Chapter 20

27 2 0
                                    

Mabilis tumakbo si Alondra paakyat sa hagdanan para makapunta sa second floor ng bahay at makapasok sa kanyang kwarto. Agad itong nagtalukbong ng kumot sabay lagay ng unan sa mukha nito at sigaw.

"Ano ba Alondra ang rupok mo talaga. Nagpatalo  ka sa tukso ni Zandro. Ano na ngayon ang mukha na ihaharap mo sa iyong boss at saka kay Don Manuel? Bakit kasi ang bilis mo bumigay sa mga halik ni Zandro. Ang tanga tanga mo talaga pa yakap yakap ka pa kanina sa binata. Hindi mo nga napansin na nakaboxer lang ang boss mo at ikaw naman naka t-shirt at short lang at wala ka pang bra. Umiyak ka pa at ikaw pa talaga ang unang nag initiate ng halik sa mga labi niya. Ikaw yata ang umakit sa binata at hindi siya. Ahh kainis talaga,"tili ni Alondra habang pinapagalitan ang sarili.

"Relax lang Alondra breath in,breath out,breath in, breath out, breath in breath out. Ganyan nga pamper yourself. Relax para makapag isip ka ng maayos. Kailangan gumawa ako ng list on how to avoid Zandro. Tama iyan nga una kong gawin," anang isip ni Alondra.

Dahil sa nangyari hindi na nakapag almusal si Alondra nagbihis nalang ito at naghanda na para pumasok sa opisina. Hindi na rin siya nag paalam sa mag ama  kasi nasa loob ito ng home office ng kanyang boss na si Zandro at mukhang seryoso ang pinag uusapan nilang mag ama. Kaya umalis na ito at hindi na inabala ang dalawang lalaki  nag uusap sa loob ng opisina na sina Zandro at Don Manuel.

Nagpahatid si Alondra kay Manong Bitoy sa opisina at tanging kay Manang Berley nalang siya nagpaalam. Pinipigilan pa nga siya kanina para makisabay sa almusal ng mag ama. Ngunit hindi siya nagpapigil gumawa nalang siya ng rason na baka malate siya sa kompanya kung maghintay pa siya. Saka first in the list niya ang iwasan si Zandro. Kapag may kinalaman lang sa opisina o sa trabaho niya kakausapin ang binata.

Nagpasalamat  si Alondra kay Manong Bitoy ng makarating na sila sa kompanya.

"Salamat po ng marami Mang Bitoy sa paghatid. Ingat po kayo sa biyahe pabalik.  Pakisabi na rin po kay Don Manuel na pasensiya kung hindi na ako nakapag paalam sa kanya," habilin nito kay Manong Bitoy.

Nang makababa na si Alondra binati siya ni Mang Dany.

"Good morning po Miss Alondra," masiglang bati nito sa kanya.

"Magandang umaga din Mang Dany. Kumusta po ang araw natin?"nakangiti nitong bati.

"Ayos na ayos po Miss Alondra."

"Mukhang masaya ka yata ngayon Mang Dany ah,"nangingiti nitong sabi. Mukhang maging good vibes yata siya ngayon dahil masisigla ang mga tao na kasama  niya.

Ngumiti lang si Mang Dany sa kanya.

Habang papasok si Alondra sa loob ng building ng mga Del Mundo nakasabay nito si Sasha kaya mas lalong sumaya ang araw niya at nakalimutan na niya ang nangyari kanina sa bahay ni Zandro.

"Good morning my Kayah. How's my bestie?"bati ni Alondra.

"Not so good Alon,"nakasimangot nitong sabi.

"Bakit ang aga aga Nakabusangot ka diyan,"pansin nito sa kaibigan.

"Meron lang masamang bisita na maaga nambwibwisit ng araw ko,"naka ngiwi nitong sabi.

"Mukha ngang masama ang umaga mo nakikita sa mukha mo. Saka parang hindi ka nakatulog. Pagod kaba Kayah mukhang haggard ka ah at saka madami ba lamok sa inyo meron ka kasing pantal sa leeg?"pansin nito sa kaibigan .

"Super pagod, super puyat, at super sakit ng katawan ko,"reklamo  nito sabay hawak sa baywang ni Alondra at sandig ng ulo nito sa balikat ng dalaga habang naglalakad.

Kaya ang pwesto nilang dalawa eh mukhang  inalalayan ni Alondra si Sasha.  Nakaramdam siya ng awa sa kaibigan.

"Eh bakit ka pa pumasok kung pagod ka pala. Nagpahinga ka nalang sana  kesa magkasakit ka tutal may sick leave naman na pwedi gamitin incase sa mga ganitong sitwasyon  hindi ba?"

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now