CHAPTER 5

1.7K 85 46
                                    

Nanatili akong nakatayo at nakayuko ang ulo dahil sa kahihiyan. Grabe. Mukhang first and last day ko na ngayon. Hindi pa nga ako nakakapagsimula sa trabaho, patatalsikin na ako. Engot mo kasi Mandy.

"So.. you'll be my personal assistant starting today. Ms. Amanda Ysabelle Vergara, right?" nag-angat ako ng tingin at tumango sa kanya.

"Y-yes s-sir" mahinang sagot ko.

Umupo siya sa swivel chair at nagsimulang basahin ang mga papel na nasa mesa niya. Nanatili parin akong nakatayo. Hindi ako makagalaw o makaimik baka kasi kapag binuka ko na naman yung bibig ko another katangahan na naman magawa ko.

"What's your nickname?" tanong niya habang nakatingin parin sa mga papel.

"S-sir?"

"What should I call you?"

You can call me "baby" sir mwehehehe. Charing lang. Nasa isip ko lang yan ha. Baka kapag sinabi ko yan talagang paalisin na ako.

"You can address me by my last name, sir. But I would prefer to be called Mandy. That's my nickname" sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya sa'kin. "Okay. I will call you Ysabelle" napangiwi naman ako sa sinabi niya.

Bakit Ysabelle? Ayaw na ayaw ko talaga kapag tinatawag ako sa second name ko.

Di ko rin maintindihan 'tong si sir, e. Nagtanong anong gusto ko itawag sa'kin tapos ngayon siya pala magdedesisyon -,-

"Sir, just call me Ms. Vergara nalang hehe" maingat na pagtutol ko sa kanya.

"No. I like your name, Ysabelle so I will call you that" gusto mo pala name ko. Yung nagmamay-ari gusto mo din ba? HAHAHAHA charing.  Desisyon ka sir. Kung gusto mo ang Ysabelle pwes ako hindi.

Dahil wala naman akong magawa. Tumango nalang ako at ngumiti ng pilit.

"Sir M-marcos.. kasi uh-- sorry po kanina. Hindi ko po kasi talaga alam" saad ko. Kinakabahan ako.

Ngumiti naman siya sa'kin. "It's okay and just call me Sandro" wow first name basis na pala kami ngayon.  Pwede bang Sandro aking iniirog?

"You may take your seat. Kanina ka pa nakatayo dyan. And before I forget that's your table" tinuro niya ang table na nasa gilid.

"D-dito po ako sa office niyo?" paglilinaw ko sa kanya.

"Yup. You're my PA so I need you to stay by my side always"

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Enebeee. Stay in your life sir ayaw niyo ba? Willing ako. Hehehe.

Inayos ko na ang magiging table ko at umupo doon.

-------
Tiningnan ko ang wall clock at mag a'alas otso na pala ng gabi. Sinulyapan ko si Sir Sandro at hanggang ngayon hindi parin siya tapos sa pagbabasa at pagpipirma ng mga papel. Hindi ba uso sa kanya ang magpahinga? Wala ba sa bokabularyo niya ang salitang rest? Juicecolored. Sobrang workaholic niyang tao. Anong oras na oh -,- hindi ko naman maiwan kasi baka may iuutos siya. Unfair din para sa kanya. Kaya sige sir sasamahan kita sa hirap at ginhawa. Charing.

Buong araw lang din akong nag laro ng pou sa cellphone ko. Kahit isang utos wala akong narinig sa kanya. Ako na nga lang mismo yung nag offer na gawan siya ng kape para naman may silbe ako dito. Hinipan ko ang bangs ko at bumuntong hininga.

"Ysabelle" tawag niya sa'kin.

"Yes sir?"

"Are you bored? I'm almost done here" nagulat ako sa sinabi niya.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now