Chapter 23

25 2 0
                                    

Sa buhay natin marami ang nangyayari. Maraming pweding pumasok at pweding umalis at maiwan . Meron din namang darating at ating tanggapin. Minsan hindi natin namamalayan ang pagbabago sa ating paligid. Ngunit may isa lang ang pweding manatili at iyon ay ang taong nakalaan para sa iyo.

As what Julia Roberts said she believes that two people are connected at the heart,and it doesn't matter what you do,or where you live;there are no boundaries or barriers if two people are destined to be together.

Nang sinabi ni Don Manuel kay Zandro na siya na muna ang bahala kay Alondra.  That time Zandro knows that his in good faith dahil mismong ang ama niya ang tumutulong sa kanya.

Sabi nga ng kanyang Daddy,"Only once in a lifetime that you meet your special someone who can melt your heart,and make you feel the butterflies in your stomach and if you touch her you feel weak in your knees. It is very rare to cross your path with that special someone who come along and turns your life up side down with love and affection for her. Sobrang mahiwaga na matagpuan mo ang isang tao na darating na siyang magbigay ng kulay at liwanag sa iyong buhay. So when you find that person that can make your heart beats fast. Embrace her,cherish her, treasure her, and give her all the love you have in your heart."

Mas lalong humanga si Zandro dahil sa tinuran ng kanyang ama. Kung iisipin mabuti hindi mo aakalain na may ganun pang pananaw Ang kanyang ama about love after siya sinaktan at iwan ng kanyang Ina. Sadyang may kakayahan lang talaga ang kanyang na manatili bilang position sa kabila ng lahat na mga problema na kinakaharap nito sa kompanya at pati na rin sa personal nitong buhay.

"I wish dad can find a special someone that can take good care of him and accept all his faults and mistake. A person that can love him forever and not look of what things he have but a person that can love him with all her hearts," Zandro said to his self.

Minsan natatawa siya sa kanyang naiisip na iririto si Manang Berley sa kanyang ama. Kapag nakikita nito na magkasama ang dalawa at kung gaano kaalaga si manang sa kanyang ama at pati na rin sa kanya. Nahihiling Minsan ni Zandro na sana si manang Berley nalang Ang babae na nakatadhana sa kanyang ama kung sakaling man na magmahal ito uli.

Pagdating sa kompanya ay mabilis nag park ng sasakyan si Zandro at tuloy na naglakad pasakay ng kanyang private elevator. Hindi na nga niya pinansin na binati siya ni Manong Dany at ni Sasha.

Napakamot tuloy ng ulo Ang gwardiya at tumikwas Ang kilay ni Sasha.

"Anong nangyari doon at mukhang nagmamadali?"tanong ni Sasha kay Mang Dany.

"Iwan,"sagot ni Mang Dany sabay taas baba ng balikat nito. Sobra siyang nahihiwaggan kay Zandro ngayon. Dati kapag nadadaanan siya nito Hindi man magsalita tinatanguan lang siya nito. Ngayon Hindi man lang siya napansin at nilagpasan lang siya pati si Miss Sasha Hindi niya pinansin.

"Baka may schedule na hinahabol. Andun naman si Miss Alondra di ba?"tanong ni Mang Dany.

"Hindi kaya nagalit kasi nauna si Alon sa kanya pumasok sa opisina,"napapaisip na sabi ni Sasha.

"Bakit naman siya magagalit kung mauna si Miss Alondra. Eh Hindi naman sila magkasama sa bahay ah,"nagtataka na tanong ni Mang Dany.

"Ahh..ehh..Huo nga ano?"nauutal na sabi ni Sasha.
  Napakamot nalang ng ulo si Mang Dany at iniwan si Sasha.

"Gaga ka talaga Sasha muntikan kana doon ah,"saway nito sa sarili.

Habang sakay ng elevator si Zandro napapaisip siya kung ano ang una niyang gagawin kapag nakita nito si Alondra. Tititigan niya lang ba ito o baka bigla niya nalang mayakap. Paano kung magtaka Ang dalaga sa gagawin niya? Hindi siya kilala nito wala itong naalala tungkol sa kanya. Napakamot ito ng kanyang ulo at napapasuklay Ang mga daliri nito sa kanyang buhok.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now