Chapter 12

33 2 0
                                    

Lahat ng mga nangyayari sa labas ay nakikita ni Zandro dahil sa CCTV cameras monitor na naka attach sa kanyang laptop at maging sa kanyang cellphone.

Nakita niya ng sunduin ni Sasha si Alondra para maglunch. Napangiti pa siya ng biglang naiba ang timpla ng mukha ni Alondra ng banggitin ni Sasha kung ano laman ng supot na hawak niya.

Nang tumingin uli ang binata sa monitor kita niya na suot na ni Alondra ang damit na inorder niya para dito.

"Perfect,"sabi ni Zandro. Kahit ano ata ang isuot ng dalaga lulutang parin ang ganda nito. Sa totoo lang naman kasi hindi naman revealing ang suot na damit ni Alondra sadyang nasabi niya iyon kanina dahil sa sobrang hapit sa katawan ng babae ang suot niya at baka ma out of fashion siya at pagtitinginan siya ng mga kapwa niya employees dito. Kaya naisipan niyang orderan ito ng damit na pampalit. Dahil din sa nakosensiya siya sa ginawa niyang pagkuha ng panty nito kaya inorderan niya na rin ang babae.
Hindi naman niya talaga sinasadya ang ginawa kanina kaso nadala na siya ng kanyang damdamin.  Kung papayagan nga lang siya na halikan lagi ang babae siguro everytime na magkita sila ay gagawin niya. His really so addicted to Alondra lips. Kahit nga sarili niya ay hindi niya maintindihan kung bakit siya ganun. Kapag nakikita niya si Alondra lagi siya napapatingin sa mga labi nito.
Hindi niya alam pero parang nagayuma ata siya mula ng gabing iyon sa Dark Knights Club.

Flashback if what really happen to Alondra ang Zandro in Dark Knights Club.

Biernes ng gabi dahil weekend kinabukasan nagyayaan ang magkaibigan na sina Trixie at Alondra kasama din ng mga ibang katrabaho nila sa raket na pinapasukan ni Alondra. Nakilala ni Alondra si Trixie ng minsan ipinalit ito sa  isang model na hindi dumating sa fashion nights na ang main celebrity model noon ay si Trixie. Trixie Marie De Los Santos is one of the well known model celebrities in Philippines. Super sikat ito at in demand sa iba't ibang brand ng mga damit bilang model. Pati sa mga pabango mabinta din ang dalaga. Mas lalo na sa mga beauty products at advertisement sa television lagi mo makita ang magandang mukha ng dalaga. Napakaswerte nga ni Alondra at naging kaibigan niya ang dalaga. Mabait ito at hindi mayabang kaya mabilis silang napalapit sa isa't isa. Alondra is not a bar or clubbing type of woman kaya super tanggi siya ng yayain ito ni Trixie. Dahil Ang tanging pokus lang naman ng ni Alondra ay ang makapagtrabaho para may kikitain siya at may maibigay sa mga magulang niya pagkauwi ng Bahay dahil kung hindi baka masabunutan na naman Siya ng kanyang Mama. Pero kahit anong tanggi niya ng gabing iyon sa dulo napapayag din siya dahil mismong si Trixie Ang tumawag sa kanyang Ina para pagpaalam ito. Si Trixie din ang magbigay sa kanya ng damit na isusuot niya. Dahil nakaayos na ang lahat at handa na for clubbing gumayak na sila. Nakisakay si Alondra sa kotse ni Trixie at ng maphinto sila sa club na tinutukoy ni Trixie. Nanlaki ang mga mata nito sa pagkamangha.

"Trix bestie,club ba talaga ito o isang high class restaurant?"namamangha nitong sabi. Ang mayayaman talaga daming sorpresa sa buhay. Club na sa unang tingin akalain mo isa itong restaurant super classy ito at mukhang mayayaman lang ang pwedi dito. Nginitian lang siya ng kaibigan.

"Mas luluwa ang mata mo beshie kapag nakita mo ang loob,"natatawa nitong sabi.

Nakita ni Alondra na may binigay si Trixie na parang golden card sa gwardiya at agad silang pinapasok ng mga ito. Napapa wow nalang talaga si Alondra sa mga nakikita niya habang hila hila siya ni Trixie sa kamay papunta sa isang kwarto. Akala ni Alondra na pagpasok niya kanina ay iyon na ang bar kasi nakikita niya ang bar counter sa kilid ito na may iba't ibang klaseng inumin at waiter or barista ata ang tawag doon na nasa counter at nagseserve ng mga inumin sa costumer. Pagtingin niya sa gitna nakita niya ang mga taong nagsasayawan sa isang sexy music na pinapatogtog at ang iba mukhang may mga tama na ata ng anak.
Habang paakyat sila kanina sa second floor nadaanan pa nila Alondra ang isang magkapares na nag make out sa bandang baba ng hagdan na siyang dahilan ng pagngiwi ng dalaga. Pero para sa mga mahilig sa bar parang normal lang na gawain ito sa kanila. Ngunit sa tulad ni Alondra at Trixie kahit sabihin na hindi na inosente ang mga utak nila sa tawag na sex. Pero never been touch pa silang dalawa kahit nagka boyfriend na siya dati. Hanggang holding hand lang ang nagawa nila ni Matias. Hindi nga ito nakahalik kahit sa pisngi niya na siyang pinasalamat niya dahil hindi naman karapat dapat ang isang tulad nito na pagbigyan ng halik.
Pagkapasok nila sa loob ng kwarto agad siyang giniya paupo ni Trixie sa gilid kung saan meron lang nag iisa na upuan at hindi pweding tabihan ng kahit sino. Isa iyan sa mga ugali ni Trixie na labis na hinahangaan ni Alondra ang pagiging protective nito sa mga kaibigan niya lalo na sa kanya na best friend ang turing. Para kay Trixie mas mabuting magmahal ng isang kaibigan kesa lubos na magmahal ng isang lalaking lulukohin ka lang pala. Trixie being betrayed by her boy bestfriend  akala niya mahal siya nito ng umalis ito papuntang ibang bansa. Kaya naghintay ito ng halos dalawang taon hanggang makabalik ang lalaki ngunit nasorpresa siya ng bumalik ito ay may kasintahan na nadala. Sobrang awa siya ng nagkwento si Trixie sa kanya habang lasing ito.
"I love him and I can do everything just for him.Even my life I can offer to him just to let him love me but his answer is no. He tell me bestie that he love  but just a bestfriend and not a woman  that he can spend his whole life,"sabi nito habang nag uunahan ang pagpatak ng luha sa kanyang mga mata.
Doon napatunayan ni Alondra na kahit anong ganda at yaman mo hindi lahat ay makukuha mo kahit ang kaisa isang hiling ng iyong puso ay hindi mo mabibili tulad ng pag ibig. Kaya naman kapag tumatawag ito sa kanya para humingi ng tulong lagi itong nasa rescue pero kung minsan na nasa work siya at hindi makakapunta mini-message niya talaga ito at kapag bakante na ang oras niya saka niya ito pupuntahan.
Katulad sa ngayon hindi na siya nakatanggi lalo pa at birthday niya ng araw na ito. Masaya silang nakaupo ng biglang may pumasok na isang waiter at may dala dala na tray ng alak pabirthday daw ng may ari  para sa kaibigan. Kumanta pa sila ng happy birthday song para kay Trixie saka nagsikuha ng isang Bash ng wine at nagcheer para sa dalaga. Napansin ni Alondra na kanina pa nakatingin si Mark sa kanya isa sa mga male model na kasama ni Trixie. Nang mapansin siya nito ngumiti ito at kumindat sa kanya. Kaya medyo na awkward ng kunti si Alondra. Nagpaalam ito kay Trixie na lalabas muna para magbanyo. Nakahinga siya ng maluwag ng makalabas siya ng pinto.
"Mga lalaki talaga,"sabi nito sa sarili sabay lakad sa hallway.
Nakailang ikot na si Alondra bago nakita ang bathroom. Pagkapasok nito hilamos siya  agad ng kanyang mukha. Isang baso lang ng wine ang kanyang nainom pero namumula na siyaat nahihilo ng kunti. Umihi lang siya at naghugas ng kamay saka lumabas ng banyo ng biglang may humila sa kanya  pagilid at dinikit siya nito sa pader at hinalikan sa kanyang mga labi. Dahil sa pagkabigla ni Alondra nasampal niya ang lalaki at tinadyakan ang pagkalalaki nito sa pag aakala na si Mark iyon. Kaya nabigla talaga siya na hindi ang lalaking inakala niya ang nasaktan nito na ngayon ay madilim ang ekspresyon ng mukha na nakatingin sa kanya. Akmang magsasalita ang lalaki ng tinuhod uli ito ni Alondra  sabay takbo at lakad ng mabilis para makababa ng hagdan at alis sa bar.
Nagtipa nalang siya ng message para kay Trixie na mauna na siya sa pag uwi.

Nagreply lang ito sa kanya na okey at nagpasalamat na sinamahan siya magcelebrate ng kanyang birthday.

Pumara si Alondra ng taxi at sumakay bago bumaling sa lugar kung saan nawala ang first kiss niya at sa isang estranghero pa."Dark Knights Club ,"basa nito sabay pikit ng mga mata.

Sa isang banda may grupo ng mga kalakihan na nagsasaya at nagpupustahan ng kanilang mga ari arian para lang mang trip ng gabing iyon sa Dark Knights Club. Ito ay ang mga grupo ng mga tanyag na bachelor sa buong bansa na pinamumunuan ni Alexander de Ayala at ang nakatukang gumawa ng dare ngayong gabi ay walang iba kundi ang tanging tagapagmana ng mga Del Mundo si Zandro.

"Kaya mo iyan bro madali lang ang dare para sa iyo wala ka namang gagawin na mahirap tulad sa mga nagawa namin ,"sabi ni Liam dito.

"Huo nga bro subrang dali  hahalikan mo lang din naman kung sino ang unang  lalabas sa entrance ng  banyong iyan,"dagdag na sabi ni Christian.

"Eh paano kung lalaki o bakla ang unang lalabas?"tanong ni Zandro. Nasabi niya iyon dahil iisa lang ang labasan ng banyo ng babae at lalaki sa hallway kung saan sila nakapwesto para gagawa ng Dare.

"Eh,ikaw na bahala doon kung gagawin mo o hindi kaya nga dare, di ba? Kung gagawin mo panalo ka sayo na ang buong taon na kita ng Beach House sa Batangas at ikaw din ang makikinabang sa buong taon na free vacation sa rest house ng grupo sa Boracay," sabi ni Alex.

Tumango tango nalang si Zandro bahala na basta gagawin niya ang dare.Nakahanda na siya para sunggaban kung sino man ang unang lalabas sa hallway ng banyo.
Kaya ng may lumabas na bigla niya itong hinarang at hinila sa gilid at sinandal sa pader sabay halik dito.
Ngunit kinabigla niya ng sampalin siya ng babae at tinadyakan sa kanyang kinaiingatan na bagay sa baba ang kanyang ari. Napadaing at napahawak siya dito sabay tingin sa babae na malakas ang loob na tadyakan at sampalin siya.
Tiningnan niya ito ng masama ngunit napawi ang galit niya ng makita ang itsura ng babae. Napakaganda ito kahit nakasimangot ang mukha at napatingin siya sa labi ng babae na kanina ay natikman niya. Akmang magsasalita na sana siya ng biglang tinuhod siya ng babae sabay takbo ito.

Napapailing si Zandro habang naalala ang mga nangyari sa Dark Knights Club ng gabing iyon.Nanalo nga siya pero pinagtawanan naman siya ng mga kaibigan niya at ibang tao na nakasaksi ng gabing iyon.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now