CHAPTER 29

1.7K 82 25
                                    

[3RD PERSON'S POV]

Mainit.

Sobrang init.

May umaapoy.

Umuusok.

Nasa loob ng silid ang isang batang babae. Umiiyak.

"M-meisha anak.."

Nilingon niya ang babae na nakadapa at pilit siyang inaabot.

"Listen.. baby you need to go out. Hmm? Can you w-walk?"

"Mommy! Mommy!"

Iyak lamang ng iyak ang bata. Lumingon ito sa gilid at nakita ang isang lalaki na nakahiga at tila nawalan ito ng malay.

Gumapang ang bata upang malapitan ang lalaki.

"D-daddy.. please wake up.. daddyyy"

"Meisha!" lumingon ulit ang bata nang tawagin ito ng kanyang nanay.

Halos nahihirapan nang huminga ang bata dahil sa usok. Muli itong gumapang papalapit sa kanyang ina.

"M-mommy.." muli itong umiyak nang makita ang kalagayan ng ina. Nadaganan ng kahoy na umaapoy ang mga binti nito kaya hindi ito makatayo. Hirap na hirap na ito.

Gusto niya itong tulungan pero hindi niya magawa. Bukod sa umaapoy at sobrang init ang paligid, hindi niya kayang buhatin ang ina.

"Ysa.. you're a brave girl remember? Listen to mommy.. you need to go out--"

"But mom--"

"Wag na matigas ang ulo. M-magagalit si mommy kapag hindi mo ko sinunod. Help is on the way, hmm? Umalis ka na anak. Please.. lumabas ka na. You need to survive" pagmamakaawa ng ina sa bata.

Iyak lamang sila ng iyak. Bakit nga ba sila napunta sa ganitong sitwasyon? Bakit kailangan sumapit sa ganito?

"Meisha Ysabelle.. always remember that mommy and daddy loves you"

Kahit hirap na hirap, pinilit na tumayo ng bata.

"I will be back, mom. I love you"

Tumakbo palabas ng kwarto ang bata. Kahit nahihirapang huminga at nanlalabo ang paningin dahil sa usok pinilit niyang makalabas. Dahil ito ang pangako niya sa kanya ina. Kailangan niyang makalabas ng buhay at makahingi ng tulong.

"Ahh!" sigaw niya nang siya ay madapa.

Pilit siyang tumayo kahit punong puno na siya ng galos. Kahit nananakit ang buong katawan, nagawa niya parin maglakad. Ang tanging pinanghahawakan na lamang niya ay ang pangako niya sa kanyang mommy. Kailangan niyang maging matatag para dito.

Nang makalabas ng bahay, agad siyang sumigaw para makahingi ng tulong ngunit tila ba walang nakakarinig sa kanya.

"Mommy.. p-please help m-me.. my daddy a-and m-mommy"  mahinang saad niya kasi nauubusan na siya ng lakas kakasigaw at nanlalabo na din ang paningin niya hangggang siya ay matumba sa kalsada.

Sa hindi kalayuan may naaninag siyang dalawang anino na papalapit sa kanya ngunit bago pa man niya ito makita ay bigla nalang dumilim ang paligid.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now