CHAPTER 2

2.9K 95 53
                                    

Nandito ako sa waiting area ng company na pinasukan ko kasi naghihintay ako.. kaya nga waiting kasi wait. You know, I'm waiting for the right person to come at the right time HAHAHAHAHAHA joke. Hinihintay ko na tawagin ang pangalan ko para sa interview.

Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama kong mag a'apply din.

May isang babae na nagmukha ng espasol dahil sa sobrang puti ng mukha.. mukhang hindi siya kinulang sa foundation, sumobra pa nga.

May isang lalaki naman na mukhang kakarating lang, tagaktak ang pawis at hindi maayos yung pagkakatupi ng long sleeves niya. Sumali ba siya ng marathon? Hindi pa nga nagsisimula yung trabaho niya mukhang pagod na siya. Napangiwi nalang ako sa itsura niya.

"Amanda Ysabelle S. Vergara?" agad naman akong nagtaas ng kamay ng marinig ko ang pangalan ko.

"Ma'am! Present ma'am!" narinig kong nagtawanan ang mga kasama ko.

"Ano ba yan parang elementary.  Nagtaas talaga ng kamay HAHAHAHA"

Hindi tumakas sa pandinig ko ang nagkomento nun.

Nilingon ko kung sino at talaga namang yung babaeng mukhang sinampal ng isang sako ng harina dahil sa puti ng mukha.

Hinipan ko ang bangs ko at tinaasan siya ng kilay.

"Hoy babaeng mukhang espasol, may bakery ba kayo? Nasobrahan sa harina yang mukha mo kulang nalang ilagay ka sa oven para maging tinapay ka" sabay irap sa kanya bago ako pumasok sa room.

Narinig kong mas lalong nagtawanan ang mga tao doon. Siguradong hiyang hiya na yun. Well kasalanan naman niya wala atang salamin sa bahay nila baka naubos kakabili ng harina HAHAHAHAHA

Pagkatapos ng interview dumiretso na ako sa part time job ko. Nagt'trabaho ako sa isang coffee shop na malapit lang din sa company na pinag apply'an ko. Dahil nga mukha akong pera hindi ako kontento sa isang trabaho lang. Waitress sa umaga, stripper sa gabi. Charing! HAHAAHAHAHAHAHAHAHA yung pinag apply'an ko pala kanina is for the personal assistant position. Sana nalang talaga palarin at makuha ko yun.

"Rise and shine people in the Philippines. Beautiful Mandy is here!" bungad ko sa mga tao doon.

"Oy Mandy tapos na interview mo?" tanong agad ng bestfriend kong si Yves.

"Yes at muntik na akong mapaaway doon" nagtaka naman siya sa sinagot ko.

"Ano na namang ginawa mo?"

"Tinawanan ba naman kasi ako nung babaeng mukhang espasol. Anong mali sa pagtaas ng kamay kapag tinawag ka? Uso naman yun" dipensa ko sa sarili.

Humagalpak naman siya ng tawa nang marinig ang sinabi ko.

"HAHAHAHAAHAHAHAHAHAH LT KA TALAGA! PARA KANG BATA! ANO YUN? SASAGOT KA SA RECITATION?"

Napanguso naman ako at sinamaan siya ng tingin.

"EH BATA PA NAMAN TALAGA AKO. BABY PA. BABY FACE!"

"BABY-TAYIN KAMO! HAAHAHAHAHAHAHA" tawa pa rin siya ng tawa.

Sana maubusan siya ng hangin bwiset siya.

"Maglinis ka na nga lang. Bwiset ka!" binato ko siya ng tissue. Ibato ko kaya tong walis na dala ko. Amp!

-------

2pm. Nakaupo lang ako sa counter habang naglalaro ng pou sa cellphone ko. May mga araw talaga na walang tao sa coffee shop kaya eto ako ngayon pa chill'2 lang.

Narinig kong nagbukas ang pintuan ng coffee shop. "Welcome--" natigilan ako nang makita kung sino ang dumating.

"Can I order 1 coffee please?" tulala parin akong nakatingin sa kanya.

"Miss?" bigla akong natauhan ng tinapik niya ang balikat ko.

"Ah. G-good afternoon sir. What can I get for you?" shemaay andito yung lalakeng mukhang anghel.

"1 coffee please. Just the regular one - no milk or sugar."

"Okay sir. That would be P200. It will be ready in just a moment"

"Here. Thank you" inabot niya sa'kin ang bayad.

Pagkatapos ng ilang minuto inabot ko na ang order sa kanya.

"Here's your order sir." sabay ngiti ng malapad.

Ngumiti naman siya sa'kin, akmang aalis na siya ng pigilan ko siya.
Pakapalan na ng mukha 'to pero gusto kong malaman ang pangalan niya. Hindi ako patatahimikin ng kaluluwa ko.

Nagtaka naman siya sa ginawa ko. "Yes miss?"

"Sir.. hindi niyo ba ako naaalala?" kumunot ang noo niya habang tinitingnan ako.

"Ikaw yung baliw na babae kanina na muntik ko ng mabangga? Right?" natuwa naman ako kasi naalala  niya pero ganun parin ang description niya.

Napakamot nalang ako sa ulo ko. "Hindi naman ako baliw sir e. Hehehe. Uhmm.. pwede po bang malaman ang pangalan niyo. F-for research purposes lang po hehehe" mas lalong kumunot ang noo niya.

Juicecolored naman akala niya siguro nabaliw na ako ng tuluyan huhuhu.

Ilang minuto din niya ako tinitigan parang ngayon lang ata siya nakakita ng ganito ka rare na mukha.

Exotic kasi beauty ko.

"I'm Sandro" magtatanong pa sana ako kung may girlfriend na siya pero umalis na kaagad.

Natakot ata sa'kin pero okay lang atleast nalaman ko na pangalan niya hihi.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now