CHAPTER 3

2.2K 82 67
                                    

Andito kami ni Yves ngayon sa tapat ng tindahan ni Aling Lorna. Dito kami laging tumatambay pagkatapos ng shift namin. Nagtitinda kasi si Aling Lorna ng fish ball. Yung tagpipiso, tamang tusok tusok lang HAHAHAHA kunwari limang piso binayad ko pero ang totoo pito yung kinuha ko hehehe syempre may konsensya pa naman ako kaya dalawang extra lang kinuha ko.

Bigla naman sumagi sa isip ko si Sandro. Grabe yung pangalan palang pang mayaman na. Kumakain kaya siya ng fish ball? Kwek kwek? Kikiam? Siguro hindi. Ang mahal nga ng kape niya. Di ko nga afford yung kape na tinitinda namin. Ang afford ko lang yung i-stick na nescafe tapos minsan natigas pa kasi tinitipid ko talaga para umabot ng ilang araw.

"Hoy Mandy!"

Aww. ang sakiiit. Sinamaan ko nang tingin si Yves dahil pinitik niya ang noo ko.

"Bakit ba?!" inis na tanong ko sa kanya.

"Kanina ka pa nakangiti ng mag isa dyan. Tuluyan ka na ba talagang nabaliw?" natigilan naman ako sa sinabi niya, hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako habang iniisip siya.

"Hihihihi" mahinang tawa ko. Binatukan na naman niya ako. Nakakadalawa na 'to sa'kin ha.

"Bakit ka ba nananakit ha?! Ano? Suntukan nalang?!" pang hahamon ko sa kanya. Ang sakit kaya ng ulo ko. Paano kung tuluyan na ako mabaliw? Paano kung makalimutan ko pangalan niya? Teka.. check ko nga ano nga ulit pangalan niya hehehe. Pinlay ko sa utak ko ang sinabi niya kanina. "I'm Sandro" haaayss buti nalang naalala ko pa pfft.

"Tumigil ka kasi sa kakangiti mo dyan. Para kang timang. Nakakatakot ka tuloy" pang-aasar niya.

"Ano ba kasing iniisip mo? At daig mo pa ang nanalo sa lotto dahil sa lapad ng ngiti mo" tanong niya pa.

"Alam mo kasi kanina muntik na akong mabangga ng kotse" nanlaki ang mata niya sa narinig.

"Muntik ka ng mabangga pero tuwang tuwa ka parin? Baliw ka nga" siya naman ang binatukan ko ngayon. Hindi nga kasi ako baliw.

"Pero ayun na nga nang makita ko kung sino yung nakasakay sa kotse akala ko anghel, kasi gwapo hihihi" pinagpapalo ko pa siya dahil sa kilig.

"Aray! Hoy Amanda masakit ha" suway niya.

"Ang kaso di ko nakuha yung pangalan niya kasi nagmadaling umalis"

"Ah. Buti nga. Natakot ata sa mukha mo kaya umalis agad" komento niya.

"Pero kanina sa coffee shop pumunta siya. Nag order siya, at dun ko nalaman pangalan niya" proud pa na sabi ko sa kanya.

Pinagtaasan naman niya ako ng kilay. Ang taray talaga nito daig pa babae.

"Ano daw pangalan niya?" kumunot ang noo ko.

Di kaya bakla 'tong bestfriend ko kaya interesado siya malaman pangalan nun? Oh noooo!

"Hoy anong pangalan?" pagtatanong niya ulit. Umiling ako at nag zipper sign sa bibig ko.

No way! Never mong malalaman ang pangalan niya.

Nagtaka naman siya sa inasta ko. "May regular customer kasi tayo baka kasi kilala ko kaya tinanong ko ang pangalan" nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Ahh. Akala ko talaga bakla ka" nagulat naman siya at agad tumawa ng malakas.

"HAHAHAHAAHAHAHA engot! Tingin mo sa'kin pumapatol sa kapwa lalaki"

"Sandro, yan yung pangalan niya" sagot ko.

"Sabi ko na e. Si Sir Sandro pala"

"Kilala mo?" nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Syempre. Ako lagi nags-serve ng coffee nun. Kaya hindi mo siya nakikita kasi every time na pupunta siya, nasa storage room ka. Timing lang talaga na may pinuntahan ako kanina kaya ikaw nagbantay sa counter nung oras na yun. Bakit gusto mo ba si Sir Sandro?"

Namula naman ako sa tanong niya.

"Ha? C-crush lang hehehe"

"Wag mo nang tangkain magka gusto dun."

"Bakit naman?" seryosong tanong ko. Bigla siyang ngumiti sa'kin ng nakakaloko.

"Kasi hindi kayo bagay!" isinigaw niya talaga sa mukha ko.

Inirapan ko siya at pabirong sinuntok. "Eh ano naman kung hindi? Hindi masamang mangarap"

"Para kayong beauty and the beast"

"Loko ka paano naging beast yun e ang gwapo nga"

"Sino bang nagsabi na siya yung beast, ikaw yung beast tapos siya ang beauty HAHAHAHA" tuwang tuwa siya sa pang aasar sa'kin na halos gumulong na siya sa lupa katatawa.

Minsan talaga gusto ko nalang siya sakalin hanggang sa malagutan siya ng hininga. Kaasar.

-------
9 pm. Nakadapa ako ngayon sa kama ko at nagt'type sa laptop. Hinahanap ko kasi ang facebook account ni Sandro ang kaso..

HINDI KO ALAM ANONG APELYIDO NIYAAAAA!!!

Napaka engot naman talaga. Tinanong ko na nga yung pangalan hindi naman kompleto. Ano naman ilalagay ko?

Sandro babe?
Sandro mahal?
Sandro my baby?
Sandro bebeko?
Sandro aking iniirog?
Sandro aking sinta?
Sandro aking ginigiliw?
Sandro ng buhay ko?
Sandro honey?
Sandro my labs?
Sandro sweetiepie cutiepie applepie bukopie?

Napasabunot nalang ako sarili ko. Minsan talaga ang tanga ko. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Kanina pa ako bugnot kasi di ko talaga mahanap. Puro arabo nakikita ko. Baka mamaya may mag chat pa ng "Hello dear" haaays. Bago ko pa matapon ang laptop ko dahil sa inis, isinara ko nalang ito.

Sana lang talaga magkita kami ulit ni Mr. Perfect.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now