Chapter 8

43 3 0
                                    

Bwisit na bwisit si Alondra hindi lang kay Zandro kung hindi pati na rin sa kanyang sarili. Dahil sa sobrang karupukan niya pagdating sa lalaki.
Paano ba kasi nangyari na nadala siya sa halik lang ng binata .Samantala sa halos lahat ng mga lalaki na tumangka lumapit sa kanya napapaatras na agad dahil sa depensang ginagawa niya sa kanyang sarili. Mapanakit na kung mapanakit mapaphysical o emotional man pero kung iyon lang din naman ang paraan para makaiwas siya na masaktan gagawin niya.
For Alondra one pain is enough.Naranasan niya kung paano masaktan ng isang lalaki na una niyang  inibig.Kung paano siya paglaruan nito na pinagpustahan lang pala siya kasama ng mga kabarkada nito.Nasa high school palang siya noon sobrang bata niya pa.Dahil kulang sa pagmamahal ng mga magulang niya at kapamilya nakahanap si Alondra ng pagmamahal sa piling ni Matias. Kaklase niya at sikat sa kanilang school dahil sa pagiging gwapo nito at dagdagan pa na isa itong basketball captain. Marami ang nainggit sa kanya dahil doon at marami din ang nakikisimpatya sa kanya ng malaman ang ginawa sa kanya ni Matias.
Labia siyang nasaktan noon ang akala niyang tao na magpaparamdam sa kanya ng pagmamahal ay hindi pala totoo isang peke na pagmamahal lang pala ang pinaramdam nito sa kanya. Ang tanga niya na naniwala siya na mamahalin siya ni Matias at ayaw niya na ito maranasan.Pinangako niya sa sarili niya na hindi niya hahayaan ang sino man na lalaki na sasaktan siya. Kaya sobrang iwas niya na mapalapit sa mga ito kahit sa mga kasamahan niya sa trabaho.Dahil ayaw niya na magtiwala lalo na sa mga lalaki.Kaya hindi siya makapaniwala kung bakit ang bilis niya bumigay sa pang aakit ni Zandro nakipaghalikan pa siya dito.

"Ahh bwisit ka talagang lalaki ka my araw ka din makakaganti din ako sa iyo. Ang tanga mo kasi Alondra eh,halik lang iyon bumigay ka na agad. Ayan tuloy nawalan ka ng paborito mong panty. Sa susunod talaga hindi na ako magsusuot  ng dress papunta sa opisina dahil madali akong mahubaran. Walang hiya kasing magnanakaw ng halik na Zandro na iyon. Masyadong magaling mang akit.So ano na Alondra siguradong lalamiginka niyan hanggang matapos ang trabaho mo.Sobrang rupok mo kasi eh,"bulong nito sa sarili habang binabagtas ang hallway papunta sa kanyang table.

Samantala naiwan si Zandro sa kanyang opisina na nakangiti at parang baliw na pasipol sipol at ng hindi sinasadya na nailagay  niya ang kanyang kamay sa kaliwa nitong bulsa nahawakan niya ang panty ni Alondra.Kinuha niya ito at pinasok sa kanyang office drawer napailing iling ito at hindi makapaniwala sa kanyang nagawa.

"Talaga lang Zandro ha ang lakas ng loob mong sabihin na  remembrance from her dahil sa nainsulto ka lang kaya kahit panty ninakaw mo,"anang konsensiya nito.

Nilamukos ni Zandro ang kanyang mukha.Talagang nababaliw na siya at ang Alondra na iyon ang may kasalanan kaya siya nakakagawa ng mga bagay na hindi kanais nais.Ang lakas pa ng loob na pagbagsakan Siya ng pinto. Hindi ba nito alam na siya ang boss Dito sa kompanya hindi ata takot masisante ah.Napaka amazona talaga hindi ata tumatalab sa babaeng iyon ang tawag na respect.She disrespect my office ng pabagsak niyang isarado ang office nito.

"Wow Zandro ang lakas mo makasabi ng disrespect my office ah. Ikaw nga itong may ginawa na kababalaghan sa loob ng opisina mo,"anang konsensiya nito sa kanya.

Buti nalang nakapagpigil pa siya kanina kung hindi baka malaking kababalaghan na ang ginawa niya.Lalo pa ng tumugon na si Alondra sa kanya ng halik.Nagiging addicted na ata siya sa halik ng babae may sariling lasa kasi ang mga labi nito na siyang nakakaadik parang may sariling tamis ito very soft and taste like cherry.

"Patay ka talagang Zandro ka mukhang iba na ata ang tumatakbo sa isip mo ah. Akala ko ba wala sa bokabularyo mo ang salitang pagkakagusto pero bakit ngayon parang baliw ka diyan.Nangingiti sa tuwing maalala mo ang mukha ni Alondra,"bulong nito sa sarili.

Speaking of Alondra nakokonsensya si Zandro sa pagkuha ng panty nito pero kasalanan naman ng babae eh kasi sobra siyang nainsulto dahil sa mga pinagsasabi ng babae.
Actually kanina niya pa nakita sa lobby ang babae ng pumasok siya kasama ang mga kaibigan niya.Hindi niya lang pinahalata sa mga ito at baka magtaka kung bakit niya kilala ang babae samantala ang Zandro na kilala nila ay sobrang seryoso pagdating sa trabaho.Nakita niya din na tanging si Sasha lang ang kinakausap nito.Sasha the mysterious girl na employees niya na pinagtatakhan niya kung paano ito makikisama at magsagot sagot sa kaibigan niyang si Alexander. Siguro may nakaraan ang dalawang iyon ayaw lang din umamin.
Naalala niya din kanina ng hinatid ni Sasha si Alondra nagpapasaringan ang dalawa at nagsasagutan na akala mo sila lang dalawa ang tao sa office floor niya.Mas lalong siyang nagtaka ng batuhin ito ng babae ng sapatos nito si Alexander na siyang dahilan kung bakit nagkatinginan silang magkabarkada.Mas malala pa ng dilaan ito ng babae sabay takbo papasok sa elevator na siya naman hinabol ng kaibigan niyang si Alexander.

"Ganito na ba mga babae ngayon mga amazona na,"naiiling na sambit nito sa sarili.

May dinial na telepono si Zandro at may kinausap ito at pagkatapos niyang sabihin ang kailangan nito ay ibinaba na niya ang kanyang telepono at naupo sa swivel chair niya.

"Lets start my busy day,"ana nito sarili bago buklatin ang mga folder ng papeles na nakatambak sa taas ng kanyang lamesa.

Nakayuko at daop na daop ang mga hita ni Alondra na nakaupo sa kanyang upuan at nakapatong ang kanyang ulo sa office table nito.Naboboring na siya kasi wala itong ginagawa.Hindi pa din dumadating si Miss Karen at wala din inuutos ang boss nya. Ano ba kasi ginagawa ng boss niya doon sa loob bakit wala man lang inuutos sa kanya. Secretary siya hindi ba,bakit nakaupo lang siya dito sa labas.Nababagot na talaga siya hindi pa naman sanay si Alondra na hindi gumagalaw kasi inaantok siya kapag ganun.

Speaking of his boss."Naku kapag ako talaga nilamig at napasukan ng hangin sa tiyan dahil sa ginawa niyang pagnakaw ng panty ko.Lagot talaga sa akin ang lalaking iyon,"sabi nito sabay inat dahil nangangalay na ang kanyang likod sa kakaupo malapit na din ang lunch time.

Habang naghihintay kay Miss Karen at kung may iuutos ang boss niya.Nakinig si Alondra ng music at tamang tama na ang paborito niyang kanta ang  pinapatogtog kaya nakisabay nalang siya sa saliw ng musika.

At my worst na kanta ng Pink Sweats ang isa sa mga paborito niyang kanta.

"Can I call you baby?Can you be my friend?
Can you be my lover up until the very end?
Let me show you love,oh,no pretend
Stick by my side even when the world is caving in,yeah,"sabay nito sa kanta at pasayaw sayaw pa ang kanyang ulo.

"Ohh.. don't, don't you worry I'll be there whenever you want me.I need somebody who can love me at my worst
Know I'm perfect,but I hope you see my worth.
'Cause it's only you, nobody new,I put you first.
And for you,girl,I swear I'd  do the worst"papikit pikit pa nitong kanta.Sa isip nito sana nga may ganung tao na darating sa buhay niya ang mahalin siya kung sino siya talaga.

"Oohhh..ohh..oohhh..ohh .
Ohh-ohh-ohh..ohh-ohh-ohh,"ito ang pinakapaborito niyang parts ng lyrics kaya todo sabay ng ulo niya sa togtog at dinagdagan pa ng balikat niya na pailing giling din.

"If you stay forever,let me hold your hand.
I can fill those places in your heart no one else can,"kanta nito sabay taas ng balikat.
"Naku maniwala ka naman na magstay talaga iyan.Siguro kapag kailangan ka lang niya kapag hindi na eh 'di goodbye ,"parang baliw na kontra nito sa kanta ng lyrics.

Dumating na naman ang pinakapaborito niyang parts ng lyrics ng kanta.Napapasabay na naman ang mga ulo at balikat nito sa pagkembot habang kumakanta.

"Ohh-ohh-ohh.. ohh-ohh-ohh..
Ohh-ohh-ohh.. ohh-ohh-ohh,"

Lingid sa kaalaman ni Alondra kanina pa siya pinapanuod ni Zandro sa monitor ng computer nito. Konektado kasi dito ang CCTV cameras sa lahat ng building sa monitor ng computer sa office niya. Napapailing at natatawa si Zandro na panoorin si Alondra. Hindi lang pala amazona ang babaeng ito may pagkabaliw din pala.  Kahit lyrics ng kanta kinakalaban niya.

I CLAIM MY DESTINY Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt