Chapter 14

27 3 0
                                    

Lahat ng mga nakasaksi sa nangyari sa loob ng canteen kanina ay hindi makapaniwala. Una pa lang nagtaka na sila kung bakit andun ang boss nila na si Zandro. Sa halos ilang taong nilang pagtatrabaho iyon palang ang kauna unahang beses na nakita nila na pumasok ang boss nila sa kantina ng building at umupo pa doon.

Mas lalo nilang kinagulat ang ginawa ng kaibigan ng kanilang boss na si Sir Alexander kay Miss Sasha. Nagtataka man sila kung anong relasyon meron sa kanilang dalawa. Siguradong walang magtatanong dahil wala silang magawa kundi ang manuod nalang at manahimik dahil isa sa pinakaayaw ng kanilang boss ay ang pagkakalat ng stismis.

"Sumama ka ng mahinahon or I will kiss you again in front of all this people. Choose cleverly honey," mga katagang nagpatahimik kay Alondra at nagpahinahon sa kanya nang marinig ang sinabi ni Zandro.

Nakanguso ito at parang bata na naglakad pauna kay Zandro paalis ng canteen. Papasok na siya ng elevator ng biglang hinablot ni Zandro ang kanyang kamay.

"Ano na naman ang problema mo boss? Ito na nga oh sasakay na ako ng elevator pabalik sa floor natin."

"Your not going to ride in that elevator!"sagot ni Zandro.

"Eh saan ako dadaan? Don't tell me boss sa hagdan mo ako padadaanin. Ang layo ng floor natin galing dito sa canteen,"pagsusuplada at pagrereklamo niya dito.

"If I remind you Miss Alondra I am your boss her you don't have a right to argue with me. Huwag mo din ako daanin diyan sa pagsusuplada mo at panguso nguso at baka, at baka makaround 3 na naman tayo. Remember the rules."

"Ngayon ba na araw naging opisyal ang rules na 'no pouting ',agad agad walang evaluation na naganap. Sobrang baliw talaga ng boss niya na ito,"anang isip ni Alondra.

"Eh saan ako sasakay?" tanong nito sa boss niya.

"Pwedi din sa akin kung gusto mo," nakakaluko nitong ngisi sabay bulong sa tainga ni Alondra.

"Alam mo boss ang bastos mo talaga. Akala ko magnanakaw ka lang,a little bit na baliw,mahangin, pervert ka din pala boss?"walang prenong sabi nito pero namumula na siya dahil sa sinabi ni Zandro.

"Sige dagdagan mo pa ang pang iinsulto mo sa akin at nililista ko iyan sa utak ko. Every curse, you need to pay me. Kaya sige lang murahin mo lang ako ng murahin basta kapag ako naningil lagot ka,"sabi nito sabay kindat kay Alondra.

Natameme si Alondra dahil sa sinabi ng boss niya. "Ano na naman kaya ang tumatakbo sa utak nito."

"Come we need to use this elevator,"sabi nito at naglakad papunta sa kabilang elevator.

"Okay po boss, "tanging sagot nito ayaw na niya makipagbangayan sa boss niya.

Napatigil saglit si Zandro mukhang naging masunurin yata si Alondra ah. Nagpatiuna ito para sumunod ang dalaga sa kanya. "This elevator is connected to our office floor. Kaya mula ngayon pwedi mo na ito gamitin. No need to use stairs in the other floor."

"Okey boss thanks, "nakanguso nitong sabi.

Nang nasa loob na sila ng elevator biglang namayani ang sobrang katahimikan. Pakiramdam ni Alondra at Zandro kahit sarili nilang hininga ay naririnig nila dahil sa sobrang tahimik ng lugar. Naging awkward tuloy ang pakiramdam ni Alondra kaya napa urong ito sa bandang likod. Hindi mapakali si Alondra dahil amoy na amoy niya ang pabango ng lalaki lalo pa kanina ng katabi niya ito.

"Ohh,tukso layuan mo ako,"sambit nito sa sarili.

Tumikhim si Zandro para makuha ang atensiyon ni Alondra. Kahit siya din naman na awkward sa sitwasyon nila. Dati kahit ilang babae pa ang kasama niya sa elevator wala siyang pakialam. Pero bakit ngayon na si Alondra lang kasama niya hindi siya mapalagay parang anytime gusto niya halikan ang babae.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now