa sasakyan at hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng driver na si Mang Berting.Dahil labis na ang kahihiyan na nararamdaman niya sa mga ito dahil kung ituring siya ng mga ito ay para din siyang amo.

Kung gaano namangha si Alondra sa mga mansiyon ng Del Mundo mas lalo yata siya namangha sa mataas na building na nasa harapan niya.

"Grabe ang taas naman ng building na ito ilang palapag ba ito?"tanong nito sa sarili.

Naglakad si Alondra papasok sa building at sinaluduhan siya ng security guard.

"Goodmorning po Manong guard",bati ni Alondra.

"Goodmorning din po Ma'am ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo ",magalang na sabi ng guard dito.

"Saang floor po dito ang opisina ng CEO pinadala kasi ako ni Don Manuel dito",magalang at deretso din na sagot ni Alondra dito.

"Ganun po ba Ma'am ikaw siguro ang sinabi ni Don Manuel na maging bagong secretary ni Boss Z.Sige po Ma'am pasok po kayo at magtanong po diyan sa receptionist sa loob para maihatid kayo sa opisina ni Boss Z",nangingiwi na sabi ng guard sa tuwing sinasabi ang pangalan ng kanilang Boss.

"Boss Z?"nagtatakang sambit ni Alondra iyon ba ang pangalan ng magiging boss niya.


"Nainform na pala sila ni ni Don Manuel nakakahiya tuloy,"bulong ni Alondra sa sarili.

Ngumiti muna siya sa gwardiya bago pumasok sa building akmang tatalikod na sana siya ng magsalita uli ang gwardiya.

"Goodluck po Ma'am.Sigurado ako tanggap kana agad ni Boss Z dahil sa gandang mo iyan at saka recommended ka ni Don Manuel,"pahabol nitong sabi.

Nginitian nalang ni Alondra ang gwardiya at naiiling na naglakad papunta sa front desk para magtanong.


Pagkapasok palang sa loob nalula na siya sa kanyang nakita.Sobrang ganda ng mga pagkakagawa ng mga desenyo sa paligid.The arrangements of the front desk at mga upuan sa lobby ay halatang sosyalin.

"Wow lobby palang social na paano pa kaya ang mga ibang palapag dito parang nasa five star hotel ako",wika ni Alondra sa sarili.

Akmang magtatanong na sana si Alondra ng biglang nagsilabasan ang mga receptionist at naglinya ang mga ito sa harapan niya.

"Wow grabe ganito ba sila magsalubong sa mga bagong empleyado ang social naman.I'm so impress",namamangha at pasocial na sabi ni Alondra.

"Hoy..miss anong ginagawa mo diyan at pawave wave ka pa",narinig ni Alondra na sabi ng isang babae sabay hila sa kanya para sumama sa hanay nila na nakalinya.

Napahiyang nagkamot si Alondra sa kanyang ulo.Nagulat pa siya ng biglang hawakan ng babae ang kanyang ulo at pinayuko ito.

"Yumuko ka parating na si Boss Z ",sabi ng babae kay Alondra.

"Boss Z sino siya kanina nabanggit din siya ng gwardiya sa akin",sabi ni Alondra sa babae.

"Hinaan mo boses mo basta yumuko ka nalang hanggang makapasok si Boss Z sa elevator",pabulong na sabi na babae.

Walang nagawa si Alondra kundi gumaya din sa mga employees na nakahilerang nakayuko.

"May darating ba na hari at kung makasaludo ang mga employees dito parang sumasamba sa bagong hari nila",nakalabi na sabi ni Alondra sa sarili.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now