Chapter 31

21 1 0
                                    

Nakatulala lang si Alondra habang yakap siya ni Matias. Ganito ba talaga maglaro Ang tadhana sa kanya at ang lahat ng mga tao sa nkaraan niya ay kailangan niya makatagpo sa kasalukuyan.
Hindi madali kalimutan ang nangyari sa kanya at ni Matias. Ang sakit parin isipin na Ang taong pinagkatiwalaan at inakala mong mahal ka ay basta ka nalang iiwan. Buti sana kung umalis lang pero iyong malaman at marinig mo pa mismo sa kanya na pinaglaruan ka lang at pinagpustahan ng kanyang mga barkada. Doble Hindi mas mainam sabihin triple Ang sakit na nadama ni Alondra ng mga oras na iyon. Mabuti nalang at madami siyang sideline job at lagi siyang pagod kaya hindi niya masyado naiisip Ang mga nangyari. After two years sariwa pa sa alaala nito ang nangyari.

Excited si Alondra pumasok sa school nila bilang first year HRM students sa Balangkas Institute of  Science and technology University. Hindi dahil sa nalalapit na ang katapusan ng first sem kundi dahil sa gusto na niya makita ang kanyang boyfriend na si Matias de Miguel isang heartthrob at basketball captain ng kanilang school. Monthsary kasi nila sa ngayon gusto niya surpresahin ang kasintahan. Sa halos tatlong buwan nitong panliligaw sa kanya napatunayan nito na mahal talaga siya ng lalaki. Sa una hindi siya makapaniwala dahil isa itong sikat sa kanilang paaralan samantala siya ay isang simpleng mag aaral lang. Kaya sobrang natuwa ito ng sinagot niya ang lalaki. May hinanda kasi siyang kanta sa binata at siya mismo ang gumawa ng lyrics nito. Musika isa sa mga hilig ni Alondra. Kanina pa siya naghahanap pero hindi niya makita ang kasintahan buti at nakasalubong niya si Gwen nobya ng isa sa mga barkada ni Matias. Nag alangan pa nga siyang  magtanong dito kasi medyo may pagka mean ang ugali ngunit naiinip na siya at pagod sa paghahanap kung saang sulok ng universities pumunta ang kasintahan.

"Excuse me Gwen nakita mo ba si Matias?"tanong ni Alondra.

"Why you asking me? Is it Zandro is your boyfriend? Why in earth you don't know where he is,"malditang sagot nito.

"Sabi ko nga eh dapat hindi na ako nagtanong,"anang isip nito.

"It's okey if your not going to answer my question. At least nagtanong ako,"pagsusuplada din na sagot ni Alondra.

"Whatever, by the way nakita ko sila kanina na magkabarkada na papunta sa gym baka may practice Sila ng basketball doon. Try to look at that place. Babush lets go girl,"sabi ni Gwen sabay Aya ng kanyang mga alagad.

"Salamat Gwen," sabi ni Alondra bago nakaalis Ang babae. Yes, maldita iyang si Gwen one of bully and mean girls sa school nila pero may puso din minsan tulad sa ngayon.

Mabilis naglakad si Alondra papunta sa way kung saan Ang gymnasium ng kanilang university. Nakangiti siya habang tanaw na niya ang gym agad siya pumasok ngunit walang tao sa loob. Kaya pumunta siya sa bandang likuran kung nasaan Ang locker ng mga basketball players dahil nasisigurado niyang andoon si Matias maghihintay nalang siya sa labas. Tama nga Ang hinala niya dahil nandoon Ang grupo naririnig niya ang mga ingay na naggaling doon. Nang akmang magbubukas ang pintuan nagtago siya sa isang sulok kasi nakakahiya na baka makita siya ng ibang mga players at baka magpakamalan pa siyang nambubuso.

"So pre magkano Ang itinaya mo?"sabi ni Lawrence isa sa mga players.

"1 thousand nga ang aking talo eh," sabi ni Clever.

"1500 sa akin," sabi uli ni Lawrence.

"Sa tagal kasi nanligaw ni Captain akala namin hindi na niya mapapasagot pa. Bumigay din pala natalo tuloy ko ng 2k,"sabi ni Regie.

I CLAIM MY DESTINY Where stories live. Discover now