CHAPTER 1

6.8K 130 77
                                    

Now playing- Careless Whisper

"TONIGHT THE MUSIC SEEMS SO LOUD!! I WISH THAT WE COULD LOOSE THIS CROWD!! MAYBE IT'S BETTER THIS WAY. WE'VE HURT EAC--"

Natigilan ako sa pagkanta ng may bumato sa bintana ko.

"HOY! TUMIGIL KA SA PAGKANTA. ANG PANGET NG BOSES MO!" sigaw ng batang kapit-bahay ko.

Pumunta naman ako sa may bintana at sinigawan din siya.

"PANGET LANG ANG BOSES KO PERO MAS PANGET YANG MUKHA MO!"

Hinipan ko ang bangs na humaharang sa mukha ko sabay irap sa kanya at sinarado ang bintana.

Hah! Akala niya siguro di ako pumapatol sa bata.

Pinatay ko na ang music kasi nawalan na ako ng gana. Epal kasi yung batang yun. Kapag siya talaga nakita ko pipilipitin ko leeg nun para hindi na makahinga.

Dumiretso na ako sa banyo para maligo. Pagkatapos maligo, nag-ayos at nagbihis na ako. I'm wearing a simple black fitted jeans, white long sleeves and a pair of sandals. Nilagyan ko na din ng light make up ang mukha ko para naman magkakulay ang mundo ko este mukha ko.

Tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin.

"Di naman ako panget ah. Mas maganda lang talaga sila." sabi ko sa sarili habang inaayos ang bangs ko.

Nang maayos na lahat, lumabas na ako ng bahay.

Habang nasa daan chini-check ko isa-isa ang files kung kompleto ba para sa a'applyan ko na trabaho.

Yes. You are right and not left. Naghahanap ako ng trabaho kasi kailangan ko ng pera. Mukha kasi akong pera hehehe.

Neeways, dapat praktikal na tayo ngayon hindi tayo mabubuhay kung walang pera. Wag kayong magpapaniwala sa mga lalaki dyan na sinasabing..

"Basta't magkasama tayo okay lang o di kaya yung busog na ako kapag nakikita kita."

Kalokohan. Try mo makipagtitigan sa jowa mo tapos wag kayong kumain tingnan natin kung di kayo gutomin. Hay naku.

*Beep! Beeeep! Beeeeep!

Napatalon ako sa gulat ng mapagtantong muntik na ako masagasaan.

Juicecolored muntik pang mapaaga ang meet up namin ni San Pedro T^T

"Hey miss. Are you okay?" Napatingin naman ako sa nagsalita.

Woah.

Teka lang buhay pa naman ako diba? Bakit may anghel sa harapan ko?

"A-ah. H-hii I'm yours. I mean, you're mine este I'm fine hihihi"

Kumunot ang noo niya sa sagot ko.

Ang gwapo niya shemaay! Kung siya lang pala makakasagasa sa'kin pwedeng pwede ulitin HAHAHAHA

Tiningnan niya ako from head to toe.

"Yeah. It seems that you're okay physically but I think mentally you're not" tumaas naman ang kilay ko sinabi niya.

Ako? May sakit sa utak? Paano niya nalaman? Char. Joke.

"No sir. I'm just joking kanina hehe" napakamot nalang ako sa ulo dahil parang di niya na-gets.

"Okay. I'm sorry for what happened but please be careful when you're walking" pagpapaalala niya sa'kin bago pumasok sa kotse at umalis.

Sayang at di ko nakuha yung pangalan. Ang gwapo pa naman nun.

Napabuntong hininga ako.

Kaya mo yan Mandy magpasagasa ka nalang ulit HAHAHAHAHA

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now