Chapter 17

25 4 0
                                    

Ang tadhana minsan ay sadyang mapaglaro. Sa hindi inaasahan akala mo ang lahat ay planado na ngunit madami pa palang twist na mangyari. Katulad nalang sa nangyari kina Zandro at Alondra. Sino ang magsasabi na ngayon ay magkasama na sila sa isang bubong at lahat ay planado ni Don Manuel at hindi lang dahil sa tadhana.

Maaga pa lang nagising na si Alondra sobrang napasarap ang kanyang tulog kagabi. Basta ang naalala niya lang ay nakinig siya ng music tapos nakatulog na siya.
Nag inat muna siya at saka bumangon. Inayos ang higaan at nagtungo na sa banyo. Nag toothbrush ito at naligo. Dahil sa pag aakala na siya lang mag isa sa bahay. Nagbihis si Alondra nagsuot lang ito ng short short at t-shirt na malaki na kulay puti. Hindi manlang ito nag abala magsuot ng bra.

Nagtungo muna siya sa kusina para isangag ang kanin na natira niya kagabi at initin ang tortang giniling na baboy na niluto niya. Binalot niya lang ng towel muna ang kanyang basang buhok. Saka mabilis bumaba papunta ng kusina. Tutal 6:30 ng umaga palang ibig sabihin madami pa siyang free time bago pumasok sa opisina. Nag init din siya ng tubig sa airpot para sa kanyang kape. Saka nagpatugtog ng kanyang music at pasayaw sayaw habang nagluluto. Patapos na siya magsangag ng biglang may yumakap sa kanya sa likod. Sa bigla ni Alondra napasigaw ito.

"Ayy.. kalbong palaka ka!"sigaw ni Alondra.

Humarap ito para paluin ng sandok ang mapangahas na lalaki na lalaki na yumakap sa kanya. Ngunit nanlaki ang mga mata nito na makilala kung sino ang nasa harapan niya.

"Ikaw,"sabay nilang sabi ni Alondra.

"Anong ginagawa mo dito?"halos magkasabay uli nilang tanong sa isa't isa.

"Sinusundan mo ba ako?"tanong ni Alondra.

"Bahay ko ito at dito ako nakatira. Baka ikaw ang sinusundan ako," nanunuksong sabi ni Zandro.

"Ba..ba..Bahay mo ito? Ibig sabihin ikaw ang may ari ng bahay na ito? Pero, bakit sabi ni Don Manuel dito muna ako manunuluyan? Pasensiya na Sir Zandro aalis na po ako,"nauutal nitong sabi.

Natataranta at nahihiya si Alondra ang lakas pa ng loob niya na magsabi kanina kay Zandro na baka sinusundan siya ng lalaki. Siya pala itong trespassing sa bahay ng lalaki. Aalis na sana ito sa kusina pero natigil siya dahil nakahawak parin pala si Zandro sa kanyang baywang.

"Don't be in a hurry sweetheart," sabi ni Zandro. Sabay hapit ng baywang nito at hila palapit sa kanya.

"Zandro ano ba bitawan mo ako. Ang aga aga at baka mapalo kita ng sandok  ngayon!"banta ni Alondra dito.

Ngunit parang wala lang narinig si Zandro. Mas lalo nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa baywang ni Alondra. Kaya nagkadikit ang kanilang mga katawan at nakita ni Zandro na napapalunok si Alondra. Kaya mas lalo niya itong tinukso nasisiyahan talaga siya na makikita na nababalisa ito at hindi alam ang gagawin sa tuwing lalapit siya.

"Si..sir.. Zandro," tanging sambit ni Alondra ng magkadikit Ang katawan nila. Napapalunok ito dahil nararamdaman niya ang mga muscle nito. Napatingala ito sa lalaki at mas lalong napalunok ng napatingin ito sa dibdib ng lalaki. Kaya pala ramdam nito ang  katawan ng lalaki wala itong suot na pantaas. At nang tumingin si Alondra sa baba mas lalo siyang napalunok at namula ang mga pisngi dahil tanging boxer lang ang suot ng boss niya.

"Ohh..ya..yum,"sabi ng utak nito.

"Enjoying the view?"nanunuksong tanong ni Zandro dito.

"Hi..Hindi ah,"tanggi ni Alondra dito. Ano ba ang aga namang tukso nito may papandesal pa sa harapan niya.

"Naku Alondra umiral na nman ang kalandiaan mo",saway nito sa sarili.

Itutulak niya na sana si Zandro ng bigla itong napa aray ng sumagi ang kaliwang kamay nito na may hawak ng sandok sa dibdib ni Zandro.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now