Chapter 22

18 2 0
                                    

Tama naman ang kanyang ama since Zandro meet Alondra his not normal anymore. Hindi niya alam kung nagkataon lang o sadyang ginawa ng tadhana na pagtagpuin silang dalawa. Sa sobrang daming nagawa niyang kalukuhan mula ng magtagpo sila sa Dark Knights Club. Kaya hindi niya masisisi ang kanyang ama kung magduda talaga ito sa kung ano meron sa kanila ni Alondra. Zandro become aloof in serious relationship since Sheena cheated on him. She meet some girls but just for fun only in short terms flings only. Para sa kanya ang mga babae ay parang laruan lamang. Na pagkatapos gamitin at pagsawaan ay pwedi ng iwan. Hindi naman ganyan ang pananaw niya dati she traits women as precious like jewel not until he feel betrayed by the woman he really love not only once but twice. First to make him feel pain is the first women she love from the start his mother. Iniwan sila ng kanyang ina ng siya ay bata pa lamang. Zandro remember kung gaano siya kalapit sa kanyang ina lalo pa at ito lagi niya kasama kasi lagi umaalis ang kanyang ama. Until one day her mother left them for another guys. Sobrang nasaktan ang kanyang ama dahil sa ginawa ng kanyang ina. Kahit anong tago nito ng nararamdaman niya kapag andyan siya pero minsan nahuhuli niya ang kanyang ama na tahimik na umiinom at umiiyak sa kanyang opisina sa mansiyon nila. Kinalakihan niya ang ganung tagpo na lagi niyang nakikita sa kanyang ama. Akala nga niya hindi na siya matuto na magmahal uli dahil sa traumang iyon.
Ngunit ng dumating si Sheena sa buhay niya hindi niya akalain na muling magbubukas ang kanyang puso at umibig sa unang pagkakataon. Kahit sobrang takot siya noon ay sinubukan niya sa pag aakala na ito na ang babae na makapagbibigay ng ligaya sa kanyang buhay.

Sabi nga daw nila na ang pagmamahal ay may kaakibat na sakit,kaya malaman mo kung talagang mahal mo ang isang tao kapag nasaktan ka. Dahil hindi naman puro tamis lang at saya ang mararamdaman mo kapag nagmahal ka. Kaya ang lakas ng kanyang loob na subukan magmahal at iyon ay kay Sheena lang niya naramdaman. Masaya siya na pareho pala ang naramdaman nilang dalawa. Sheena is a good type of girlfriend maalalahanin ito sa kanya at sobrang maalaga. To the point na kapag wala ito ay hinahanap niya dahil hindi mabubuo ang araw niya kapag hindi niya ito makita. Marami siyang naririnig na sabi sabi tungkol sa babae na masasama ngunit hindi niya ito pinapansin dahil ang rason niya hindi naman ganun ang pinapakita ni Sheena sa kanya. Pareho nalang ng magmall sila at kasama niya ang nobya. Naglalakad sila noon ng biglang may mga kalalakihan na lumapit sa kanila at lumapit kay Sheena.

"Hey miss beautiful,"anang isang lalaki.

Kita niya kung paano nailang si Sheena kaya sinaway nito Ang lalaki.
"Hey huwag kang bastos sa girlfriend ko kung ayaw mong masaktan,"banta nito.

"So is this your boyfriend kaya ba inayawan mo na ako at iniwan dahil may bago ka nang bibiktimahin,"natatawa nitong sabi. "You better try to investigate the background of your girlfriend bro baka mamaya magmukha ka nalang kawawa kapag siya ay nagsawa na sa iyo," sabi nito at may tawa pa na kasama.

Biglang naikuyom ni Zandro ang mga kamao nito at handa na sanang suntukin ang lalaki ngunit pinigilan ito ni Sheena.

"Don't mind him ,hon. Mukhang inggit lang siya sa atin dahil tayo nagmamahalan at baka siya walang nagmamahal dahil sa napakasama nitong ugali,"baling nito sa lalaking na ngayon ay natigil ang pagtawa at tiningnan silang dalawa ng masama.

Dahil sa sinabi ni Sheena biglang kumalma si Zandro. Ganun ang epekto ng babae sa kanya mabilis siya nito mapapakalma kapag nagalit siya.

Isang araw nagyayaan silang magkabarkada papuntang billiards dahil iyon naman ang hilig nilang magkakaibigan at isa din iyon sa kanilang libangan. Masaya pa silang nagtawanan kasama sina Alex,Liam at Christian ng mapadako sa kabilang billiards table ang paningin ng mga kabarkada niya. Tapos bigla nila siyang niyaya na umalis. Tumatawa pa siya ng una dahil mukhang nagpaprank lang ang kabarkada niya dahil kararating lang nila tapos aalis na agad.

"Sa ibang bilyaran nalang tayo pare mukhang ang sikip dito madaming tao,"yaya ni Christian sa kanya.

"Huo nga pare, ang init dito at mukhang hindi ko bet ang amoy,"sabi din ni Liam.

"Naku pare sinabi niyo pa may alam ako na bagong bukas na bilyaran at mukhang mas comfortable doon maglaro. Meron pa itong sariling kwarto na pwedi na tayo lang maglaro. Kaya lahat pwedi natin magawa doon. Huwag kayong mag alala ako ang bahala sa bayad libre ko,"sabi din ni Alex.

"Wow iba talaga kapag super yaman ohh,"sabay nilang sabing tatlo with fist bump pa.

Aalis na sana Sila ng makarinig ng tawa si Zandro sa kabilang table. Dahil sa agaw atensiyon ang tawang iyon tumingin si Zandro at hindi siya makapaniwala sa kanyang nakita.
Sheena is with the boy that they meet in the mall at ang malala pa nakayakap ito sa babae. Mukhang tinuturuan niya si Sheena ng billiards dahil ang babae ang may hawak ng tako habang ang lalaki ay hawak ito sa baywang at ang isang kamay nakapatong sa tako na hawak ng dalaga.

Napapikit si Zandro para pakalmahin ang kanyang sarili ngunit ng magmulat ito ng mga mata. Isang eksena ang ayaw niya makita at gustong burahin sa isipan sa mga oras na iyon. Nakita niya lang naman na nakalapat ang mga labi ni Sheena at ng lalaki. Biglang uminit ang pakiramdam ni Zandro. Sheena betrayed him. She cheated on him at ang pruweba ay mismong sa harapan niya. They just not kiss each other but they kiss torridly na hindi dapat ginagawa sa mga public places. Napapailing siyang tiningnan ang mga ito and when Sheena look at him nanlaki ang mga mata nito. Tumalim ang tingin ni Zandro at lumapit sa kanila at walang sali salitang pinagsusuntok ang lalaki. Nakisama narin sa gulo ang mga kabarkada niya at siyang dahilan kung bakit sila nahuli ng mga police.
Sobrang nagalit ang kanyang daddy dahil sa ginawa niya. Pero naintindihan siya nito dahil minsan talaga sa sobrang galit mo nakakalimot ka kung ano ang tama at mali. Mula ng araw na iyon mas lalong sinumpa ni Zandro ang mga babae . Lagi din siyang naglalasing to the point na narehab siya for being alcoholic. Buti naagapan ng mas maaga at ngayon ay nakapamuhay siya ng maayos.

Naging sobrang tanga niya dati dahil sa pagmamahal. Napatawa siya ng pagak dahil sa iniisip.

"Kung naging tanga ako dati dahil sa pag ibig. Bakit hindi ko subukan ngayon magpakatanga uli. Sabi nga ni Dad huwag muna agad agad sumuko ng hindi pa lumalaban,"sabi nito sa sarili.

Mabilis na pinausad ni Zandro ang sasakyan papuntang opisina. Ngayon palang sabik na siya makita si Alondra. Pagkatapos nilang mag usap na mag ama kanina dali dali itong umakyat sa second floor para puntahan ang dalaga ngunit nakalis na ito ayon kay manang Berley at si Mang Bitoy pa daw ang naghatid. Kaya ngayon mabilis itong nagmaneho para puntahan ang babae sobrang miss na niya ito kahit kasama niya lang ito kanina.

Nang sinabi ng Daddy niya ang sekretong natuklasan tungkol kay Alondra ay mas lalong nanabik si Zandro dito.
Umiyak pa siya ng malaman na si Alondra at si Sunshine na hinahanap niya for 15 years ay iisa lang.

"Nang una ko makita si Alondra sa isang restaurant na nagtatrabaho bilang waitress nagduda na agad ako. Kamukhang kamukha niya ang tita Alora mo at kahawig din niya si Menandro. Kaya lihim ko siyang pinasusundan at mas lumakas ang loob ko na tama ang hinala ko ng makita ko kung sino ang kinikilala niyang Ina. Si Menerba ang step sister ng tito Menandro mo. Kaya wala kang kasalanan anak sa pagkawala ni Alondra. Si Menerba ang may kasalanan pinakidnap niya si Alondra ng maglaro kayo sa park. Inamin niya ito sa akin ng puntahan ko siya. Lihim na minamahal ni Menerba ang Tito mo Menandro kaya niya nagawa iyon. Hindi niya lang inaasahan na mapahamak ang mag asawa ng hinanap nila si Alondra. Nagsisisi na siya at handa siya magpakulong," kwento ng daddy niya.

"Pero dad bakit hindi tayo nakilala ni Alondra? She was 7 years old that time," sabi nito sa ama.

"Alondra have traumatized that time and having an amnesia wala siyang naalala mula sa pagkabata niya. Iyon ang kwento ni Menerba. Pero meron siyang laging sinasabi dati kapag nagkakasakit siya at kapag may mga bagay na nagpapalungkot sa kanya,"sabi nito sabay hinga.

"Ano iyon dad?"

"Zan zan iyan daw lagi niya binabanggit,"sabi ni Don Manuel.

"Zan zan alam mo bang ako yan dad. Zan zan tawag niya sa akin at Sunshine naman tawag ko sa kanya. Ayaw niya ng Alon dahil hindi daw magkasundo ang araw at Alon ayon sa kwento sa libro na nabasa niya. Kaya sunshine gusto niya dahil she is my Sunshine and I am his sun para daw hindi kami magkahiwalay,"naiiyak na sabi ni Zandro

"Now that I found you my Sunshine I will not let the dark cover you. I will always be your sun to give your life a light. I promise that Alondra my only sunshine."

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now