CHAPTER 19

1.6K 73 8
                                    

[MANDY'S POV]

4:00 AM

Madaling araw nang magising ako sa isang pamilyar na kwarto. Nilibot ko ang paningin at napagtantong nasa bahay na naman ako nila Sandro.

Bumaba ako at pumunta sa kusina. Hindi naman bago sa'kin ang pumunta dito dahil dinadala naman ako ni Sandro sa bahay nila.

Wag niyo nang itanong kung ano ginagawa ko sa bahay nila HAHAHAHAHA syempre ano pa bang gagawin doon. Edi ano. Secret. I'll leave it to your imagination. Haha.

Speaking of Sandro, need ko talaga ng isang long sweet message sa kanya. I need an explanation, Sandro. Whatzz nOootT cLicKing beybeehh~

Nagtimpla ako ng kape at pumunta sa rooftop. Habang papalapit sa ako sa pinto ng rooftop may naririnig ako nags'strum ng guitar. What the fudgee bar. May magnanakaw ba?! Pero may magnanakaw bang nag-gigitara? Baka tine-testing ng magnanakaw kung gumagana ba. lol.

Naghanap ako ng pwedeng ipamalo sa kaniya. Mabuti nang ready tayo sa gyera. Charing!

Nakita ko ang dustpan sa gilid. Kinuha ko ito at
dahan dahan na naglakad papalapit sa pinto. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa dustpan at kape. Hindi naman nakasarado totally ang pinto kaya sumilip ako.

Nakatalikod siya sa'kin. Para sa isang magnanakaw, gwapo siya ha. At komportable siyang nakaupo sa upuan habang pinapatugtog ang gitara.

Chill na chill ha. Patay ka sa'kin ngayon.

Huminga ako ng malalim at tinulak ang pinto.

"Hoy!" sigaw ko sa kanya at akmang papaluin na siya ng dustpan. Nilingon niya ako, saka ko lang napagtanto na si Simon pala! Mama nakakahiya T^T

Bakit ko ba naisipan na may magnanakaw? Sabog ka talaga Amanda.

Natigil sa ere ang kamay ko. Habang ang mukha ko ay pulang pula dahil sa kahihiyan. Tiningnan naman niya ako.

"What are you doing?" nagtatakang tanong niya habang tinitingnan ang kamay kong hawak ang dustpan at naka amba para paluin siya.

"Ha? A-ano.. nagwawalis. Hehe." kunwari magwawalis ako pero nagpatanto kong dustpan lang pala ang dala ko. Juicecolored.

Really Amanda? Nagwawalis ng madaling araw?! Shet! Nahihiyang ngumiti ako sa kanya at tumingin sa baba.

"Haha. Ano 'to sahig?" wala sa sariling wika ko.

Natatawang umiling naman siya. Tuwang tuwa siguro sa kahihiyang ginawa ko. Lasing pa ata ako e. Bwiset.

"Why are you here?" tanong niya habang nakatingala sa langit.

"A-ano k-kasi... uhmm.. magpapahangin lang s-sana"

Hindi siya sumagot kaya napakamot nalang ako sa ulo. Hanggang ngayon nahihiya pa rin ako sa kanya. Ibang-iba kasi siya kay Vinny. Hindi pala ngiti at tahimik lang siya palagi.

"S-sige aalis nalang ako. Pasensya sa istorbo"

Aalis nalang ako baka kasi ayaw niya ng kasama. Naglakad na ako paalis nang marinig ko siyang nagsalita.

"You can stay here"

"Uhmm o-okaay" mahinang sagot ko at dahan dahang naglakad palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at katulad niya ay tiningnan din ang langit.

Deja Vu.

Nangyari din to dati pero si Sandro ang kasama ko. Bumuntong-hininga ako nang maalala na naman ang nakita ko. Hindi ko nga alam kung nasaan si Sandro o kung umuwi ba siya.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now