CHAPTER 10

1.6K 80 8
                                    

Tiningnan ko ang wall clock sa office. Alas nuwebe na pala ng gabi. Ang lakas pa naman ng ulan sa labas. Hinihintay ko si Sir Sandro na matapos yung meeting niya. Hays. Sobrang workaholic talaga.

Habang nagmumuni-muni biglang bumukas ang pintuan.

"Sa wakas natapos din ang meetin--"

Napatigil ako sa pagsasalita nang makita na hindi si Sir Sandro ang pumasok.

What the fudgee bar.

Bakit nandito siya?

"Oh? You're here pala?" bungad sa'kin ng demonyitang Beatrix.

Ah. Wala. Namamalik-mata ka lang. Obvious naman siguro. Hindi naman siya bulag. Psh.

Hindi ko inaasahan na magkikita kami ulit. Isang buwan na din ang nakalipas nung unang pagkikita namin.

"Ano pong kailangan niyo?" kalmahan mo lang Mandy. Nasa opisina ka ng boss mo. Ayaw mo ng eskandalo.

Pinagtaasan niya ako ng kilay. "So? Why do I have to tell you? And sumasagot ka pala?"

Malamang sasagutin ko talaga. Nagtanong siya diba? Siraulo pala to, e.

"Kung hinahanap mo si Sir Sandro. Hindi pa tapos meeting niya"

"Sir?"

Nabigla ako ng maalala ko na kailangan ko pala magpanggap na girlfriend niya. Engot ka Mandy -,-

"O-oo! Ma'am and Sir call sign namin. May problema ka ba dun?" pagdadahilan ko.

Juicecolored. Ang galing mo talaga mag isip Mandy. Life changing!

"Really? Sa tingin mo maniniwala ako sayo? Alam kong ginagamit ka lang ni Sandro para pagselosin ako. Because he will never stoop down into your level."

Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil sa sinabi niya.

Ginagamit?

Siguro nga..

Ngunit hindi ko pinakita na nasasaktan ako. Matapang na tiningnan ko siya sa mata.

"Pagselosin? Para saan pa? Wala na kayo diba? Alam mo uso yung salitang move on. Bakit hindi mo i-apply sa sarili mo para naman matauhan ka. Hindi yung para kang lintang laging nakadikit sa boyfriend ko"

"Boyfriend?! Talagang kinareer mo talaga no? Napaka ilusyonada mo. Do you really believe that Sandro is in love with you?! Wake up girl! Hindi kayo bagay"

"Alam mo kung sino ang ilusyonada sa ating dalawa? Ikaw yun! Kasi kahit wala na kayo pilit mo pa'rin pinagsisiksikan ang sarili mo sa kanya. At sino naman ang bagay sa kanya? Ikaw? No way! Alam mo kung saan ka nababagay? Sa trashcan! Plastik ka na nga, basura pa yang ugali mo!"

Akala niya siguro hindi ako papatol sa mga plastik na kagaya niya. Alam kong mahirap ako pero hindi ko hahayaan na tapak tapakan ang pagkatao ko.

"Bitch!"

Nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang buhok. Potek. Nakalugay at mahaba ang buhok kaya mabilis niya itong nahila. Ang sakit sa anit. Maka-kalbo ata ako nito.

"Ahhh!! Fvck you bitch! Go to hell!" pagsisigaw niya.

Napahiga na ako sahig. Pinagsasampal, kinakalmot at sinasabunutan ako. Aba! Ang haba pa ng kuko niya. Ang sakiiiit!

Sinubukan kong pigilan ang mga kamay niya pero patuloy pa rin siya. Ang sakit ng buong katawan ko dahil nakadagan siya sa'kin. Marahas ko siyang tinulak at napa higa siya sa sahig. Tumayo ako. Akmang susugudin ko na siya nang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Sir Sandro

"WHAT THE HELL IS HAPPENING HERE?!" sigaw niya.

Narinig kong umiyak si Beatrix.

"Sandro she's trying to kill me!"

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. What the?! Ako pa talaga? E siya nga yung unang sumugod sa'kin.

"IS IT TRUE?!"

Napatalon ako ng sigawan ako ni Sir Sandro. Ngayon ko lang siya nakitang galit na galit.

"YSABELLE!!!"

"H-hindi yan totoo. Siya yung unang nanakit sa'kin" dipensa ko sa sarili.

"Liar! She pulled my hair first! I tried to stop her. Nag makaawa ako pero she didn't stop. She even pushed me!"

Iyak ng iyak si Beatrix. Pinapatahan naman siya ngayon ni Sir Sandro. Wow. Ako talaga yung nag mukhang kontrabida sa lovestory nilang dalawa.

Hanep na yan. Ang galing umarte -,-

"Can you stand?" inalalayan ni Sir Sandro si Beatrix pero bigla itong natumba.

"Ouch! My foot!" palahaw ni Beatrix.

Marahas na tiningnan ako ni Sir Sandro.

"Look what you've done! I've expected more from you. Hindi ko alam na ganito pala ang ugali mo! You disappoint me."

Hindi ko alam ang mararamdaman ngayon. Takot, galit, lungkot o pagka-dismaya dahil mas pinaniniwalaan niya si Beatrix.

Napayuko ako at pilit na pinipigilan ang luha ko. Nanginginig na din ang mga kamay ko.

"Sorry h-hindi ko po sinasad--"

"Get out"

Nanigas ako sa kinatatayuan ng marinig iyon.

"I SAID GET FVCKING OUT!" bulyaw niya sa'kin.

Mabilis akong lumabas ng opisina. Takbo lang ako ng takbo. Hindi ko pinapansin yung mga empleyadong nakatingin sa'kin. Nagtataka siguro. Mga marites. Amp.

Patuloy parin ako sa pagtakbo hanggang sa makalabas ng building. Hindi alintana ang napakalakas na hangin at ulan. Para akong nasa isang palabas pero ang kaibahan ay totoo itong nangyayari.

Iyak ako ng iyak. Sobrang sakit sa pakiramdam. Akala ko ako yung paniniwalaan niya pero mas pinili niya yung demonyitang Beatrix.

Kung sabagay bakit naman ako yung pipiliin. Ex girlfriend niya yun samantalang ako assistant lang niya. Nagpapanggap lang na girlfriend niya. Fake. Hindi totoo. Matagal na silang magkakilala samantalang kami ilang buwan pa lang.

Halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang nag uunahang bumagsak. Ang sakit na ng tuhod at mga paa ko dahil ilang beses na akong nadulas at nadapa. Pero walang mas makakapantay sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Basang basang na din yung blouse at palda ko. Sira na din ang heels ko.

Napa-upo nalang ako sa gilid ng daan. Hindi ko alam kung nasaan ako. Niyakap ko ang tuhod ko at sinubsob ang ulo ko doon. Iyak lang ako ng iyak. Ngayon lang ulit ako umiyak ng ganito.

Beep! Beeeepp!!

Nakarinig ako ng busina ng sasakyan. Tinakpan ko ang mata ko dahil sa nakakasilaw na ilaw galing doon. May naaninag akong bumaba sa kotse

"Miss?" pamilyar ang boses pero hindi ko makita kasi unti-unti ng lumalabo ang paningin ko.

"Hey, wake up" tinatapik niya ang pisngi ko pero sobrang bigat na ng mata ko. Napagod na siguro kakaiyak. Giniginaw na din ako.

"You're burning. Nilalagnat ka"

Naramdaman kong pinulupot niya sa'kin ang jacket niya at kinarga ako. Nang makita ko ng malapitan kung sino iyon napayakap nalang ako at umiyak.

"Shhh don't cry" bulong niya sa'kin.

Hindi ko na alam ang sunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.

MR. PERFECT (Sandro Marcos)Where stories live. Discover now