Chapter 6

46 3 0
                                    

Hindi maintindihan ni Zandro ang nararamdaman niya mula pa kanina ng harapan na nakita at nakausap si Alondra.Para itong namamagnet at lagi sinusulyapan ang dalaga.Bukod sa kasimplehan nito na walang masyadong kolorete sa mukha na lubos  nagpapahanga sa kanya.Hindi tulad sa mga babaeng kilala niya na halos ubusin na ang make up sa kalalagay sa mukha para magmukha itong maganda.Samantala si Alondra tanging pulbo lang ata at lipstick ang nilagay nito pero nangingibabaw parin ang ganda ng dalaga.Mas higit na nagpapabaliw sa kanya ay ang natural nitong bango na kanina niya pa gusto amoyin. Sadyang nagpipigil lang talaga siya at marahil dala din ng pride niya kaya ayaw niya magpahalata dito at baka mapahiya lang siya uli.

Sa totoo lang kasi kahapon niya pa nakita ang dalaga ng umuwi siya sa kanilang mansiyon habang papunta ito sa veranda para tanawin ang kanyang ama.Nagtataka kasi siya kung ano ang pinagkakaabalahan ng kanyang ama sa halos isang buwan na lagi itong busy at panay ang alis at sinasama lagi si Mang Bitoy sa pagbabyahe na hindi naman nito madalas gawin.Mas gusto ng ama niya ang manatili lang sa opisina nito sa bahay kesa magliwaliw sa labas.Tulad niya pinalaki ng mga magulang niya ang kanyang ama at iminulat sa pagnenegosyo ang isipan nito sa kadahilanan na pareho silang nag iisa lang na anak at tagapagmana ng mga negosyo ng kanilang pamilya.Kaya Minsan hindi na ito lumalabas sa kanyang opisina kaya nagtaka talaga si Zandro kung ano at saan pumupunta ang kanyang ama.Kaya nang mabalitaan niya na umalis ito ng araw na iyon kasama si Mang Bitoy agad siya umuwi sa mansiyon nila.Nabigla siya ng makita na kasama nang kanyang ama si Alondra at dahil sa pagkataranta niya bigla itong nagtago sa gilid ng veranda at dahan dahan na bumalik sa kwarto niya.

Ang daming katanungan sa isip niya kung bakit magkasama ang kanyang papa at ang babaeng matagal na niyang pinapahanap.Na sa kasamaang palad ay walang nakakakilala  dito sa lahat na pinagtanungan nila sa Dark Knights Club.Mukhang dayo yata ang babae o baka naimbitahan lang ng araw na iyon.Naalala niya pa ang sagot ng isang bartender na napagtanungan niya.Nakadisguise siya ng araw na iyon halos mag isang linggo na mula mangyari ang aksidenteng iyon sa club ngunit wala paring balita na natanggap si Zandro mula sa  taong inupahan niya para hanapin ang dalaga.Kesa humingi ng tulong sa mga kaibigan niya na siguradong pagtatawanan lang siya ay mas minabuti niya nalang na siya ang gagawa ng paraan para hanapin ito.

"Sir Zandro hindi po talaga namin kilala ang babaeng hinahanap niyo eh.Nang gabi lang din na iyon namin Siya nakita.Hindi rin nakalista ang pangalan niya sa mga VIP na costumer ng DK Clubs kaya ang hula namin baka invited lang siya ng isa sa mga member.Pero mahirap kasi tukuyin Sir kung sino ang nag imbita sa kanya kasi maraming tao ng gabing iyon,"pabulong na sabi sa kanya ng isang bartender.Bawal kasi magbigay ng kahit anong personal information sa Dark Knights Club patungkol sa mga guests na dumadayo doon.

"Sino sino sa palagay mo ang maaring nag imbita sa kanya ng gabing iyon.Hindi ba may mga listahan kayo ng mga VIP card holder ng DK Clubs baka pwedi mo malaman ang information na hinahanap ko.Babayaran kita kahit magkano gusto mo maibigay mo lang ang information na iyan sa akin,"pangungumbinse nito sa kay Alex Ang bartender na ngayon ay kausap niya.

"Sir Zandro alam mo namang bawal magbigay ng mga ganyang information dito sa Dark Knights Club isa po iyan sa strict rules dito baka po masisante ako kapag nalaman ng mga boss ang ginawa ko,"pakamot kamot na sabi ni Alex sa kanya.

Huo alam ni Zandro na mali iyon sa patakaran ng DK Clubs pero kung iyan lang ang paraan para mahanap niya ang dalaga gagawin niya.Naiinis din siya sa kanyang sarili bakit ba kasi malaking big deal na makita niya ang  babaeng iyon.He spend his time and money just to find that amazona girl.Nababaliw na yata siya eh.Hindi niya din alam kung ano ang dahilan kung bakit siya ganun kainteresado sa babae dahil ba sa lahat ng babae ito lang ang pinahiya siya at umayaw sa kanya.Baka naman dahil nachachallenge siya dito dahil sa wakas may tumanggi sa kanya.Nasanay kasi silang magkabarkada na sila ang nilalapitan ng mga babae.
Muling napukaw ang malalim na pag iisip ni Zandro ng magsalita si Alex.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now